Add parallel Print Page Options

10 Sa halip, kung naanyayahan ka, pumunta ka at umupo sa pinakaabang upuan. Pagdating ng nag-anyaya sa iyo, sasabihin niya sa iyo, ‘Kaibigan, lumipat ka sa mas marangal na upuan.’ Sa gayon ay mabibigyan ka ng dangal sa harap ng mga kasalo mo. 11 Sapagkat ibababa ang sinumang nagtataas ng sarili ngunit ang nagpapakababa ay itataas.” 12 Sinabi rin niya sa nag-anyaya sa kanya, “Kapag naghanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mong anyayahan ang mga kaibigan mo, o ang iyong mga kapatid, o ang iyong mga kamag-anak, o ang mayayaman mong kapitbahay; baka aanyayahan ka rin nila at sa gayo'y masusuklian ang iyong paanyaya.

Read full chapter