Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik(A)

Isang araw, nagdatingan ang maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan at lumapit kay Jesus. Ikinuwento niya sa kanila ang talinghaga na ito:

“May isang magsasakang naghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan, natapakan ito ng mga dumadaan at tinuka ng mga ibon. May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar. Tumubo ang mga ito, pero madaling nalanta dahil sa kawalan ng tubig. May mga binhi namang nahulog sa lupang may matitinik na damo. Sabay na tumubo ang mga binhi at mga damo, pero sa bandang huli ay natakpan ng mga damo ang mga tumubong binhi. Ang iba namaʼy nahulog sa mabuting lupa. Tumubo ang mga ito at namunga nang napakarami.”[a] Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan!”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:8 nang napakarami: sa literal, isang daang ulit ang dami.
  2. 8:8 Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan: sa literal, Ang may taingang nakakarinig ay dapat makinig.

Ang Talinghaga ng Manghahasik(A)

Nang dumating ang napakaraming tao at lumapit kay Jesus ang mga tao mula sa bawat bayan, nangusap siya sa kanila sa pamamagitan ng isang talinghaga. “Lumabas ang manghahasik upang magsaboy ng kanyang binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Natapakan ang mga ito at tinuka ng mga ibon. Ang iba naman ay nalaglag sa batuhan. Tumubo ang mga ito, ngunit dahil kulang sa halumigmig, ay agad na natuyo. Ang iba pa ay nalaglag sa gitna ng tinikan at sa kanilang paglaki ay sinakal ng mga tinik na lumaking kasama nila. Ngunit ang iba ay nalaglag sa mabuting lupa, tumubo at sa paglaki ng mga ito ay namunga ng sandaan.” Pagkasabi niya nito, siya ay nanawagan, “Ang may pandinig ay makinig.”

Read full chapter

Ang Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa Manghahasik(A)

11 Isinalaysay ni Jesus kung ano ang kahulugan ng talinghaga na iyon: “Ang binhi ay ang salita ng Dios. 12 Ang tabi ng daan, kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios, ngunit dumating ang diyablo at kinuha iyon sa mga puso nila upang hindi sila sumampalataya at maligtas. 13 Ang mabatong lugar, kung saan nahulog ang ibang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios at masaya itong tinanggap. Ngunit hindi taimtim sa puso nila ang pagtanggap, kaya hindi tumagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng mga pagsubok ay agad silang tumatalikod sa kanilang pananampalataya. 14 Ang lupang may matitinik na damo, kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios. Ngunit sa katagalan, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan sa mundong ito. Kaya hindi sila lumago at hindi namunga. 15 Ngunit ang mabuting lupang hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig sa salita ng Dios, at iniingatan ito sa kanilang malinis at tapat na puso, at pinagsisikapang sundin hanggang sa silaʼy mamunga.”

Read full chapter

Ipinaliwanag ni Jesus ang Talinghaga ng Manghahasik(A)

11 “Ngayon, ito ang kahulugan ng talinghaga. Ang binhi ay ang salita ng Diyos. 12 Ang mga nalaglag sa daan ay ang mga nakarinig, ngunit nang dumating ang diyablo ay inagaw nito ang salita mula sa kanilang puso upang hindi sila sumampalataya at maligtas. 13 Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig sa salita at tumanggap dito nang may kagalakan. Ngunit sa kawalan ng ugat, sandali lamang sila nanampalataya at tumalikod sa panahon ng pagsubok. 14 Ang mga napadpad sa tinikan ay ang mga nakarinig ngunit sa kanilang pagpapatuloy ay sinakal ng kabalisahan, mga kayamanan at mga layaw ng buhay kaya't hindi nahinog ang kanilang bunga. 15 Ngunit ang mga nalaglag sa mabuting lupa ay iyong mga nakarinig ng salita at iningatan ito sa kanilang puso nang may katapatan at kabutihan kaya nagbunga ang kanilang pagtitiyaga.”

Read full chapter