Add parallel Print Page Options

18 At kung si Satanas ay nahahati rin laban sa kanyang sarili, paanong tatatag ang kanyang kaharian? Sapagkat sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul.

19 At kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sa pamamagitan naman nino pinalalayas sila ng inyong mga anak? Kaya't sila ang inyong magiging mga hukom.

20 Ngunit kung sa pamamagitan ng daliri ng Diyos ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, dumating na nga sa inyo ang kaharian ng Diyos.

Read full chapter

18 At kung kinakalaban ni Satanas ang kanyang sarili, paano makatatayo ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong pinalalayas ko ang mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul. 19 At kung pinalalayas ko ang mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sa pamamagitan naman nino pinalalayas ang mga ito ng inyong mga anak? Kaya sila ang magiging hukom ninyo. 20 Ngunit kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, dumating na nga sa inyo ang paghahari ng Diyos.

Read full chapter

18 At kung si Satanas naman ay nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, paanong mananatili ang kaniyang kaharian? sapagka't sinasabi ninyong sa pamamagitan ni Beelzebub nagpapalabas ako ng mga demonio.

19 At kung nagpapalabas ako ng mga demonio sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino sila pinalalabas ng inyong (A)mga anak? kaya nga, sila ang inyong magiging mga hukom.

20 Nguni't kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio, dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.

Read full chapter

18 If Satan(A) is divided against himself, how can his kingdom stand? I say this because you claim that I drive out demons by Beelzebul. 19 Now if I drive out demons by Beelzebul, by whom do your followers drive them out? So then, they will be your judges. 20 But if I drive out demons by the finger of God,(B) then the kingdom of God(C) has come upon you.

Read full chapter