Lucas 16
Traducción en lenguaje actual
El empleado astuto
16 Jesús también les dijo a sus discípulos:
«Había una vez un hombre muy rico, que tenía un empleado encargado de cuidar todas sus riquezas; pero llegó a saber que ese empleado malgastaba su dinero. 2 Entonces lo llamó y le dijo: “¿Qué es todo esto que me han dicho de ti? Preséntame un informe de todo mi dinero y posesiones, porque ya no vas a trabajar más para mí.”
3 »El empleado pensó: “Ahora que mi patrón me despide del trabajo, ¿qué voy a hacer? No soy fuerte para hacer zanjas, y me da vergüenza pedir limosna. 4 ¡Ya sé lo que haré, para que algunos me reciban en sus casas cuando me despidan!”
5 »El empleado llamó a cada uno de los que le debían algo a su patrón, y al primero le preguntó: “¿Cuánto le debes a mi patrón?” 6 Aquel hombre contestó: “Le debo cien barriles de aceite de oliva.” El empleado le dijo: “Aquí está tu cuenta. Rápido, siéntate y, en lugar de cien barriles, anota cincuenta.” 7 Luego le preguntó a otro: “Y tú, ¿cuánto le debes a mi patrón?” Ese hombre respondió: “Diez mil kilos de trigo.” El empleado le dijo: “Toma tu cuenta y anota ocho mil kilos.”
8 »Al saber esto, el patrón felicitó al empleado deshonesto por ser tan astuto. Y es que, para atender sus propios negocios, la gente de este mundo es más astuta que los hijos de Dios.
9 »Por eso a ustedes, que son mis discípulos, yo les aconsejo que usen el dinero obtenido en forma deshonesta para ganar amigos. Así, cuando se les acabe ese dinero, Dios los recibirá en el cielo.
10 »Al que cuida bien lo que vale poco, también se le puede confiar lo que vale mucho. Y el que es deshonesto con lo de poco valor, también lo será con lo de mucho valor. 11 Si a ustedes no se les puede confiar algo que vale tan poco, como el dinero ganado deshonestamente, ¿quién les confiará lo que sí es valioso? 12 Y si no se les puede confiar lo que es de otra persona, ¿quién les dará lo que será de ustedes?
13 »Nadie puede ser esclavo de dos amos, porque preferirá a uno más que a otro. Y si obedece a uno, desobedecerá al otro. No se puede servir al mismo tiempo a Dios y al dinero.»
Otras enseñanzas de Jesús
14 A los fariseos les gustaba mucho el dinero. Por eso, cuando escucharon todo lo que Jesús decía, se burlaron de él. 15 Entonces Jesús les dijo:
«Ustedes tratan de aparecer delante de los demás como personas muy honestas, pero Dios los conoce muy bien. Lo que la mayoría de la gente considera de mucho valor, para Dios no vale nada.
16 »Hasta la época de Juan el Bautista, la gente ha tenido que obedecer la Ley y la enseñanza de los Profetas. Desde entonces, se anuncian las buenas noticias del reino de Dios, y todos luchan por entrar en él.
17 »Sin embargo, es más fácil que desaparezcan el cielo y la tierra, a que deje de cumplirse el detalle más insignificante de la Ley.
18 »Si un hombre se divorcia de su esposa y se casa con otra mujer, comete pecado, porque es infiel en el matrimonio. Si un hombre se casa con una mujer divorciada, también comete pecado.»
Lázaro y el hombre rico
Jesús también dijo:
19 «Había una vez un hombre muy rico, que vestía ropas muy lujosas. Hacía fiestas todos los días, y servía las comidas más caras. 20 En cambio, junto a la entrada de su casa había un hombre pobre, llamado Lázaro, que tenía la piel llena de llagas. Unas personas lo sentaban siempre allí, 21 y los perros venían a lamerle las llagas. Este pobre hombre tenía tanta hambre que deseaba comer, por lo menos, las sobras que caían de la mesa del hombre rico.
22 »Un día, el hombre pobre murió y los ángeles lo pusieron en el sitio de honor, junto a su antepasado Abraham. Después murió también el hombre rico, y lo enterraron. 23 Cuando ya estaba en el infierno, donde sufría muchísimo, el que había sido rico vio a lo lejos a Abraham, y a Lázaro sentado junto a él.
24 »Entonces llamó a Abraham y le dijo: “¡Abraham, antepasado mío, compadécete de mí! Ordénale a Lázaro que moje la punta de su dedo en agua, y me refresque la lengua. Sufro muchísimo con este fuego.” 25 Pero Abraham le respondió: “Tú eres mi descendiente, pero recuerda que, cuando ustedes vivían, a ti te iba muy bien y a Lázaro le iba muy mal. Ahora, él es feliz aquí, mientras que a ti te toca sufrir. 26 Además, a ustedes y a nosotros nos separa un gran abismo, y nadie puede pasar de un lado a otro.” 27 El hombre rico dijo: “Abraham, te ruego entonces que mandes a Lázaro a la casa de mi familia. 28 Que avise a mis cinco hermanos que, si no dejan de hacer lo malo, vendrán a este horrible lugar.” 29 Pero Abraham le contestó: “Tus hermanos tienen la Biblia. ¿Por qué no la leen? ¿Por qué no la obedecen?” 30 El hombre rico respondió: “Abraham, querido antepasado, ¡eso no basta! Pero si alguno de los muertos va y habla con ellos, te aseguro que se volverán a Dios.” 31 Abraham le dijo: “Si no hacen caso de lo que dice la Biblia, tampoco le harán caso a un muerto que vuelva a vivir.”»
Lucas 16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Talinghaga ng Tusong Katiwala
16 Sinabi rin niya sa mga alagad, “May isang mayaman na may katiwala. Isinusumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang mga kayamanan. 2 Tinawag niya ito at tinanong, ‘Ano itong narinig ko tungkol sa iyo? Magbigay-sulit ka ng ipinagkatiwala sa iyo, sapagkat hindi ka na maaaring maging katiwala pa.’ 3 Sinabi ng katiwala sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayong tinanggal na sa akin ang pangangasiwa? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa at nahihiya naman akong mamalimos. 4 Alam ko na ang gagawin ko! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.’ 5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Sinabi niya sa una, ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ 6 At sinabi nito, ‘Sandaang tapayan ng langis.’ Sinabi niya naman dito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang, maupo ka at isulat mo agad na limampu.’ 7 Pagkatapos ay sinabi naman niya sa isa pa, ‘Magkano ang utang mo?’ At sinabi nitong, ‘Sandaang kabang trigo.’ Sinabi niya rito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang at isulat mo na walumpu.’ 8 Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa katusuhan nito. Sapagkat ang mga anak ng sanlibutang ito ay mas tuso sa pamamahala ng kanilang pamumuhay kaysa mga anak ng liwanag. 9 Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang kayamanan ng sanlibutan upang kung maubos na ito ay tatanggapin kayo sa walang hanggang mga tahanan. 10 Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang hindi tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa marami. 11 Kaya kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng sanlibutan, sino ang magtitiwala sa inyo sa tunay na kayamanan? 12 At kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sarili ninyong kayamanan? 13 Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa ngunit iibigin ang isa pa. O kaya naman ay magiging tapat siya sa isa ngunit kamumuhian ang isa pa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa salapi.”
Ang Kautusan at ang Paghahari ng Diyos(A)
14 Ngunit narinig ng mga Fariseong maibigin sa salapi ang lahat ng iyon kaya siya'y kanilang kinutya. 15 Kaya sinabi niya sa kanila, “Nagkukunwari kayong matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang inyong puso. Sapagkat ang pinahahalagahan ng tao ay kasuklam-suklam sa Diyos. 16 Ang Kautusan at ang mga Propeta ay hanggang kay Juan. Buhat noon, ipinangangaral na ang Magandang Balita ng paghahari ng Diyos at nagpupumilit makapasok ang bawat isa. 17 Mas madali pang mawala ang langit at lupa kaysa mawala ang isang kudlit sa Kautusan. 18 Sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at nag-asawa ng iba ay nangangalunya at ang makipag-asawa sa hiniwalayang babae ay nangangalunya rin.
Ang Mayamang Lalaki at si Lazaro
19 “May mayamang tao na nagsusuot ng mamahaling damit at kumakain nang sagana araw-araw. 20 Isang pulubi namang nagngangalang Lazaro ang nakalupasay sa may pintuan ng mayaman. Marami siyang sugat sa katawan. 21 Masaya na siyang makakain mula sa mga nahuhulog sa hapag ng mayaman. Kahit ang mga aso ay lumalapit at dinidilaan ang kanyang mga sugat. 22 Namatay ang pulubi at dinala siya ng mga anghel sa kandungan ni Abraham. Namatay rin ang mayaman at inilibing. 23 Sa gitna ng pagdurusa niya sa Hades, tumingala siya at nakita niya sa kalayuan si Abraham at si Lazaro sa kandungan nito. 24 Kaya't pasigaw niyang sinabi, ‘Amang Abraham, maawa ka sa akin! Isugo mo si Lazaro upang isawsaw ang kanyang daliri sa tubig at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.’ 25 Ngunit sinabi ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mong sa iyong buhay ay nagtamasa ka ng mabubuting bagay, samantalang si Lazaro naman ay dumanas ng hirap. Ngayon siya ay inaaliw dito at ikaw naman ay nagdurusa. 26 Bukod dito, may inilagay na malawak na bangin sa pagitan natin upang ang gustong makatawid mula rito patungo sa inyo ay hindi makatatawid o makatawid mula riyan patungo rito.’ 27 Sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon, ipinakikiusap ko sa iyo Ama, na isugo mo siya sa bahay ng aking ama, 28 sapagkat mayroon akong limang kapatid na lalaki, upang si Lazaro'y magpatotoo sa kanila at nang hindi sila humantong sa lugar ng kaparusahang ito.’ 29 Ngunit sinabi ni Abraham, ‘Nasa kanila si Moises at ang mga propeta. Hayaan mong ang mga kapatid mo'y makinig sa kanila.’ 30 Sumagot ang mayaman, ‘Hindi sapat ang mga iyon, Amang Abraham. Ngunit kung isa mula sa mga patay ang magpupunta sa kanila, magsisisi sila.’ 31 Sinabi naman ni Abraham, ‘Kung hindi sila nakikinig kay Moises at sa mga propeta, hindi rin sila makikinig kahit may isang bumangon mula sa mga patay.’ ”
Copyright © 2000 by United Bible Societies
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
