Add parallel Print Page Options

27 Ang mga tao noon ay nagkakainan, nag-iinuman, nag-aasawa, at pinag-aasawa hanggang sa araw na pumasok na sa daong si Noe at dumating ang baha at nilipol silang lahat. 28 Ganoon din noong mga araw ni Lot. Sila'y nagkakainan, nag-iinuman, namimili, nagbibili, nagtatanim at nagtatayo. 29 Subalit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at pinuksa silang lahat.

Read full chapter