Add parallel Print Page Options

22 Sinabi niya sa mga alagad, “Sasapit ang mga araw na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo ito makikita. 23 May mga magsasabi sa inyo, ‘Tingnan ninyo roon,’ o ‘Tingnan ninyo rito!’ Huwag kayong pumunta roon o sumunod sa kanila. 24 Sapagkat kung paanong kumikislap at nagbibigay-liwanag ang kidlat mula isang panig ng kalangitan hanggang sa kabila, gayundin ang Anak ng Tao sa kanyang araw.

Read full chapter