Font Size
Lucas 20:19-21
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Lucas 20:19-21
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
19 Nang mahalata ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga punong pari na sila ang pinatatamaan ng talinghagang iyon, tinangka nilang dakpin si Jesus, ngunit hindi nila nagawa dahil takót sila sa mga tao.
Pagbabayad ng Buwis sa Emperador(A)
20 Kaya minatyagan nila si Jesus at sila'y nagsugo ng mga espiya upang magkunwaring matatapat, nang sa gayo'y mahuli siya sa kanyang sasabihin at madala siya sa pamamahala at kapangyarihan ng gobernador. 21 Nagtanong ang mga espiya kay Jesus, “Guro, alam naming ikaw ay nagsasabi at nagtuturo nang tama at wala kang pinapanigang tao, sa halip ay itinuturo mo ang daan ng Diyos ayon sa katotohanan.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.