Add parallel Print Page Options

13 Samantala, ang maniningil ng buwis ay nakatayo sa malayo, hindi man lamang makatingin sa langit at binabayo ang kanyang dibdib sa pagsasabing, ‘Diyos ko, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan.’ 14 Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong iyon na itinuring na matuwid ng Diyos at hindi ang Fariseo. Sapagka't ang bawat nagtataas ng kanyang sarili ay ibababa at ang bawat nagbababa ng sarili ay itataas.”

Binasbasan ni Jesus ang mga Bata(A)

15 Dinala ng mga tao kay Jesus maging ang mga sanggol upang sila ay kanyang basbasan; ngunit sinaway sila ng mga alagad nang makita ito.

Read full chapter