Add parallel Print Page Options

Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo ay bibigyan. Humanap kayo at kayo ay makatatagpo. Kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10 Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap, ang humahanap ay nakatatagpo at ang kumakatok ay pinagbubuksan. 11 Sinong ama sa inyo ang magbibigay ng ahas sa inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? 12 O kung humingi ito ng itlog ay bibigyan ba ninyo ito ng alakdan? 13 Kung kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa ang Ama na nasa langit na magbibigay ng Banal na Espiritu sa mga humingi sa kanya?”

Read full chapter