Add parallel Print Page Options

Umawit ng Papuri si Maria

46 Sinabi (A) ni Maria,

47 “Ang aking kaluluwa'y Panginoon ang dinadakila,
    at sa aking Diyos na Tagapagligtas, espiritu ko'y labis ang tuwa.
48 Sapagkat (B) nilingap ang kanyang hamak na alipin.
    At mula ngayo'y tatawagin akong mapalad ng lahat ng salinlahi.
49 Sapagkat siya na makapangyarihan ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa akin
    at banal ang pangalan niyang angkin.
50 Kanyang pagkahabag, lahat ng salinlahi ang abot
    sa lahat ng sa kanya tunay na may takot.
51 Siya'y nagpakita ng lakas ng kanyang mga bisig;
    pinagwatak-watak niya ang mga palalò sa mga haka ng kanilang puso at isip.
52 Ang (C) mga makapangyarihan mula sa trono'y kanyang ibinagsak,
    at ang mga nasa abang kalagayan, kanya namang iniangat.
53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
    at ang mayayaman ay kanyang pinaalis na walang dalang baon.
54 Ang Israel na lingkod niya'y kanyang tinulungan,
    bilang pag-alaala sa kanyang kahabagan.
55 Ito'y (D) bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
    kay Abraham at sa kanyang salinlahi magpakailanman.”

Read full chapter