Add parallel Print Page Options

29 Si Jesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking handaan sa kanyang bahay. Kasalo niya roon ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao. 30 Kaya't(A) nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga kasamahan nilang tagapagturo ng Kautusan. Sinabi nila sa mga alagad ni Jesus, “Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”

Read full chapter

29 Ipinaghanda siya ni Levi sa bahay nito ng isang malaking piging. Kasalo nila roon ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao. 30 Kaya't nagreklamo sa mga alagad ni Jesus ang mga Fariseo at kanilang mga tagapagturo ng Kautusan. Sinabi nila, “Bakit kayo nakikisalo at umiinom sa piling ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”

Read full chapter