Add parallel Print Page Options

49 Habang nagsasalita siya, may isang dumating mula sa tahanan ng pinuno ng sinagoga. Sinabi nito sa kaniya: Patay na ang anak mo. Huwag mo nang abalahin ang guro.

50 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kaniya: Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at gagaling siya.

Read full chapter

49 Nagsasalita pa siya nang dumating ang isang mula sa bahay ng pinuno ng sinagoga at nagsabing, “Patay na ang iyong anak! Huwag mo nang gambalain ang Guro.” 50 Ngunit pagkarinig dito ni Jesus ay sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang mangamba! Sumampalataya ka lang at siya ay gagaling.”

Read full chapter