Add parallel Print Page Options

22 Sinabi ni Jesus sa mga alagad: Darating ang mga araw na kayo ay maghahangad na makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao at hindi ninyo ito makikita. 23 Kung sasabihin nila sa inyo: Tingnan ninyo rito! Tingnan ninyo roon! Huwag kayong pumunta o sumunod. 24 Ito ay sapagkat kung papaano nagliliwanag ang kidlat, magiging gayon ang Anak ng Tao. Sa pagkislap ng kidlat, ito ay nagliliwanag mula sa isang dulo sa ilalim ng langit hanggang sa isang dulo sa ilalim ng langit.

Read full chapter