Add parallel Print Page Options

37 Malapit na siya sa paanan ng bundok ng mga Olibo. Habang papalapit na siya ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos. Nagpuri sila nang may malakas na tinig sa lahat ng mga himalang nakita nila. 38 Sinasabi nila:

Papuri sa Hari na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataas-taasan!

39 Ang ilan sa mga Fariseong mula sa karamihan ay nagsabi sa kaniya: Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.

Read full chapter