Lucas 12:23-25
Ang Dating Biblia (1905)
23 Sapagka't ang buhay ay higit kay sa pagkain, at ang katawan kay sa damit.
24 Wariin ninyo ang mga uwak, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas man; na walang bangan ni kamalig man; at sila'y pinakakain ng Dios: gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon!
25 At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?
Read full chapter
Lucas 12:23-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 Sapagkat mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit. 24 Masdan ninyo ang mga uwak! Hindi sila nagtatanim o gumagapas o nagtitipon sa kamalig, gayunma'y pinakakain sila ng Diyos. Mas mahalaga kayo kaysa mga ibon. 25 Sino sa inyo na dahil sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang oras[a] sa kanyang buhay?
Read full chapterFootnotes
- Lucas 12:25 Sa Griyego, makakapagdagdag ng isang siko.
Lucas 12:23-25
Ang Biblia, 2001
23 Sapagkat ang buhay ay higit kaysa pagkain at ang katawan ay higit kaysa damit.
24 Pansinin ninyo ang mga uwak. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas man. Sila'y walang imbakan ni kamalig man, subalit sila'y pinapakain ng Diyos. Gaano pang higit kayong mahalaga kaysa mga ibon!
25 At sino sa inyo na sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang oras sa haba ng kanyang buhay?[a]
Read full chapterFootnotes
- Lucas 12:25 o makapagdaragdag ng isang siko sa kanyang taas .
Luke 12:23-25
New International Version
23 For life is more than food, and the body more than clothes. 24 Consider the ravens: They do not sow or reap, they have no storeroom or barn; yet God feeds them.(A) And how much more valuable you are than birds! 25 Who of you by worrying can add a single hour to your life[a]?
Footnotes
- Luke 12:25 Or single cubit to your height
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

