Add parallel Print Page Options

15 Sinabi niya sa kanila: Kayo yaong mga nagmamatuwid sa inyong mga sarili sa harap ng mga tao. Ngunit alam ng Diyos ang inyong mga puso sapagkat kung ano ang lubos na pinaha­halagahan ng mga tao ay kasuklam-suklam sa harap ng Diyos.

Iba pang Katuruan

16 Ang aklat ng kautusan at ang aklat ng mga propeta ay hanggang kay Juan. Simula sa panahong iyon, ang paghahari ng Diyos ay ipinangaral. Ang bawat isa ay nais pumasok dito sa pamamagitan ng dahas.

17 Higit na madali para sa langit at lupa ang lumipas kaysa sa isang kudlit ng kautusan ang lilipas.

Read full chapter