Add parallel Print Page Options

21 Makalipas ang walong araw, tinuli ang bata at pinangalanang Jesus, ayon sa pangalang ibinigay sa kanya ng anghel bago pa siya ipinagdalang-tao.

Ang Paghahandog kay Jesus

22 Nang sumapit na ang araw ng kanilang paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises, dinala ng kanyang mga magulang ang sanggol sa Jerusalem upang ihandog sa Panginoon. 23 Ito ay ayon sa nakasaad sa Kautusan ng Panginoon, “Ang bawat panganay na lalaki ay itatalaga sa Panginoon.”

Read full chapter