Lucas 10:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang(A) nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”
Bumalik ang Pitumpu't Dalawa
17 Masayang-masayang bumalik ang pitumpu't dalawa.[a] Iniulat nila, “Panginoon, kahit po ang mga demonyo ay napapasunod namin dahil sa kapangyarihan ng inyong pangalan.”
18 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Nakita kong parang kidlat na nahulog si Satanas mula sa langit.
Read full chapterFootnotes
- 17 pitumpu't dalawa: Sa ibang manuskrito'y pitumpu .
Lucas 10:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Sinabi niya sa mga alagad, “Ang nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, at ang mga ayaw tumanggap sa inyo ay ako ang ayaw nilang tanggapin. At ang ayaw tumanggap sa akin ay ayaw tumanggap sa nagsugo sa akin.”
Ang Pagbabalik ng Pitumpu't Dalawa
17 Bumalik ang pitumpu't dalawa[a] at nagagalak na nagsabi kay Jesus, “Panginoon, maging ang mga demonyo ay nagpapasakop sa amin dahil sa inyong pangalan!” 18 At sinabi niya sa kanila, “Nakita ko si Satanas na bumulusok mula sa langit tulad ng kidlat.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 10:17 pitumpu't dalawa: Sa ibang manuskrito ay pitumpu.
Lucas 10:16-18
Ang Biblia (1978)
16 Ang nakikinig sa inyo, ay (A)sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo.
17 At nagsipagbalik (B)ang pitongpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan.
18 At sinabi niya sa kanila, (C)Nakita ko si Satanas, na (D)nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978