Add parallel Print Page Options

Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, (A)kagalanggalang na (B)Teofilo;

Upang mapagkilala mo ang katunayan (C)tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.

Read full chapter

at, matapos ang aking masusing pagsisiyasat sa lahat buhat sa simula, minabuti kong sumulat din ng isang maayos na salaysay para sa iyo, kagalang-galang na Teofilo, upang maunawaan mo ang katiyakan ng mga bagay na itinuro sa iyo.

Read full chapter