Add parallel Print Page Options

12 At pumasok si Jesus (A)sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga (B)kalapati;

13 At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, (C)Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, (D)datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan.

Read full chapter

16 At sinabi nila sa kaniya, Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito? At sinabi sa kanila ni Jesus, Oo: kailan man baga'y hindi ninyo nabasa, Mula (A)sa bibig ng mga (B)sanggol at ng mga sumususo ay iyong nilubos ang pagpupuri?

Read full chapter

15 At (A)nagsidating sila sa Jerusalem: at pumasok siya sa templo, at nagpasimulang kaniyang itinaboy ang nangagbibili at nagsisibili sa loob ng templo, at ginulo ang mga dulang ng nangagpapalit ng salapi, at ang mga upuan ng nangagbibili ng mga kalapati;

Read full chapter

17 At siya'y nagturo, at sinabi sa kanila, Hindi baga nasusulat, (A)Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? (B)datapuwa't ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.

18 At yao'y narinig ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at pinagsisikapan kung paanong siya'y kanilang maipapapuksa: sapagka't nangatatakot sila sa kaniya, dahil sa buong karamihan ay nanggigilalas sa kaniyang aral.

Read full chapter

13 At malapit na ang paskua (A)ng mga Judio, at (B)umahon si Jesus sa Jerusalem.

14 At nasumpungan niya sa templo (C)yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo:

15 At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang;

16 At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng (D)aking Ama na bahay-kalakal.

17 Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, Kakanin ako (E)ng sikap sa iyong bahay.

Read full chapter