Lucas 19
Ang Biblia (1978)
19 At siya'y (A)pumasok at nagdaan sa Jerico.
2 At narito, isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo; at siya'y isang puno ng mga maniningil ng buwis, at siya'y mayaman.
3 At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya; at hindi mangyari, dahil sa maraming tao, sapagka't siya'y pandak.
4 At tumakbo siya sa unahan, at umakyat sa isang punong kahoy na sikomoro upang makita siya: sapagka't siya'y magdaraan sa daang yaon.
5 At nang dumating si Jesus sa dakong yaon, ay siya'y tumingala, at sinabi sa kaniya, Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka't ngayo'y kinakailangang ako'y tumuloy sa bahay mo.
6 At siya'y nagmadali, at bumaba, at tinanggap siyang may tuwa.
7 At nang makita nila ito, ay (B)nangagbulongbulungan silang lahat, na nangagsasabi, Siya'y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan.
8 At si Zaqueo ay nagtindig, at sinabi sa Panginoon, Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pagaari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung (C)sakali't nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay (D)isinasauli ko ng makaapat.
9 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas, sapagka't (E)siya'y (F)anak din naman ni Abraham.
10 Sapagka't (G)ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala.
11 At samantalang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, ay dinugtungan niya at sinalita ang isang talinghaga, sapagka't siya'y malapit na sa Jerusalem, at sapagka't (H)kanilang inakala na pagdaka'y mahahayag ang kaharian ng Dios.
12 Sinabi nga niya, (I)Isang mahal na tao ay naparoon sa isang malayong lupain, upang tumanggap ng isang kaharian na ukol sa kaniyang sarili, at magbalik.
13 At tinawag niya ang sangpu sa kaniyang mga alipin at binigyan sila ng sangpung mina, at sinabi sa kanila, Ipangalakal ninyo ito hanggang sa ako'y dumating.
14 Datapuwa't kinapopootan siya ng kaniyang mga mamamayan, at ipinahabol siya sa isang sugo, na nagsasabi, Ayaw kami na ang taong ito'y maghari pa sa amin.
15 At nangyari, na nang siya'y muling magbalik, nang matanggap na ang kaharian, ay ipinatawag niya sa kaniyang harapan ang mga aliping yaon, na binigyan niya (J)ng salapi, upang maalaman niya kung gaano ang kanilang tinubo sa pangangalakal.
16 At dumating sa harapan niya ang una, na nagsasabi, Panginoon, nagtubo ang iyong mina ng sangpung mina pa.
17 At sinabi niya sa kaniya, Mabuting gawa, ikaw na mabuting alipin: sapagka't nagtapat ka (K)sa kakaunti, magkaroon ka ng kapamahalaan sa sangpung bayan.
18 At dumating ang ikalawa, na nagsasabi, Panginoon, nagtubo ang iyong mina ng limang mina.
19 At sinabi niya sa kaniya, Magkaroon ka naman ng kapamahalaan sa limang bayan.
20 At dumating ang iba pa, na nagsasabi, Panginoon, narito ang iyong mina, na aking itinago sa isang panyo:
21 Dahil sa ako'y natakot sa iyo, sapagka't ikaw ay taong mabagsik kinukuha mo ang hindi mo inilagay, at ginagapas mo ang hindi mo inihasik.
22 Sinabi niya sa kaniya, Sa sariling bibig mo kita hinahatulan ikaw na masamang alipin. Nalalaman mo na ako'y taong mabagsik, na kumukuha ng hindi ko inilagay, at gumagapas ng hindi ko inihasik;
23 Kung gayon, bakit hindi mo inilagay ang salapi ko sa bangko, at nang sa aking pagbalik ay mahingi ko yaon pati ng tinubo?
24 At sinabi niya sa mga nahaharap, Alisin ninyo sa kaniya ang mina, at ibigay ninyo sa may sangpung mina.
25 At sinabi nila sa kaniya, Panginoon, siya'y mayroong sangpung mina.
26 Sinasabi ko sa inyo, (L)na bibigyan ang bawa't mayroon; datapuwa't ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.
27 Datapuwa't itong aking mga kaaway, na ayaw na ako'y maghari sa kanila, ay dalhin ninyo rito, at patayin ninyo sila sa harapan ko.
28 At nang masabi niyang gayon, (M)ay nagpatuloy siya sa unahan, na umahon sa Jerusalem.
29 At nangyari, (N)na nang siya'y malapit na sa Betfage at Betania, sa bundok na tinatawag na Olivo, ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad,
30 Na sinasabi, Magsiyaon kayo sa inyong lakad sa katapat na nayon; sa pagpasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakatali na batang asno, na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao: kalagin ninyo siya, at dalhin ninyo siya rito.
31 At kung may sinomang tumanong sa inyo, Bakit ninyo kinakalag iyan? ganito ang inyong sasabihin, Kinakailangan siya ng Panginoon.
32 At nagsiparoon ang mga sugo at nasumpungan ng ayon sa sinabi niya sa kanila.
33 At nang kinakalag nila ang batang asno, ay sinabi sa kanila ng mga may-ari niyaon, Bakit kinakalag ninyo ang batang asno?
34 At sinabi nila, Kinakailangan siya ng Panginoon.
35 At dinala nila siya kay Jesus: (O)at inilagay nila ang kanilang mga damit sa ibabaw ng batang asno, at isinakay nila si Jesus sa ibabaw noon.
36 At samantalang siya'y lumalakad, ay inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan.
37 At nang nalalapit siya sa libis ng bundok ng mga Olivo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nangagpasimulang mangagkatuwa at mangagpuri sa Dios ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga gawang makapangyarihan na kanilang mangakita.
38 Na sinasabi, Mapalad ang Hari na pumaparito sa pangalan ng Panginoon: kapayapaan sa langit, (P)at kaluwalhatian sa kataastaasan.
39 (Q)At ilan sa mga Fariseo na mula sa karamihan ay nangagsabi sa kaniya, Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.
40 At sumagot siya at nagsabi, Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mangagsiimik ang mga ito, ang mga bato'y sisigaw.
41 At nang malapit na siya, nakita niya ang bayan, at ito'y kaniyang tinangisan,
42 Na sinasabi, Kung sa araw na ito ay nakilala mo sana, sa iyong sarili, ang mga bagay na nauukol sa iyong kapayapaan! datapuwa't ngayo'y pawang nangatatago sa iyong mga mata.
43 Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran (R)ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila,
44 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; (S)at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y (T)pagdalaw.
45 At (U)pumasok siya sa templo, at pinasimulang itaboy sa labas ang mga nangagbibili,
46 Na sinasabi sa kanila, Nasusulat nga, (V)At ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan: datapuwa't (W)ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.
47 At nagtuturo siya araw-araw sa templo. Datapuwa't ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang mga taong pangunahin sa bayan ay nangagsisikap na siya'y patayin:
48 At di nila masumpungan kung ano ang kanilang magagawa; sapagka't natitigilan ang buong bayan sa pakikinig sa kaniya.
Luke 19
Living Bible
19 1-2 As Jesus was passing through Jericho, a man named Zacchaeus, one of the most influential Jews in the Roman tax-collecting business (and, of course, a very rich man), 3 tried to get a look at Jesus, but he was too short to see over the crowds. 4 So he ran ahead and climbed into a sycamore tree beside the road, to watch from there.
5 When Jesus came by, he looked up at Zacchaeus and called him by name! “Zacchaeus!” he said. “Quick! Come down! For I am going to be a guest in your home today!”
6 Zacchaeus hurriedly climbed down and took Jesus to his house in great excitement and joy.
7 But the crowds were displeased. “He has gone to be the guest of a notorious sinner,” they grumbled.
8 Meanwhile, Zacchaeus stood before the Lord and said, “Sir, from now on I will give half my wealth to the poor, and if I find I have overcharged anyone on his taxes, I will penalize myself by giving him back four times as much!”
9-10 Jesus told him, “This shows[a] that salvation has come to this home today. This man was one of the lost sons of Abraham, and I, the Messiah, have come to search for and to save such souls as his.”
11 And because Jesus was nearing Jerusalem, he told a story to correct the impression that the Kingdom of God would begin right away.
12 “A nobleman living in a certain province was called away to the distant capital of the empire to be crowned king of his province. 13 Before he left he called together ten assistants and gave them each $2,000 to invest while he was gone. 14 But some of his people hated him and sent him their declaration of independence, stating that they had rebelled and would not acknowledge him as their king.
15 “Upon his return he called in the men to whom he had given the money, to find out what they had done with it, and what their profits were.
16 “The first man reported a tremendous gain—ten times as much as the original amount!
17 “‘Fine!’ the king exclaimed. ‘You are a good man. You have been faithful with the little I entrusted to you, and as your reward, you shall be governor of ten cities.’
18 “The next man also reported a splendid gain—five times the original amount.
19 “‘All right!’ his master said. ‘You can be governor over five cities.’
20 “But the third man brought back only the money he had started with. ‘I’ve kept it safe,’ he said, 21 ‘because I was afraid you would demand my profits, for you are a hard man to deal with, taking what isn’t yours and even confiscating the crops that others plant.’ 22 ‘You vile and wicked slave,’ the king roared. ‘Hard, am I? That’s exactly how I’ll be toward you! If you knew so much about me and how tough I am, 23 then why didn’t you deposit the money in the bank so that I could at least get some interest on it?’
24 “Then turning to the others standing by he ordered, ‘Take the money away from him and give it to the man who earned the most.’
25 “‘But, sir,’ they said, ‘he has enough already!’
26 “‘Yes,’ the king replied, ‘but it is always true that those who have, get more, and those who have little, soon lose even that. 27 And now about these enemies of mine who revolted—bring them in and execute them before me.’”
28 After telling this story, Jesus went on toward Jerusalem, walking along ahead of his disciples. 29 As they came to the towns of Bethphage and Bethany, on the Mount of Olives, he sent two disciples ahead, 30 with instructions to go to the next village, and as they entered they were to look for a donkey tied beside the road. It would be a colt, not yet broken for riding.
“Untie him,” Jesus said, “and bring him here. 31 And if anyone asks you what you are doing, just say, ‘The Lord needs him.’”
32 They found the colt as Jesus said, 33 and sure enough, as they were untying it, the owners demanded an explanation.
“What are you doing?” they asked. “Why are you untying our colt?”
34 And the disciples simply replied, “The Lord needs him!” 35 So they brought the colt to Jesus and threw some of their clothing across its back for Jesus to sit on.
36-37 Then the crowds spread out their robes along the road ahead of him, and as they reached the place where the road started down from the Mount of Olives, the whole procession began to shout and sing as they walked along, praising God for all the wonderful miracles Jesus had done.
38 “God has given us a King!” they exulted. “Long live the King! Let all heaven rejoice! Glory to God in the highest heavens!”
39 But some of the Pharisees among the crowd said, “Sir, rebuke your followers for saying things like that!”
40 He replied, “If they keep quiet, the stones along the road will burst into cheers!”
41 But as they came closer to Jerusalem and he saw the city ahead, he began to cry. 42 “Eternal peace was within your reach and you turned it down,” he wept, “and now it is too late. 43 Your enemies will pile up earth against your walls and encircle you and close in on you, 44 and crush you to the ground, and your children within you; your enemies will not leave one stone upon another—for you have rejected the opportunity God offered you.”
45 Then he entered the Temple and began to drive out the merchants from their stalls, 46 saying to them, “The Scriptures declare, ‘My Temple is a place of prayer; but you have turned it into a den of thieves.’”
47 After that he taught daily in the Temple, but the chief priests and other religious leaders and the business community[b] were trying to find some way to get rid of him. 48 But they could think of nothing, for he was a hero to the people—they hung on every word he said.
Footnotes
- Luke 19:9 This shows, implied. the Messiah, literally, “the Son of Man.”
- Luke 19:47 the business community, literally, “the leading men among the people.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The Living Bible copyright © 1971 by Tyndale House Foundation. Used by permission of Tyndale House Publishers Inc., Carol Stream, Illinois 60188. All rights reserved.
