Add parallel Print Page Options

Ang Babala Laban sa Pagkukunwari(A)

12 Samantala,(B) nang magkatipon ang libu-libong tao, na anupa't sila'y nagkakatapakan na sa isa't isa, nagpasimula siyang magsalita muna sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo, na ito'y pagkukunwari.

Walang(C) bagay na natatakpan na hindi mabubunyag, at walang bagay na natatago na hindi malalaman.

Kaya't ang anumang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa mga lihim na silid ay ipagsisigawan sa mga bubungan.

Ang Dapat Katakutan(D)

“Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan ko, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos ay wala na silang magagawa.

Subalit ipapakita ko sa inyo kung sino ang inyong dapat katakutan; katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang magtapon sa impiyerno.[a] Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang inyong katakutan.

Hindi ba ipinagbibili ang limang maya sa halagang dalawang sentimos? Isa man sa kanila ay hindi nalilimutan ng Diyos.

Ngunit maging ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang na lahat. Huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.

Ang Pagkilala at Pagkakaila kay Jesus(E)

“At sinasabi ko sa inyo, ang bawat kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin din siya ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos.

Subalit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ipagkakaila sa harap ng mga anghel ng Diyos.

10 At(F) ang bawat bumigkas ng salita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin; ngunit ang magsalita ng kalapastanganan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.

11 Kapag(G) kayo'y dinala nila sa harap ng mga sinagoga, at sa mga pinuno, at sa mga may kapangyarihan ay huwag kayong mag-alala kung paano o ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin,

12 sapagkat ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo sa oras ding iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.”

Ang Talinghaga ng Mayamang Hangal

13 Sinabi sa kanya ng isa sa maraming tao, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana.”

14 Subalit sinabi niya sa kanya, “Lalaki, sino ang nagtalaga sa akin upang maging hukom o tagapamahagi sa inyo?”

15 Sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat kayo at magbantay laban sa lahat ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa kasaganaan ng kanyang mga ari-arian.”

16 Nagsalaysay siya sa kanila ng isang talinghaga: “Ang lupain ng taong mayaman ay namunga ng sagana.

17 Inisip niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko, sapagkat wala akong mapaglalagyan ng aking mga ani?’

18 Sinabi niya, ‘Ito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking mga kamalig at magtatayo ako ng mas malalaki at doon ko titipunin ang lahat ng aking mga butil at mga pag-aari.’

19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa ‘Kaluluwa, marami ka nang pag-aaring nakaimbak para sa maraming taon; magpahinga ka, kumain ka, uminom ka, magsaya ka.’

20 Subalit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal, sa gabing ito ay kukunin ang iyong kaluluwa; at kanino kaya mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’

21 Gayon nga ang nagtitipon ng kayamanan para sa kanyang sarili, subalit hindi mayaman sa Diyos.”

Pagtitiwala sa Diyos(H)

22 At sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin; o sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot.

23 Sapagkat ang buhay ay higit kaysa pagkain at ang katawan ay higit kaysa damit.

24 Pansinin ninyo ang mga uwak. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas man. Sila'y walang imbakan ni kamalig man, subalit sila'y pinapakain ng Diyos. Gaano pang higit kayong mahalaga kaysa mga ibon!

25 At sino sa inyo na sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang oras sa haba ng kanyang buhay?[b]

26 Kung hindi nga ninyo magawa ang ganoong kaliit na bagay, bakit mag-aalala kayo tungkol sa mga ibang bagay?

27 Pansinin(I) ninyo ang mga liryo, kung paano silang tumutubo. Hindi sila nagpapagal o humahabi man, subalit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon, sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapagbihis na gaya ng isa sa mga ito.

28 Ngunit kung dinadamitan ng Diyos nang ganito ang damo sa parang na ngayon ay buháy, at sa kinabukasan ay itinatapon sa pugon, gaano pa kaya kayo na kanyang dadamitan, O kayong maliliit ang pananampalataya?

29 At huwag ninyong laging hanapin kung ano ang inyong kakainin, kung ano ang inyong iinumin, at huwag kayong mabalisa.

30 Sapagkat ang mga bagay na ito ang siyang hinahanap ng lahat ng mga bansa sa sanlibutan, at nalalaman ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito.

31 Subalit, hanapin ninyo ang kanyang kaharian at lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay din sa inyo.

Kayamanan sa Langit(J)

32 “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat nakakalugod sa inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.

33 Ipagbili ninyo ang inyong mga ari-arian at kayo'y magbigay ng limos. Gumawa kayo para sa inyong mga sarili ng mga supot na hindi naluluma, ng isang kayamanan sa langit na hindi nauubos, na doo'y hindi lumalapit ang magnanakaw, o naninira man ang bukbok.

34 Sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.

Mga Lingkod na Handa

35 “Bigkisan(K) ninyo ang inyong mga baywang at paliwanagin ninyo ang inyong mga ilawan.

36 At(L) maging tulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang panginoon na magbalik mula sa kasalan upang agad nilang mapagbuksan siya kapag siya ay dumating na at tumuktok.

37 Mapapalad ang mga aliping iyon na madatnan ng panginoon na nagbabantay kapag siya ay dumating. Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, bibigkisan niya ang kanyang baywang, sila'y papaupuin sa hapag-kainan at siya ay lalapit at paglilingkuran sila.

38 At kung siya'y dumating sa hatinggabi, o sa magmamadaling-araw na, at matagpuan silang gayon ay mapapalad ang mga aliping iyon.

39 Subalit(M) alamin ninyo ito, kung nalalaman ng may-ari ng bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, siya'y[c] hindi magpapabayang mapasok ang kanyang bahay.

40 Dapat din kayong maging handa, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Tapat at Di-tapat na Alipin(N)

41 Sinabi ni Pedro, “Panginoon, sinasabi mo ba ang talinghagang ito para sa amin, o para sa lahat?”

42 At sinabi ng Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala na pagkakatiwalaan ng kanyang panginoon sa kanyang mga alipin, upang sila'y bigyan ng kanilang bahaging pagkain sa tamang panahon?

43 Mapalad ang aliping iyon, na maratnan ng kanyang panginoon na gayon ang ginagawa.

44 Tunay na sinasabi ko sa inyo, sa kanya ipagkakatiwala ang lahat niyang ari-arian.

45 Subalit kung sabihin ng alipin iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pagdating ng aking panginoon;’ at pinasimulan niyang bugbugin ang mga aliping lalaki at mga aliping babae; at siya'y kumain, uminom, at naglasing,

46 ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan, at sa oras na hindi niya nalalaman. Siya'y pagpuputul-putulin at isasama sa mga hindi tapat.

47 At ang aliping iyon na nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, ngunit hindi naghanda at hindi ginawa ang ayon sa kalooban nito ay papaluin nang marami.

48 Subalit ang hindi nakakaalam at gumawa ng mga bagay na karapat-dapat sa mga palo ay papaluin ng kaunti. Ngunit sa bawat binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kanya, at sa kanya na pinagkatiwalaan ng marami ay higit na marami ang kanilang hihingin sa kanya.

Si Jesus ang Sanhi ng Pagkakabaha-bahagi(O)

49 “Ako'y naparito upang maghagis ng apoy sa lupa at nais ko sana na ito ay nagniningas na!

50 Ako'y(P) mayroong bautismo na ibabautismo sa akin, at ako'y nababagabag hanggang hindi ito nagaganap!

51 Sa palagay ba ninyo ay pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Hindi! Sinasabi ko sa inyo, sa halip ay pagkakabaha-bahagi.

52 Sapagkat mula ngayon ang lima sa isang bahay ay magkakabaha-bahagi; tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.

53 Sila'y(Q) magkakabaha-bahagi; ang ama laban sa anak na lalaki, at ang anak na lalaki laban sa ama; ang ina laban sa anak na babae, at ang anak na babae laban sa kanyang ina; ang biyenang babae laban sa kanyang manugang na babae at ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae.”

Pagbibigay-kahulugan sa Panahon(R)

54 Sinabi rin niya sa napakaraming tao, “Kapag may nakita kayong ulap na tumataas sa kanluran ay agad ninyong sinasabi na may darating na malakas na ulan, at gayon nga ang nangyayari.

55 At kapag nakikita ninyong humihihip ang hanging habagat ay sinasabi ninyo, na magkakaroon ng matinding init, at ito'y nangyayari.

56 Kayong mga mapagkunwari! Marunong kayong magbigay ng kahulugan sa anyo ng lupa at ng langit, subalit bakit hindi kayo marunong magbigay ng kahulugan sa kasalukuyang panahon?

Makipag-ayos sa Iyong Kalaban(S)

57 At bakit hindi ninyo hatulan para sa inyong sarili kung ano ang matuwid?

58 Kaya habang patungo ka sa hukom na kasama ang sa iyo'y nagsakdal, sa daan ay sikapin mo nang makipag-ayos sa kanya, kung hindi ay kakaladkarin ka niya sa hukom, at ibibigay ka ng hukom sa punong-tanod, at ipapasok ka ng punong-tanod sa bilangguan.

59 Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalabas hanggang sa mabayaran mo ang kahuli-hulihang kusing.”

Footnotes

  1. Lucas 12:5 Sa Griyego ay Gehenna .
  2. Lucas 12:25 o makapagdaragdag ng isang siko sa kanyang taas .
  3. Lucas 12:39 Sa ibang mga kasulatan ay mananatiling gising .

Ang Babala Laban sa Pagkukunwari(A)

12 Nang magkatipun-tipon ang libu-libong tao na halos matapakan na ang isa't isa, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo. Ito ay ang kanilang pagkukunwari. Walang natatakpan na hindi malalantad, at walang natatago na hindi mabubunyag. Kaya nga anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at anumang ibulong ninyo sa lihim na silid ay ipapahayag mula sa bubungan.

Ang Dapat Katakutan(B)

“Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan ko, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan at pagkatapos nito ay wala na silang magagawa. Ipapakita ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo ang may kapangyarihang magtapon sa inyo sa impiyerno matapos kayong patayin. Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang inyong katakutan. Hindi ba't ipinagbibili ang limang maya sa halagang dalawang sentimos? Ngunit isa man sa kanila ay hindi nalilimutan ng Diyos. Maging ang buhok sa inyong ulo ay bilang lahat. Huwag kayong mangamba. Higit kayong mahalaga kaysa mga maya.

Ang Pagkilala at Pagkakaila kay Jesus(C)

“Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin din ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila rin sa harap ng mga anghel ng Diyos. 10 Sinumang magsalita ng laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit hindi mapapatawad ang magsalita ng paglapastangan sa Banal na Espiritu. 11 Kapag iniharap nila kayo sa sinagoga at sa mga pinuno at mga may kapangyarihan upang litisin, huwag kayong mag-alala kung paano ninyo ipagtanggol ang inyong sarili, o kung ano ang inyong sasabihin, 12 sapagkat tuturuan kayo ng Banal na Espiritu sa oras ding iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.”

Ang Talinghaga ng Mayamang Hangal

13 Isa sa mga tao ang nagsabi kay Jesus, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana.” 14 Ngunit sumagot siya, “Lalaki, sino ang nagtalaga sa akin na maging hukom o tagahati ng mana ninyo?” 15 At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat kayo at bantayan ninyo ang inyong sarili sa lahat ng kasakiman. Sapagkat ang buhay ng tao ay hindi nakasalalay sa kasaganaan ng kanyang mga ari-arian.” 16 At isinalaysay niya sa kanila ang isang talinghaga, “Namumunga nang sagana ang lupain ng isang taong mayaman. 17 Napag-isip-isip niya sa sarili, ‘Ano ngayon ang gagawin ko? Sapagkat wala na akong mapaglagyan ng aking mga inani.’ 18 Sabi niya, ‘Ito ang gagawin ko. Gigibain ko ang aking mga kamalig at magtatayo ako ng mas malalaki at doon ko iimbakin ang aking mga ani at ari-arian. 19 At sasabihin ko sa aking sarili, "Marami ka nang ari-ariang nakaimbak para sa maraming taon. Magpahinga ka, kumain, uminom at magpakasaya." 20 Subalit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabing ito ay babawiin sa iyo ang iyong buhay. Kanino ngayon mapupunta ang iyong mga inihanda?’ 21 Gayon nga ang nagtitipon ng kayamanan para sa kanyang sarili ngunit hindi mayaman sa harap ng Diyos.”

Pagtitiwala sa Diyos(D)

22 At sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong ikabalisa ang inyong ikabubuhay, o kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong isusuot. 23 Sapagkat mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit. 24 Masdan ninyo ang mga uwak! Hindi sila nagtatanim o gumagapas o nagtitipon sa kamalig, gayunma'y pinakakain sila ng Diyos. Mas mahalaga kayo kaysa mga ibon. 25 Sino sa inyo na dahil sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang oras[a] sa kanyang buhay? 26 Kung hindi ninyo magawa ang ganito kaliit, bakit aalalahanin ninyo ang ibang bagay? 27 Masdan ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang! Hindi sila nagpapagod ni naghahabi. Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon sa kanyang karingalan ay hindi nakapagbihis nang tulad sa isa sa mga ito. 28 At kung gayon binibihisan ng Diyos ang damo sa parang, na narito ngayon ngunit itatapon sa pugon bukas, kayo pa kaya? O kayong maliit ang pananampalataya! 29 Kaya huwag kayong mabalisa sa paghahanap ng kung ano ang makakain o maiinom. Huwag kayong mangamba, 30 sapagkat ang mga ito ang pinagsisikapang makamtan ng mga Hentil, at nalalaman ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga ito. 31 Ngunit pagtuunan ninyo ng pansin ang kanyang paghahari at idaragdag sa inyo ang lahat ng mga ito. 32 Huwag kang matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. 33 Ipagbili ninyo ang inyong mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipamigay sa mga dukha. Igawa ninyo ang inyong sarili ng mga sisidlang hindi naluluma, isang di-maubos na kayamanan sa langit, doo'y hindi makalalapit ang magnanakaw at makapaninira ang mga bukbok. 34 Sapagkat kung saan nakalagak ang inyong kayamanan, doon din naman malalagak ang inyong puso.”

Mga Lingkod na Handa(E)

35 “Humanda kayo sa paglilingkod[b] at paliwanagin ang inyong mga ilawan. 36 Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pagbabalik ng kanilang panginoon mula sa kasalan upang sa pagbabalik nito at pagkatok ay agad nila siyang mapagbuksan. 37 Pinagpala ang mga lingkod na madaratnang nagbabantay hanggang sa pagdating ng kanilang panginoon. Tandaan ninyo: magbibihis siya upang maglingkod, sila ay pauupuin niya sa hapag-kainan at sila'y kanyang paglilingkuran. 38 Pinagpala ang mga lingkod na matagpuan ng panginoon na handa sa kanyang pagdating, hatinggabi man o madaling-araw. 39 Unawain ninyo ito: kung alam ng panginoon ng bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya hahayaang pasukin ang kanyang bahay. 40 Kaya dapat din kayong maging handa! Sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

41 Sinabi ni Pedro, “Panginoon, sinasabi ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?” 42 At sinabi ng Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala? Sino ang pamamahalain ng panginoon sa mga lingkod upang bigyan sila ng pagkain sa takdang panahon? 43 Pinagpala ang lingkod na sa pagbabalik ng kanyang panginoon ay madaratnang gumaganap ng tungkulin. 44 Tunay na sinasabi ko sa inyong sa kanya ipagkakatiwala ang lahat ng kanyang ari-arian. 45 Ngunit kung sabihin ng lingkod na iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa bago makabalik ang aking panginoon,’ at sinimulan niyang pahirapan ang iba pang mga lingkod na lalaki at mga lingkod na babae at siya'y kumain, uminom at maglasing, 46 darating ang panginoon ng lingkod na iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Ang lingkod na iyon ay pagpuputul-putulin at isasama sa mga hindi tapat. 47 Ang lingkod na nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit hindi nakahanda o kumilos ayon sa kalooban nito ay maraming ulit hahagupitin. 48 Ngunit ang hindi nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ay hahagupitin ng kaunti sa nagawa nitong pagkakamali. Ang binigyan ng marami ay pananagutin ng marami at ang pinagkatiwalaan ng marami ay papanagutin sa higit na marami.”

Si Jesus ang Sanhi ng Pagkakabaha-bahagi(F)

49 “Naparito ako upang maghagis ng apoy sa lupa at nais ko sanang ito'y nagniningas na. 50 Kailangan kong magdaan sa isang bautismo at nababagabag ako hangga't hindi ito nagaganap! 51 Akala ba ninyo'y pumarito ako upang magbigay ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, hindi, sa halip ay pagkakabaha-bahagi. 52 Sapagkat mula ngayon, ang limang tao sa isang bahay ay magkakabaha-bahagi—tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. 53 Sila ay magkakabaha-bahagi; ang ama laban sa anak na lalaki at ang anak na lalaki laban sa ama, ang ina laban sa anak na babae, at ang anak na babae laban sa ina, ang biyenang babae laban sa kanyang manugang na babae at ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae.”

Pagbibigay-kahulugan sa Panahon(G)

54 Sinabi rin niya sa mga tao, “Kapag nakakita kayo ng ulap na tumataas sa kanluran, agad ninyong sinasabi, ‘Paparating na ang ulan,’ at gayon nga ang nangyayari. 55 At kapag nakikita ninyong umiihip ang hanging habagat sinasabi ninyong, ‘Magiging mainit,’ at nagkakaganoon nga. 56 Mga mapagkunwari! Marunong kayong magtaya ng panahon sa anyo ng lupa at langit, subalit bakit hindi ninyo mabasa ang tanda ng kasalukuyang panahon?”

Makipag-ayos sa Iyong Kalaban(H)

57 “Bakit hindi ninyo mapagpasyahan para sa inyong sarili kung ano ang matuwid? 58 Makipag-ayos ka sa nagsakdal sa iyo bago pa kayo makarating sa hukom. Kung hindi, baka kaladkarin ka niya sa hukom at ibigay ka ng hukom sa tanod at itapon ka ng tanod sa bilangguan. 59 Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makalalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang kusing.”

Footnotes

  1. Lucas 12:25 Sa Griyego, makakapagdagdag ng isang siko.
  2. Lucas 12:35 Sa Griyego, Bigkisin ang baywang.

Tinuruan at Binigyang Babala ang Labindalawa

12 Samantalang ang hindi mabilang na karamihan ng mga tao ay nagkakatipon, na anupa’t sila ay nagkaka­tapakan sa isa’t isa, si Jesus ay nagsimula munang mangusap sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo, ito ay ang pagpapaimbabaw.

Walang anumang natatakpan na hindi mahahayag o natatago na hindi malalaman. Kaya nga, anuman ang inyong sabihin sa dilim ay maririnig sa liwanag. Anuman ang ibinulong ninyo sa loob ng mga silid ay ihahayag sa mga bubungan.

Mga kaibigan ko, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan. Pagkatapos nilang pumatay wala na silang magagawang anumang bagay. Ipakikita ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapamahalaang magtapon sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan ninyo siya. Hindi ba ang limang maya ay ipinagbibili sa halagang dalawang sentimo at isa man sa kanila ay hindi pinababayaan ng Diyos? Maging ang mga buhok sa iyong ulo ay bilang nang lahat. Huwag nga kayong matakot, kayo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming maya.

Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang maghahayag sa akin sa harap ng mga tao ay ihahayag din naman ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. Ngunit siya na magkakaila sa akin sa harap ng mga tao ay ipagkakaila rin sa harap ng mga anghel ng Diyos. 10 Ang bawat isang magsasalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin. Ngunit siya na mamumusong laban sa Banal na Espiritu ay hindi patatawarin.

11 Kapag dinala nila kayo sa mga sinagoga at sa harap ng mga pinuno at mga may kapamahalaan, huwag kayong mabalisa kung papaano, o kung ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin. 12 Ito ay sapagkat ituturo sa inyo ng Banal na Espiritu sa oras ding iyon ang kinakailangan ninyong sabihin.

Ang Talinghaga Patungkol sa Mayamang Hangal

13 May isang nagsabi mula sa karamihan: Guro, sabihin mo sa aking kapatid na lalaki na hatian ako sa mana.

14 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Lalaki, sino ang nagtalaga sa akin na maging tagahatol o tagahati sa inyo? 15 Sinabi niya sa kanila: Tingnan at ingatan ninyo ang inyong mga sarili mula sa kasakiman sapagkat ang buhay ng tao ay hindi nakapaloob sa kasaganaan ng mga bagay na kaniyang tinatangkilik.

16 Nagsabi siya ng isang talinghaga sa kanila na sinasabi: Ang bukirin ng isang mayamang lalaki ay nagbunga ng sagana. 17 Nag-isip siya sa kaniyang sarili. Sinabi niya: Ano ang aking gagawin? Wala akong pag-iimbakan ng aking ani.

18 Sinabi niya: Ganito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking kamalig at magtatayo ng higit na malaki. Doon ko iiimbak ang lahat ng aking ani at aking mga mabuting bagay. 19 Sasabihin ko sa aking kaluluwa: Kaluluwa, marami ka nang natipong pag-aari para sa mga darating na taon. Magpahinga ka, kumain ka, uminom ka, at magsaya ka.

20 Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya: Hangal! Sa gabing ito ay babawiin sa iyo ang iyong kaluluwa. At kanino kaya mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?

21 Ganito ang mangyayari sa kaniya na nag-iimpok ng kayamanan para sa kaniyang sarili. Hindi siya mayaman sa harap ng Diyos.

Magtiwala at Maging Tapat

22 Si Jesus ay nagsabi sa kaniyang mga alagad: Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa patungkol sa inyong buhay o kung ano ang inyong kakainin. Huwag kayong mabalisa maging sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot.

23 Ang buhay ay higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay lalong higit kaysa sa damit. 24 Isipin ninyo ang mga uwak. Sila ay hindi naghahasik o nag-aani. Wala silang tinggalan o kamalig. Gayun­man, pinakakain sila ng Diyos. Gaano pa kaya kayo na higit na mahalaga kaysa sa mga ibon? 25 Sino sa inyo ang maka­pag­daragdag ng isang siko sa kaniyang tangkad sa pamamagitan ng pagkabalisa? 26 Yamang hindi nga ninyo kayang gawin ang maliit na bagay na ito, bakit kayo nababalisa sa ibang bagay?

27 Isipin ninyo ang mga liryo kung papaano sila lumalaki. Hindi sila nagpapagal o nag-iikid. Gayunman, sinasabi ko sa inyo: Maging si Solomon, sa kaniyang buong kaluwalhatian ay hindi nadamitan ng tulad sa isa sa mga ito. 28 Dinaramtan ng Diyos ang mga damo na ngayon ay nasa parang at bukas ay itatapon sa pugon.Yamang dinaramtan sila ng Diyos, gaano pa kaya kayo, kayo na may maliit na pananampalataya? 29 Huwag kayong maghanap kung ano ang inyong kakainin o kung ano ang inyong iinumin, ni huwag kayong mag-alala. 30 Ito ay sapagkat ang mga bagay na ito ang mahigpit na hinahangad ng lahat ng mga bansa sa sanlibutan. Ngunit alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. 31 Hanapin ninyo ang paghahari ng Diyos at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.

32 Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ang inyong Ama ay nalulugod na ibigay sa inyo ang paghahari. 33 Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik at magbahagi kayo sa mga kahabag-habag. Gumawa kayo ng mga kalupi na hindi naluluma. Maglagak kayo sa makalangit na kayamanang hindi nauubos. Doon ay walang makakalapit na magnanakaw o tanga nasumisira. 34 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan, naroroon din ang inyong mga puso.

Maghintay at Maging Handa

35 Hayaan ninyo na ang inyong mga balakang ay mabigkisan at hayaan ninyo na ang inyong ilawan ay magningas.

36 Tumulad kayo sa mga tao na naghihintay sa kanilang pangi­noon sa kaniyang pagbabalik mula sa kasalan. Kapag siya ay dumating at kumatok, mapagbuksan nila siya kaagad. 37 Pinagpala silang mga alipin na sa pagdating ng panginoon ay masusumpungang nagbabantay. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Bibigkisan niya ang kaniyang sarili at padudulugin sila sa hapag. Sa kaniyang paglapit, siya ay maglilingkod sa kanila. 38 Pinagpala ang mga alipin na sa kaniyang pagdating sa hatinggabi o sa madaling araw ay masumpungan silang nagbabantay. 39 Ngunit alamin ninyo ito: Kung alam ng may-ari ng sambahayan ang oras ng pagdating ng magnanakaw, nagbantay sanasiya. Hindi niya pababayaang wasakin ang kaniyang bahay. 40 Kaya nga, maging handa kayo sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaakala.

41 Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, kanino mo sinasabi ang talinghagang ito? Sinasabi mo ba ito sa amin o para din sa lahat?

42 Sinabi ng Panginoon: Sino nga ang matapat at matalinong katiwala na pamamahalain ng kaniyang panginoon sa kaniyang sambahayan? Siya ay pamamahalain upang magbigay ng bahagi ng pagkain sa kapanahunan. 43 Pinagpala ang aliping iyon, na sa pagdating ng kaniyang panginoon ay masu­sumpungan siyang gumagawa ng gayon. 44 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Gagawin niya siyang tagapamahala sa lahat ng kaniyang pag-aari. 45 Ngunit kapag sinabi ng aliping iyon sa kaniyang puso, maaantala ang pagdating ng aking panginoon. At sisimulan niyang paluin ang mga lingkod na lalaki at ang mga lingkod na babae. Magsisimula siyang kumain at uminom at magpakalasing. 46 Ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Siya ay hahatiin at itatalaga ang isang lugar para sa kaniya, kasama ang mga hindi mananampalataya.

47 Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naghanda o gumawa ng ayon sa kalooban ng kaniyang panginoon ay hahagupitin ng marami. 48 Siya na hindi nakakaalam at gumawa ng mga bagay na karapat-dapat pagdusahan sa pamamagitan ng hagupit ay hahagupitin ng kaunti. Sa bawat isang binigyan ng marami, marami ang hahanapin sa kaniya. Sa kaniyana pinagkatiwalaan ng marami, lalong higit ang hihingin sa kaniya.

Hindi Kapayapaan Kundi Pagkakahati-hati

49 Ako ay narito upang maghagis ng apoy sa lupa. Ano pa angnanaisin ko kapag ito ay nagniningas na?

50 Ako ay may bawtismo na ibabawtismo sa akin, at ako vay nababagabag hanggang sa ito ay maganap. 51 Sa palagay ba ninyo ay naparito ako upang magbigay ng kapayapaan sa lupa. Sinasabi ko sa inyo: Hindi. Ako ay narito upang maghati. 52 Ito ay sapagkat simula ngayon, ang lima na nasa isang sambahayan ay magkakabaha-bahagi, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. 53 Ang ama ay magiging laban sa anak na lalaki at ang anak na lalaki laban sa ama. Ang ina ay magiging laban sa anak na babae at ang anak na babae laban sa ina. Ang biyenang babae ay magiging laban sa kaniyang manugang na babae at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae.

Pagbibigay-kahulugan sa Kapanahunan

54 Sinabi rin niya sa karamihan: Kapag nakita ninyo ang ulap na tumataas mula sa kanluran, agad ninyong sinasabi: Uulan. At ito ay nangyayari.

55 Kapag umihip ang hanging timugan, sinasabi ninyong, iinit, at ito ay nangyayari. 56 Mga mapagpaimbabaw! Alam ninyong kilalanin ang anyo ng langit at ng lupa. Bakit hindi ninyo alam kilalanin ang panahong ito?

57 Bakit maging sa inyong mga sarili ay hindi ninyo mahatulan kung ano ang matuwid? 58 Sa iyong pagpunta sa harap ng hukom kasama ng nagsasakdal sa iyo, sikapin mong sa daan pa lang ay makipagkasundo ka na sa kaniya. Kung hindi ganito, ay kakaladkarin ka niya patungo sa hukom at ang hukom ang magsusuko sa iyo sa tanod na siyang magpapa­bilanggo sa iyo. 59 Sinasabi ko sa inyo, Kailanman ay hindi ka makakalabas doon hanggang hindi mo nababayaran ang huling sentimo.

Warnings and Encouragements(A)

12 Meanwhile, when a crowd of many thousands had gathered, so that they were trampling on one another, Jesus began to speak first to his disciples, saying: “Be[a] on your guard against the yeast of the Pharisees, which is hypocrisy.(B) There is nothing concealed that will not be disclosed, or hidden that will not be made known.(C) What you have said in the dark will be heard in the daylight, and what you have whispered in the ear in the inner rooms will be proclaimed from the roofs.

“I tell you, my friends,(D) do not be afraid of those who kill the body and after that can do no more. But I will show you whom you should fear: Fear him who, after your body has been killed, has authority to throw you into hell. Yes, I tell you, fear him.(E) Are not five sparrows sold for two pennies? Yet not one of them is forgotten by God. Indeed, the very hairs of your head are all numbered.(F) Don’t be afraid; you are worth more than many sparrows.(G)

“I tell you, whoever publicly acknowledges me before others, the Son of Man will also acknowledge before the angels of God.(H) But whoever disowns me before others will be disowned(I) before the angels of God. 10 And everyone who speaks a word against the Son of Man(J) will be forgiven, but anyone who blasphemes against the Holy Spirit will not be forgiven.(K)

11 “When you are brought before synagogues, rulers and authorities, do not worry about how you will defend yourselves or what you will say,(L) 12 for the Holy Spirit will teach you at that time what you should say.”(M)

The Parable of the Rich Fool

13 Someone in the crowd said to him, “Teacher, tell my brother to divide the inheritance with me.”

14 Jesus replied, “Man, who appointed me a judge or an arbiter between you?” 15 Then he said to them, “Watch out! Be on your guard against all kinds of greed; life does not consist in an abundance of possessions.”(N)

16 And he told them this parable: “The ground of a certain rich man yielded an abundant harvest. 17 He thought to himself, ‘What shall I do? I have no place to store my crops.’

18 “Then he said, ‘This is what I’ll do. I will tear down my barns and build bigger ones, and there I will store my surplus grain. 19 And I’ll say to myself, “You have plenty of grain laid up for many years. Take life easy; eat, drink and be merry.”’

20 “But God said to him, ‘You fool!(O) This very night your life will be demanded from you.(P) Then who will get what you have prepared for yourself?’(Q)

21 “This is how it will be with whoever stores up things for themselves but is not rich toward God.”(R)

Do Not Worry(S)

22 Then Jesus said to his disciples: “Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat; or about your body, what you will wear. 23 For life is more than food, and the body more than clothes. 24 Consider the ravens: They do not sow or reap, they have no storeroom or barn; yet God feeds them.(T) And how much more valuable you are than birds! 25 Who of you by worrying can add a single hour to your life[b]? 26 Since you cannot do this very little thing, why do you worry about the rest?

27 “Consider how the wild flowers grow. They do not labor or spin. Yet I tell you, not even Solomon in all his splendor(U) was dressed like one of these. 28 If that is how God clothes the grass of the field, which is here today, and tomorrow is thrown into the fire, how much more will he clothe you—you of little faith!(V) 29 And do not set your heart on what you will eat or drink; do not worry about it. 30 For the pagan world runs after all such things, and your Father(W) knows that you need them.(X) 31 But seek his kingdom,(Y) and these things will be given to you as well.(Z)

32 “Do not be afraid,(AA) little flock, for your Father has been pleased to give you the kingdom.(AB) 33 Sell your possessions and give to the poor.(AC) Provide purses for yourselves that will not wear out, a treasure in heaven(AD) that will never fail, where no thief comes near and no moth destroys.(AE) 34 For where your treasure is, there your heart will be also.(AF)

Watchfulness(AG)(AH)

35 “Be dressed ready for service and keep your lamps burning, 36 like servants waiting for their master to return from a wedding banquet, so that when he comes and knocks they can immediately open the door for him. 37 It will be good for those servants whose master finds them watching when he comes.(AI) Truly I tell you, he will dress himself to serve, will have them recline at the table and will come and wait on them.(AJ) 38 It will be good for those servants whose master finds them ready, even if he comes in the middle of the night or toward daybreak. 39 But understand this: If the owner of the house had known at what hour the thief(AK) was coming, he would not have let his house be broken into. 40 You also must be ready,(AL) because the Son of Man will come at an hour when you do not expect him.”

41 Peter asked, “Lord, are you telling this parable to us, or to everyone?”

42 The Lord(AM) answered, “Who then is the faithful and wise manager, whom the master puts in charge of his servants to give them their food allowance at the proper time? 43 It will be good for that servant whom the master finds doing so when he returns. 44 Truly I tell you, he will put him in charge of all his possessions. 45 But suppose the servant says to himself, ‘My master is taking a long time in coming,’ and he then begins to beat the other servants, both men and women, and to eat and drink and get drunk. 46 The master of that servant will come on a day when he does not expect him and at an hour he is not aware of.(AN) He will cut him to pieces and assign him a place with the unbelievers.

47 “The servant who knows the master’s will and does not get ready or does not do what the master wants will be beaten with many blows.(AO) 48 But the one who does not know and does things deserving punishment will be beaten with few blows.(AP) From everyone who has been given much, much will be demanded; and from the one who has been entrusted with much, much more will be asked.

Not Peace but Division(AQ)

49 “I have come to bring fire on the earth, and how I wish it were already kindled! 50 But I have a baptism(AR) to undergo, and what constraint I am under until it is completed!(AS) 51 Do you think I came to bring peace on earth? No, I tell you, but division. 52 From now on there will be five in one family divided against each other, three against two and two against three. 53 They will be divided, father against son and son against father, mother against daughter and daughter against mother, mother-in-law against daughter-in-law and daughter-in-law against mother-in-law.”(AT)

Interpreting the Times

54 He said to the crowd: “When you see a cloud rising in the west, immediately you say, ‘It’s going to rain,’ and it does.(AU) 55 And when the south wind blows, you say, ‘It’s going to be hot,’ and it is. 56 Hypocrites! You know how to interpret the appearance of the earth and the sky. How is it that you don’t know how to interpret this present time?(AV)

57 “Why don’t you judge for yourselves what is right? 58 As you are going with your adversary to the magistrate, try hard to be reconciled on the way, or your adversary may drag you off to the judge, and the judge turn you over to the officer, and the officer throw you into prison.(AW) 59 I tell you, you will not get out until you have paid the last penny.”(AX)

Footnotes

  1. Luke 12:1 Or speak to his disciples, saying: “First of all, be
  2. Luke 12:25 Or single cubit to your height