Lucas 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Kapanganakan ni Jesus(A)
2 Nang mga araw na iyon, lumabas ang isang utos mula kay Emperador Augusto na magpatala ang lahat sa buong mundo. 2 Naganap ang unang pagpapatalang ito nang si Quirinio ang gobernador ng Syria. 3 Umuwi nga ang bawat isa sa kani-kanilang bayan upang magpatala. 4 Pumunta rin si Jose mula sa bayan ng Nazareth ng Galilea patungong Judea, sa lungsod ni David na kung tawagin ay Bethlehem dahil siya ay mula sa lipi at sambahayan ni David. 5 Kasama niyang magpapatala si Maria, na ipinagkasundo sa kanya; nagdadalang-tao na si Maria noon. 6 Habang sila'y naroroon, dumating ang oras ng panganganak ni Maria. 7 At isinilang niya ang kanyang panganay na lalaki, binalot niya ito ng lampin at inihiga sa sabsaban, sapagkat walang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Ang mga Pastol at ang mga Anghel
8 Kinagabihan, sa lupain ding iyon ay may mga pastol sa parang na nagbabantay ng kanilang mga kawan. 9 Bigla na lang lumitaw sa harapan nila ang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Diyos ay nagliwanag sa kanilang paligid; sila ay lubhang natakot. 10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot, sapagkat dala ko sa inyo ang mabuting balitang ikagagalak ng lahat ng tao. 11 Sa araw na ito, isinilang sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. 12 At ito ang palatandaan para sa inyo: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na binalot sa lampin at nakahiga sa sabsaban.” 13 Walang anu-ano'y sumama sa anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at nagsasabi:
14 “Luwalhati sa Diyos sa kaitaas-taasan,
at sa daigdig, kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan.”[a]
15 Nang iwan sila ng mga anghel, sinabi ng mga pastol sa isa't isa, “Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.” 16 At nagmamadali silang nagpunta at natagpuan nila sina Maria, si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17 Nang makita ito, ipinaalam nila ang mga sinabi tungkol sa sanggol na ito. 18 Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi sa kanila ng mga pastol. 19 Pinahalagahan ni Maria ang lahat ng mga ito sa kanyang kalooban at pinagbulay-bulayan. 20 Nagpupuring umalis ang mga pastol at niluluwalhati ang Diyos sapagkat lahat ng kanilang nakita at narinig ay ayon sa sinabi sa kanila ng anghel. 21 Makalipas ang walong araw, tinuli ang bata at pinangalanang Jesus, ayon sa pangalang ibinigay sa kanya ng anghel bago pa siya ipinagdalang-tao.
Ang Paghahandog kay Jesus
22 Nang sumapit na ang araw ng kanilang paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises, dinala ng kanyang mga magulang ang sanggol sa Jerusalem upang ihandog sa Panginoon. 23 Ito ay ayon sa nakasaad sa Kautusan ng Panginoon, “Ang bawat panganay na lalaki ay itatalaga sa Panginoon.” 24 Nag-alay din sila nang ayon sa sinabi sa Kautusan ng Panginoon, “dalawang batu-bato o dalawang batang kalapati.” 25 May isang tao noon sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang lalaking ito ay matuwid at masipag sa kabanalan at naghihintay sa pagpapalaya sa Israel. Sumasakanya ang Banal na Espiritu. 26 Ipinahayag ng Banal na Espiritu sa kanya na makikita muna niya ang Cristo ng Panginoon bago siya mamatay. 27 Sa patnubay ng Espiritu ay pumasok si Simeon sa templo. At nakita niya na dala-dala si Jesus ng kanyang mga magulang upang gawin ang nakaugalian ayon sa Kautusan. 28 Kinarga ni Simeon ang sanggol at nagpuri sa Panginoon. Sinabi niya,
29 “Ngayon, Panginoon ko, ayon sa inyong ipinangako,
mapayapa mo nang kunin ang iyong alipin.
30 Sapagkat namalas na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
31 na inyong inihanda, sa harap ng lahat ng bansa:
32 Isang ilaw ng pagpapahayag sa mga Hentil
at para sa kaluwalhatian ng bansa mong Israel.”
33 Ang ama at ina ng sanggol ay namangha sa mga sinabi tungkol sa kanya. 34 At binasbasan sila ni Simeon at sinabi kay Maria na ina ng sanggol, “Tandaan mo ang sasabihin ko: itinalaga ang batang ito para sa pagbagsak at pagbangon ng marami sa Israel. Siya'y magiging tanda na sasalungatin ng marami, 35 at mahahayag ang iniisip ng marami—at tila isang balaraw ang tatarak sa iyong puso.” 36 Naroon din si Ana, isang propetang babae na anak ni Fanuel, mula sa lipi ni Aser. Napakatanda na niya. Pitong taon niyang nakapiling ang kanyang asawa matapos maikasal. 37 Ngayon ay isa na siyang balo sa edad na walumpu't apat. Hindi niya nililisan ang templo kundi araw at gabi siyang nag-aayuno at nananalangin doon. 38 Pagdating niya nang mga oras na iyon, nagpuri siya sa Diyos at nagsimulang magsalita tungkol sa sanggol sa lahat ng mga naghihintay ng katubusan ng Israel.
Ang Pagbabalik sa Nazareth
39 Pagkatapos nilang maisagawa ang lahat ng ayon sa Kautusan ng Panginoon, bumalik ang mga magulang ni Jesus sa kanilang bayang Nazareth sa Galilea. 40 Lumaking malusog ang bata, puspos ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.
Ang Batang si Jesus sa Templo
41 Taun-taon, tuwing Pista ng Paskuwa, nagpupunta sa Jerusalem ang mga magulang ni Jesus. 42 Nang naglabindalawang taong gulang na siya, umahon sila patungo sa kapistahan ayon sa kaugalian. 43 Nang matapos ang pista at sila ay pabalik na, nanatili ang batang si Jesus sa Jerusalem na hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. 44 Sa pag-aakalang kasama nila sa paglalakbay si Jesus sa kanilang grupo, tumagal nang isang araw bago nila ito hinanap sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. 45 Nang hindi siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem upang hanapin siya. 46 Makalipas ang tatlong araw, natagpuan nila ito na nakaupo sa templo, sa kalagitnaan ng mga guro—nakikinig at nagtatanong sa kanila. 47 Ang lahat ng nakapakinig sa kanya ay manghang-mangha sa kanyang katalinuhan at mga sagot. 48 Nang makita siya ng kanyang mga magulang, namangha sila. Sinabi sa kanya ng kanyang ina, “Anak, bakit ganito ang ginawa mo sa amin? Ako at ang iyong ama ay nag-aalala sa kahahanap sa iyo.” 49 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa tahanan ako ng aking ama?” 50 Ngunit hindi nila naunawaan ang sinabi niya sa kanila. 51 Umalis siyang kasama nila pauwi sa Nazareth at siya ay naging masunurin sa kanila. At pinakaingatan ng kanyang ina ang mga bagay na ito sa kanyang puso. 52 Lumago si Jesus sa karunungan at pangangatawan, at naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.
Footnotes
- Lucas 2:14 at sa daigdig, kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan: Sa ibang manuskrito ay at kapayapaan sa daigdig, at sa mga tao ay kaluguran.
Lucas 2
Ang Biblia, 2001
Ang Kapanganakan ni Jesus(A)
2 Nang mga araw na iyon ay lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar upang magpatala ang buong daigdig.
2 Ito ang unang pagtatala na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria.
3 Pumunta ang lahat upang magpatala, bawat isa sa kanyang sariling bayan.
4 Umahon din si Jose mula sa Galilea mula sa bayan ng Nazaret, patungo sa Judea, sa lunsod ni David, na tinatawag na Bethlehem, sapagkat siya'y mula sa sambahayan at lipi ni David,
5 upang magpatalang kasama ni Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay malapit nang manganak.
6 Samantalang sila'y naroroon, dumating ang panahon ng kanyang panganganak.
7 At kanyang isinilang ang kanyang panganay na anak na lalaki, binalot niya ito ng mga lampin,[a] at inihiga sa isang sabsaban sapagkat walang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Ang mga Pastol at ang mga Anghel
8 Sa lupaing iyon ay may mga pastol ng tupa na nasa parang na nagbabantay sa kanilang kawan sa gabi.
9 Tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila, at sila'y lubhang natakot.
10 Kaya't sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dala ko sa inyo ang magandang balita ng malaking kagalakan para sa buong bayan.
11 Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.
12 Ito ang magiging palatandaan ninyo: Matatagpuan ninyo ang isang sanggol na balot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
13 At biglang sumama sa anghel ang isang malaking hukbo ng langit na nagpupuri sa Diyos at nagsasabi,
14 “Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan,
at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.”[b]
15 Nang iwan sila ng mga anghel patungo sa langit, sinabi ng mga pastol sa isa't isa, “Pumunta tayo ngayon sa Bethlehem at tingnan natin ang nangyaring ito na ipinaalam sa atin ng Panginoon.”
16 At sila'y nagmamadaling pumunta at kanilang natagpuan sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
17 Nang makita nila ito, ipinaalam nila sa kanila ang mga sinabi tungkol sa sanggol na ito;
18 at lahat nang nakarinig nito ay namangha sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastol.
19 Subalit iningatan ni Maria ang lahat ng mga salitang ito, na pinagbulay-bulay sa kanyang puso.
20 Pagkatapos ay bumalik ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil sa lahat ng kanilang narinig at nakita, ayon sa sinabi sa kanila.
Binigyan ng Pangalan si Jesus
21 Makaraan(B) ang walong araw, dumating ang panahon upang tuliin ang bata.[c] Tinawag siyang Jesus, ang pangalang ibinigay ng anghel bago siya ipinaglihi sa sinapupunan.
Dinala si Jesus sa Templo
22 Nang(C) sumapit na ang mga araw ng kanilang paglilinis ayon sa kautusan ni Moises, kanilang dinala siya sa Jerusalem upang iharap siya sa Panginoon
23 (ito ay ayon(D) sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, “Ang bawat panganay na lalaki ay tatawaging banal sa Panginoon”).
24 Sila'y naghandog ng alay alinsunod sa sinasabi sa kautusan ng Panginoon, “dalawang batu-bato, o dalawang batang kalapati.”
25 Noon ay may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan na naghihintay sa kaaliwan ng Israel at nasa kanya ang Espiritu Santo.
26 Ipinahayag sa kanya ng Espiritu Santo na hindi niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon.
27 Sa patnubay ng Espiritu ay pumasok siya sa templo. Nang ipasok ng mga magulang sa templo ang sanggol na si Jesus upang gawin sa kanya ang naaayon sa kaugalian sa ilalim ng kautusan,
28 inilagay niya ang sanggol sa kanyang mga bisig, pinuri ang Diyos, at sinabi,
29 “Panginoon, ngayon ay hayaan mong ang iyong alipin ay pumanaw na may kapayapaan,
ayon sa iyong salita,
30 sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
31 na iyong inihanda sa harapan ng lahat ng mga tao,
32 isang(E) ilaw upang magpahayag sa mga Hentil,
at para sa kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.”
33 Ang ama at ina ng bata[d] ay namangha sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kanya.
34 Sila'y binasbasan ni Simeon at sinabi kay Maria na kanyang ina, “Ang batang ito ay itinalaga para sa pagbagsak at pagbangon ng marami sa Israel at pinakatanda na sasalungatin,
35 at tatagos ang isang tabak sa iyong sariling kaluluwa upang mahayag ang iniisip ng marami.”
36 Mayroong isang babaing propeta, si Ana na anak ni Fanuel, mula sa lipi ni Aser. Siya ay napakatanda na at may pitong taong namuhay na kasama ng kanyang asawa mula nang sila ay ikasal,
37 at bilang isang balo hanggang walumpu't apat na taong gulang. Hindi siya umalis sa templo kundi sumamba roon na may pag-aayuno at panalangin sa gabi at araw.
38 Pagdating niya sa oras ding iyon, siya'y nagpasalamat sa Diyos at nagsalita nang tungkol sa sanggol[e] sa lahat ng naghihintay para sa katubusan ng Jerusalem.
Ang Pagbabalik sa Nazaret
39 Nang(F) magampanan na nila ang lahat ng mga bagay ayon sa kautusan ng Panginoon, bumalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayang Nazaret.
40 At lumaki ang bata, lumakas, napuno ng karunungan, at sumasakanya ang biyaya ng Diyos.
Ang Batang si Jesus sa Templo
41 Noon,(G) taun-taon ay nagtutungo ang kanyang mga magulang sa Jerusalem sa kapistahan ng Paskuwa.
42 Nang siya'y labindalawang taon na, umahon sila ayon sa kaugalian patungo sa kapistahan.
43 Nang matapos na ang kapistahan, sa pagbabalik nila ay nanatili ang batang si Jesus sa Jerusalem, ngunit hindi ito alam ng kanyang mga magulang.
44 Ngunit sa pag-aakala nilang siya'y kasama ng mga manlalakbay, nagpatuloy sila ng isang araw na paglalakbay. Pagkatapos ay kanilang hinahanap siya sa mga kamag-anak at mga kakilala,
45 at nang di nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem upang hanapin siya.
46 Pagkalipas ng tatlong araw, kanilang natagpuan siya sa templo na nakaupo sa gitna ng mga guro na nakikinig at nagtatanong sa kanila.
47 Ang lahat ng nakikinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan at sa kanyang mga sagot.
48 Nang siya'y makita nila ay nagtaka sila at sinabi sa kanya ng kanyang ina, “Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganito? Tingnan mo, ang iyong ama at ako ay naghahanap sa iyo na may pag-aalala.”
49 Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo nalalaman na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?”[f]
50 At hindi nila naunawaan ang salitang sinabi niya sa kanila.
51 Umuwi siyang kasama nila, at dumating sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Iningatan ng kanyang ina ang mga bagay na ito sa kanyang puso.
52 Lumago(H) si Jesus sa karunungan, sa pangangatawan, at naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.
Footnotes
- Lucas 2:7 o mga damit .
- Lucas 2:14 Sa ibang mga kasulatan ay may mabuting kalooban .
- Lucas 2:21 Sa Griyego ay siya .
- Lucas 2:33 Sa Griyego ay niya .
- Lucas 2:38 o kanya .
- Lucas 2:49 o mga bagay ng aking Ama .
路加福音 2
Chinese New Version (Simplified)
耶稣基督降生(参(A)
2 那时,有谕旨从凯撒奥古士督颁发下来,叫普天下的人登记户口。 2 这是第一次户口登记,是在居里纽作叙利亚总督的时候举行的。 3 众人各归各城去登记户口。 4 约瑟本是大卫家族的人,也从加利利的拿撒勒上犹太去,到了大卫的城伯利恒, 5 与所聘之妻马利亚一同登记户口。那时马利亚的身孕已经重了。 6 他们在那里的时候,马利亚的产期到了, 7 生了头胎儿子,用布包着,放在马槽里,因为客店里没有地方。
天使向牧羊人报喜信
8 在伯利恒的郊外,有一些牧人在夜间看守羊群。 9 主的一位使者站在他们旁边,主的荣光四面照着他们,他们就非常害怕。 10 天使说:“不要怕!看哪!我报给你们大喜的信息,是关于万民的: 11 今天在大卫的城里,为你们生了救主,就是主基督。 12 你们要找到一个婴孩,包着布,卧在马槽里,那就是记号了。” 13 忽然有一大队天兵,同那天使一起赞美 神说:
14 “在至高之处,荣耀归与 神!
在地上,平安归与他所喜悦的人!”
15 众天使离开他们升天去了,那些牧人彼此说:“我们往伯利恒去,看看主所指示我们已经成就的事。” 16 他们急忙去了,找到马利亚、约瑟和那卧在马槽里的婴孩。 17 他们见过以后,就把天使对他们论这孩子的话传开了。 18 听见的人,都希奇牧人所说的事。 19 马利亚把这一切放在心里,反复思想。 20 牧人因为听见的和看见的,正像天使对他们所说的一样,就回去了,把荣耀赞美归与 神。
21 满了八天,替孩子行割礼的时候,就给他起名叫耶稣,就是他成胎之前,天使所起的。
在圣殿奉献耶稣
22 满了洁净的日子,他们就按着摩西的律法,带孩子上耶路撒冷去,奉献给主。 23 正如主的律法所记:“所有头生的男孩,都当称为圣归给主。” 24 又照着主的律法所说的献上祭物,就是一对斑鸠或两只雏鸽。
25 在耶路撒冷有一个人,名叫西面,这人公义虔诚,一向期待以色列的安慰者来到,又有圣灵在他身上。 26 圣灵启示他,在死前必得见主所应许的基督, 27 他又受圣灵感动进了圣殿。那时,耶稣的父母抱着孩子进来,要按着律法的规矩为他行礼。 28 西面就把他接到手上,称颂 神说:
29 “主啊,现在照你的话,
释放仆人平平安安地去吧!
30 因我的眼睛已经看见你的救恩,
31 就是你在万民面前所预备的,
32 为要作外族人启示的光,
和你民以色列的荣耀。”
33 他父母因论到他的这些话而希奇。 34 西面给他们祝福,对他母亲马利亚说:“看哪!这孩子被立,要叫以色列中许多人跌倒,许多人兴起,又要成为反对的目标, 35 (你自己的心也会被刀刺透,)这样,许多人心中的意念就要被揭露出来。” 36 又有一个女先知,就是亚拿,是亚设支派法内利的女儿。她已经上了年纪,从童女出嫁,和丈夫住了七年, 37 就寡居了,直到八十四岁(“就寡居了,直到八十四岁”或译:“就寡居了八十四年”)。她没有离开过圣殿,以禁食和祷告昼夜事奉主。 38 就在那时候,她前来称谢 神,并且向期待耶路撒冷蒙救赎的众人,讲论孩子的事。
39 他们按着主的律法办完一切,就回加利利,到自己的城拿撒勒去了。 40 孩子渐渐长大,强壮起来,充满智慧,有 神的恩典在他身上。
孩童耶稣上耶路撒冷过节
41 每年逾越节,他父母都上耶路撒冷去。 42 当他十二岁时,他们按着节期的惯例,照常上去。 43 过完了节,他们回去的时候,孩童耶稣仍留在耶路撒冷,他父母却不知道, 44 还以为他在同行的人中间。走了一天,就在亲戚和熟人中找他, 45 没有找到,就转回耶路撒冷找他。 46 过了三天,才发现他在圣殿里,坐在教师中间,一面听,一面问。 47 所有听见他的人,都希奇他的聪明和应对。 48 他父母见了,非常惊奇,他母亲说:“孩子,为甚么这样对待我们呢?你看,你父亲和我都很担心地在找你呢!” 49 他说:“为甚么找我呢?你们不知道我必须在我父的家里吗?(“在我父的家里吗?”或译:“以我父的事为念吗?”)” 50 但他们不明白他所说的话。 51 他就同他们下去,回到拿撒勒,并且顺从他们。他母亲把这一切事,都存在心里。
52 耶稣的智慧和身量,以及 神和人对他的喜爱,都不断增长。
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
