Add parallel Print Page Options

11 Ganito ang panalangin ng Fariseo habang mag-isa siyang nakatayo, ‘Diyos ko, pinasasalamatan kita na hindi ako tulad ng ibang tao—mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya o gaya ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang ulit akong nag-aayuno sa isang linggo. Nagbibigay ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’ 13 Samantala, ang maniningil ng buwis ay nakatayo sa malayo, hindi man lamang makatingin sa langit at binabayo ang kanyang dibdib sa pagsasabing, ‘Diyos ko, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan.’

Read full chapter