Add parallel Print Page Options

27 Sila ay kumakain at umiinom. Sila ay nag-aasawa at ipinakakasal. Ginawa nila ang mga ito hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha at nalipol silang lahat.

28 Gayundin naman ang nangyari noong mga araw ni Lot. Sila aykumakain at umiinom. Sila ay bumibili at nagtitinda. Sila ay nagtatanim at nagtatayo. 29 Ngunit nang araw na si Lot ay lumabas mula sa Sodom, ang apoy at asupre ay bumabang tulad ng ulan. Ito ay nagmula sa langit at silang lahat ay nalipol.

Read full chapter