Add parallel Print Page Options

23 May mga magsasabi sa inyo, ‘Tingnan ninyo roon,’ o ‘Tingnan ninyo rito!’ Huwag kayong pumunta roon o sumunod sa kanila. 24 Sapagkat kung paanong kumikislap at nagbibigay-liwanag ang kidlat mula isang panig ng kalangitan hanggang sa kabila, gayundin ang Anak ng Tao sa kanyang araw. 25 Ngunit kailangan muna niyang magdusa at maitakwil ng salinlahing ito.

Read full chapter