Add parallel Print Page Options

29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania, sa lugar na tinatawag na Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa sa mga alagad. 30 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok ninyo roo'y makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan?’ ganito ang sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon.’ ”

Read full chapter