Add parallel Print Page Options

Mga Sanhi ng Pagkakasala(A)

17 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tiyak na darating ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan niyon! Mabuti pa sa kanya ang bitinan sa leeg ng isang gilingang-bato at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng sinuman sa mga maliliit na ito. Kaya't(B) mag-ingat kayo!

“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”

Pananampalataya sa Diyos

Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananampalataya!”

Tumugon ang Panginoon, “Kung ang inyong pananampalataya ay sinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito ng sikamoro, ‘Mabunot ka at matanim sa dagat!’ at susundin kayo nito.”

Ang Tungkulin ng Alipin

“Kapag nanggaling ang inyong alipin sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, inaanyayahan ba ninyo siya agad upang kumain? Hindi ba't ang sasabihin ninyo ay, ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain.’ Pinasasalamatan ba ng amo ang kanyang alipin dahil sinusunod siya nito? 10 Ganoon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumutupad lamang kami sa aming tungkulin.’”

Pinagaling ang Sampung Ketongin

11 Sa paglalakbay ni Jesus papuntang Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. 12 Habang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung ketongin. Tumigil ang mga ito sa may kalayuan 13 at sumigaw, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”

14 Pagkakita(C) sa kanila ay sinabi ni Jesus, “Lumakad na kayo at magpatingin sa mga pari.”

Habang sila'y naglalakad, silang lahat ay gumaling at luminis. 15 Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. 16 Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y isang Samaritano.

17 “Hindi ba't sampu ang pinagaling?”

tanong ni Jesus. “Nasaan ang siyam? 18 Wala bang nagbalik upang magpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” 19 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tumayo ka na at umuwi. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”

Ang Pagdating ng Kaharian ng Diyos(D)

20 Minsan, si Jesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan darating ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, “Walang makikitang palatandaan ng pagdating ng kaharian ng Diyos, 21 at wala ring magsasabing ‘Narito na!’ o ‘Naroon!’ Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo.”

22 At sinabi niya sa mga alagad, “Darating ang panahon na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo ito makikita. 23 May magsasabi sa inyo, ‘Naroon!’ o, ‘Narito!’ Huwag kayong pupunta at huwag kayong maniniwala sa kanila. 24 Sapagkat [pagsapit ng takdang araw,][a] ang Anak ng Tao ay darating na parang kidlat na nagliliwanag sa buong kalangitan. 25 Ngunit kailangan munang magdanas siya ng maraming hirap at itakwil ng salinlahing ito. 26 Ang(E) pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. 27 Ang(F)(G) mga tao noo'y nagsisikain, nagsisiinom at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na sumakay si Noe sa barko. Dumating ang baha at namatay silang lahat. 28 Gayundin ang nangyari noong panahon ni Lot. Ang mga tao'y nagsisikain, nagsisiinom, bumibili, nagtitinda, nagtatanim at nagtatayo ng bahay. 29 Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. 30 Ganoon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.

31 “Sa(H) araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumabâ pa upang kunin ang kanyang mga kasangkapan sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa. 32 Alalahanin(I) ninyo ang asawa ni Lot. 33 Ang(J) sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito. 34 Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang taong nasa isang higaan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. 35 May dalawang babaing magkasamang nagtatrabaho sa gilingan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. [36 May dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.]”[b]

37 “Saan po ito mangyayari, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad.

Sumagot siya, “Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.”

Footnotes

  1. 24 pagsapit ng takdang araw: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
  2. 36 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 36.

17 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad (A)Hindi mangyayari na di dumating ang mga kadahilanan ng pagkakatisod; datapuwa't sa aba niyaong pinanggalingan.

Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato, at siya'y ihagis sa dagat, kay sa siya'y magpatisod sa isa sa maliliit na ito.

Mangagingat kayo sa inyong sarili: (B)kung magkasala ang iyong kapatid, (C)sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.

At kung siya'y (D)makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya.

At sinabi (E)ng mga apostol sa Panginoon, Dagdagan mo ang pananampalataya namin.

At sinabi ng Panginoon, (F)Kung mangagkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng isang butil ng binhi ng mostasa, sasabihin ninyo sa puno ng sikomorong ito, Mabunot ka, at matanim ka sa dagat; at kayo'y tatalimahin.

Datapuwa't sino sa inyo, ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa, na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya, Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain;

At hindi sasabihin sa kaniya, Ipaghanda mo ako ng mahahapunan, at magbigkis ka, at paglingkuran mo ako, hanggang sa ako'y makakain at makainom; at saka ka kumain at uminom?

Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka't ginawa ang iniutos sa kaniya?

10 Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin.

11 At nangyari, na (G)samantalang sila'y napapatungo sa Jerusalem, na siya'y nagdaraan sa mga hangganan ng (H)Samaria at (I)Galilea.

12 At sa pagpasok niya sa isang nayon, ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin, (J)na nagsitigil sa malayo:

13 At sila'y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin.

14 At pagkakita niya sa kanila, ay sinabi niya sa kanila, (K)Magsihayo kayo at kayo'y pakita sa mga saserdote. At nangyari, na samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila.

15 At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig;

16 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano.

17 At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam?

18 Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa?

19 At sinabi niya sa kaniya, (L)Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya.

20 At palibhasa'y tinanong siya ng mga Fariseo, (M)kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita:

21 Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay (N)nasa loob ninyo.

22 At sinabi niya sa mga alagad, (O)Darating ang mga araw, na hahangarin ninyong (P)makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, at hindi ninyo makikita.

23 At sasabihin nila sa inyo, (Q)Naririyan! Naririto! huwag kayong magsisiparoon, ni magsisisunod man sa kanila:

24 Sapagka't gaya (R)ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa (S)kaniyang kaarawan.

25 Datapuwa't (T)kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.

26 At kung paano ang nangyari (U)sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.

27 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.

28 Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay.

29 Datapuwa't nang araw (V)na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat:

30 Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.

31 Sa araw na yaon, (W)ang mapapasa bubungan, at nasa bahay ng kaniyang mga pagaari, ay huwag silang manaog upang kunin: at ang nasa bukid ay gayon din, huwag siyang umuwi.

32 Alalahanin ninyo (X)ang asawa ni Lot.

33 Sinomang (Y)nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon.

34 Sinasabi ko sa inyo, Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.

35 Magkasamang gigiling (Z)ang dalawang babae; kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan.[a]

37 At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya, Saan, Panginoon? At sinabi niya sa kanila, (AA)Kung saan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak.

Footnotes

  1. Lucas 17:35 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 36 Mapapasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin at ang isa'y iiwan.

Jesus Warns of Offenses(A)

17 Then He said to the disciples, (B)“It is impossible that no [a]offenses should come, but (C)woe to him through whom they do come! It would be better for him if a millstone were hung around his neck, and he were thrown into the sea, than that he should [b]offend one of these little ones. Take heed to yourselves. (D)If your brother sins [c]against you, (E)rebuke him; and if he repents, forgive him. And if he sins against you seven times in a day, and seven times in a day returns [d]to you, saying, ‘I repent,’ you shall forgive him.”

Faith and Duty(F)

And the apostles said to the Lord, “Increase our faith.”

(G)So the Lord said, “If you have faith as a mustard seed, you can say to this mulberry tree, ‘Be pulled up by the roots and be planted in the sea,’ and it would obey you. And which of you, having a servant plowing or tending sheep, will say to him when he has come in from the field, ‘Come at once and sit down to eat’? But will he not rather say to him, ‘Prepare something for my supper, and gird yourself (H)and serve me till I have eaten and drunk, and afterward you will eat and drink’? Does he thank that servant because he did the things that were commanded [e]him? I think not. 10 So likewise you, when you have done all those things which you are commanded, say, ‘We are (I)unprofitable servants. We have done what was our duty to do.’ ”

Ten Lepers Cleansed

11 Now it happened (J)as He went to Jerusalem that He passed through the midst of Samaria and Galilee. 12 Then as He entered a certain village, there met Him ten men who were lepers, (K)who stood afar off. 13 And they lifted up their voices and said, “Jesus, Master, have mercy on us!”

14 So when He saw them, He said to them, (L)“Go, show yourselves to the priests.” And so it was that as they went, they were cleansed.

15 And one of them, when he saw that he was healed, returned, and with a loud voice (M)glorified God, 16 and fell down on his face at His feet, giving Him thanks. And he was a (N)Samaritan.

17 So Jesus answered and said, “Were there not ten cleansed? But where are the nine? 18 Were there not any found who returned to give glory to God except this foreigner?” 19 (O)And He said to him, “Arise, go your way. Your faith has made you well.”

The Coming of the Kingdom(P)

20 Now when He was asked by the Pharisees when the kingdom of God would come, He answered them and said, “The kingdom of God does not come with observation; 21 (Q)nor will they say, [f]‘See here!’ or ‘See there!’ For indeed, (R)the kingdom of God is [g]within you.”

22 Then He said to the disciples, (S)“The days will come when you will desire to see one of the days of the Son of Man, and you will not see it. 23 (T)And they will say to you, [h]‘Look here!’ or ‘Look there!’ Do not go after them or follow them. 24 (U)For as the lightning that flashes out of one part under heaven shines to the other part under heaven, so also the Son of Man will be in His day. 25 (V)But first He must suffer many things and be (W)rejected by this generation. 26 (X)And as it (Y)was in the (Z)days of (AA)Noah, so it will be also in the days of the Son of Man: 27 They ate, they drank, they married wives, they were given in marriage, until the (AB)day that Noah entered the ark, and the flood came and (AC)destroyed them all. 28 (AD)Likewise as it was also in the days of Lot: They ate, they drank, they bought, they sold, they planted, they built; 29 but on (AE)the day that Lot went out of Sodom it rained fire and brimstone from heaven and destroyed them all. 30 Even so will it be in the day when the Son of Man (AF)is revealed.

31 “In that day, he (AG)who is on the housetop, and his [i]goods are in the house, let him not come down to take them away. And likewise the one who is in the field, let him not turn back. 32 (AH)Remember Lot’s wife. 33 (AI)Whoever seeks to save his life will lose it, and whoever loses his life will preserve it. 34 (AJ)I tell you, in that night there will be two [j]men in one bed: the one will be taken and the other will be left. 35 (AK)Two women will be grinding together: the one will be taken and the other left. 36 [k]Two men will be in the field: the one will be taken and the other left.”

37 And they answered and said to Him, (AL)“Where, Lord?”

So He said to them, “Wherever the body is, there the eagles will be gathered together.”

Footnotes

  1. Luke 17:1 stumbling blocks
  2. Luke 17:2 cause one of these little ones to stumble
  3. Luke 17:3 NU omits against you
  4. Luke 17:4 M omits to you
  5. Luke 17:9 NU omits the rest of v. 9; M omits him
  6. Luke 17:21 NU reverses here and there
  7. Luke 17:21 in your midst
  8. Luke 17:23 NU reverses here and there
  9. Luke 17:31 possessions
  10. Luke 17:34 Or people
  11. Luke 17:36 NU, M omit v. 36.