Add parallel Print Page Options

Magsisi o Mamatay

13 Nang oras na iyon, dumating ang ilan at nagbalita kay Jesus na may mga taga-Galilea na ipinapatay ni Pilato habang nag-aalay sila sa Diyos. At sinabi niya sa kanila, “Inaakala ba ninyong higit na makasalanan ang mga taga-Galileang iyon kaysa ibang mga taga-Galilea dahil nagdusa sila nang ganoon? Sinasabi ko sa inyo, hindi! Ngunit kung hindi kayo magsisisi, lahat kayo'y mapapahamak ding tulad nila.

Read full chapter