Add parallel Print Page Options

17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”’

Read full chapter

17 Subalit nang matauhan ay sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Marami sa mga upahang lingkod ng aking ama ang sobra-sobra sa busog sa pagkain, samantalang ako rito'y namamatay sa gutom. 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin kong, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo. 19 Hindi na ako karapat-dapat tawaging iyong anak. Ituring mo ako bilang isa sa iyong mga upahang lingkod.” ’

Read full chapter