Leviticus 9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Sinimulan ng mga Pari ang Kanilang Gawain
9 Nang ikawalong araw, pagkatapos ng pagtatalaga, ipinatawag ni Moises si Aaron at ang mga anak niyang lalaki at ang mga tagapamahala ng Israel. 2 Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kumuha ka ng isang batang toro, at isang lalaking tupa na parehong walang kapintasan, at ihandog sa Panginoon. Ang baka ay handog sa paglilinis, at ang tupa ay handog na sinusunog. 3 Sabihin mo sa mga taga-Israel na magdala sila ng lalaking kambing bilang handog sa paglilinis. At kumuha rin sila ng baka at tupa na kapwa isang taon at walang kapintasan, at ihandog bilang handog na sinusunog. 4 Kumuha rin sila ng isang baka at lalaking tupa bilang handog para sa mabuting relasyon.[a] Ihahandog nila ito kasama ng handog na butil na may halong langis, dahil magpapakita ang Panginoon sa inyo sa araw na ito.”
5 Kaya dinala nila roon sa harap ng Toldang Tipanan ang lahat ng dadalhin ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. At silang lahat ay nagtipon doon sa presensya ng Panginoon. 6 Sinabi ni Moises sa kanila, “Inuutusan kayo ng Panginoon na gawin ninyo ang paghahandog na ito para ipakita niya sa inyo ang kanyang kapangyarihan.” 7 Pagkatapos, sinabi niya kay Aaron, “Lumapit ka sa altar at ialay mo ang iyong handog sa paglilinis at handog na sinusunog para matubos ka at ang sambahayan mo[b] sa inyong mga kasalanan. At ialay mo rin ang handog ng mga tao para sila rin ay matubos sa kanilang mga kasalanan ayon sa iniutos ng Panginoon.”
8 Kaya lumapit si Aaron sa altar at pinatay niya ang handog na batang toro bilang handog sa paglilinis. 9 Ang dugo nitoʼy dinala sa kanya ng kanyang mga anak, at inilubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwinisik sa parang sungay sa mga sulok ng altar, at ang natirang dugo ay ibinuhos niya sa ilalim ng altar. 10 Sinunog niya sa altar ang mga taba at ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay ayon sa utos ng Panginoon kay Moises. 11 Ang karne at ang balat ay sinunog niya sa labas ng kampo. 12 Pagkatapos, pinatay din ni Aaron ang mga hayop na para sa handog na sinusunog. Ang dugo ay dinala ng kanyang mga anak sa kanya at iwinisik niya sa palibot ng altar. 13 Dinala rin sa kanya ng mga anak niya ang hiniwa-hiwang mga karne ng handog na hayop, pati ang ulo, at sinunog niya ang mga ito sa altar. 14 Hinugasan niya ang lamang-loob, at mga paa, at sinunog niya ang mga ito sa altar pati na ang iba pang parte ng handog na hayop.
15 Pagkatapos, dinala niya sa gitna ang mga handog na para sa mga tao. Pinatay niya ang kambing na handog sa paglilinis ng mga tao katulad ng kanyang ginawa sa una niyang handog na inialay para maging malinis siya sa kanyang mga kasalanan. 16 Pagkatapos, dinala rin niya sa gitna ang hayop para sa handog na sinusunog, at inihandog niya ayon sa paraan ng paghahandog nito. 17 Dinala rin niya sa gitna ang handog na mga butil. Dumakot siya ng isang dakot na butil at sinunog sa altar kasama ng handog na sinusunog tuwing umaga.
18 Pinatay din ni Aaron ang baka at ang lalaking tupa para sa mga tao na kanilang handog para sa mabuting relasyon. Ang dugo ay dinala sa kanya ng kanyang mga anak at iwinisik niya sa palibot ng altar. 19 Ang taba ng mga ito – ang matabang buntot, ang mga taba sa lamang-loob, ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay 20 ay ipinatong ng mga anak ni Aaron sa pitso ng mga handog na hayop. At sinunog ni Aaron ang mga taba sa altar. 21 Ayon din sa utos ni Moises, itinaas ni Aaron ang pitso at ang kanang hita ng hayop bilang handog na itinataas.
22 Pagkatapos maihandog ni Aaron ang lahat ng ito, itinaas niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at binasbasan niya, at pagkatapos, bumaba siya mula sa altar. 23-24 At pumasok sina Moises at Aaron sa loob ng Toldang Tipanan. Paglabas nila, muli nilang binasbasan ang mga tao. At ipinakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan sa mga tao sa pamamagitan ng apoy na sumunog sa mga handog na nasa altar. Nang itoʼy makita ng mga tao, nagsigawan sila sa tuwa at nagpatirapa para sambahin ang Panginoon.
Levitic 9
Cornilescu 1924 - Revised 2010, 2014
Jertfele lui Aaron şi ale fiilor lui
9 În ziua(A) a opta, Moise a chemat pe Aaron şi pe fiii lui, şi pe bătrânii lui Israel. 2 Şi a zis lui Aaron: „Ia(B) un viţel pentru jertfa de ispăşire şi(C) un berbec pentru arderea-de-tot, amândoi fără cusur, şi adu-i înaintea Domnului. 3 Să vorbeşti copiilor lui Israel şi să le spui: ‘Luaţi(D) un ţap pentru jertfa de ispăşire, un viţel şi un miel de un an şi fără cusur pentru arderea-de-tot; 4 un taur şi un berbec pentru jertfa de mulţumire, ca să-i jertfiţi înaintea Domnului, şi un(E) dar de mâncare frământat cu untdelemn. Căci azi vi se(F) va arăta Domnul’.” 5 Ei au adus înaintea cortului întâlnirii tot ce poruncise Moise, şi toată adunarea s-a apropiat şi a stat înaintea Domnului. 6 Moise a zis: „Să faceţi ce a poruncit Domnul, şi vi se va arăta(G) slava Domnului.” 7 Moise a zis lui Aaron: „Apropie-te de altar, adu-ţi(H) jertfa ta de ispăşire şi arderea-de-tot a ta şi fă ispăşire pentru tine şi pentru popor; adu(I) şi jertfa poporului şi fă ispăşire pentru el, cum a poruncit Domnul.” 8 Aaron s-a apropiat de altar şi a junghiat viţelul pentru jertfa lui de ispăşire. 9 Fiii(J) lui Aaron i-au adus sângele la el; el şi-a muiat degetul în sânge, a uns(K) coarnele altarului, iar celălalt sânge l-a turnat la picioarele altarului. 10 A ars pe altar grăsimea(L), rărunchii şi prapurul ficatului de la viţelul pentru jertfa de ispăşire, cum(M) poruncise lui Moise Domnul. 11 Iar carnea(N) şi pielea le-a ars în foc afară din tabără. 12 A junghiat apoi arderea-de-tot. Fiii lui Aaron i-au adus sângele la el, şi el l-a stropit(O) pe altar de jur împrejur. 13 I-au adus(P) şi arderea-de-tot tăiată în bucăţi, cu cap cu tot, şi a ars-o pe altar. 14 A spălat(Q) măruntaiele şi picioarele şi le-a ars pe altar, deasupra arderii-de-tot. 15 În urmă, a adus(R) jertfa pentru popor. A luat ţapul pentru jertfa de ispăşire a poporului, l-a junghiat şi l-a adus jertfă de ispăşire, ca şi pe cea dintâi jertfă. 16 A adus apoi arderea-de-tot şi a jertfit-o, după(S) rânduielile aşezate. 17 A adus şi jertfa de mâncare(T), a umplut un pumn din ea şi a ars-o pe altar, afară de(U) arderea-de-tot de dimineaţă. 18 A junghiat apoi taurul şi berbecul ca jertfă(V) de mulţumire pentru popor. Fiii lui Aaron au adus sângele la el, şi el a stropit pe altar de jur împrejur. 19 I-au adus apoi grăsimea taurului şi a berbecului, coada, grăsimea care acoperă măruntaiele, rărunchii şi prapurul ficatului; 20 au pus grăsimile acestea deasupra piepturilor şi el a ars(W) grăsimile pe altar. 21 Aaron a legănat într-o parte şi într-alta, ca dar(X) legănat înaintea Domnului, piepturile şi spata dreaptă, cum poruncise lui Moise Domnul.
Foc din cer
22 Aaron şi-a ridicat mâinile spre popor şi l-a binecuvântat(Y). Apoi, după ce a adus jertfa de ispăşire, arderea-de-tot şi jertfa de mulţumire, s-a pogorât. 23 Moise şi Aaron au intrat în cortul întâlnirii. Când au ieşit din el, au binecuvântat poporul. Şi slava(Z) Domnului s-a arătat întregului popor. 24 Un foc(AA) a ieşit dinaintea Domnului şi a mistuit pe altar arderea-de-tot şi grăsimile. Tot poporul a văzut lucrul acesta; au scos strigăte(AB) de bucurie şi s-au aruncat cu faţa la pământ.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright of the Cornilescu Bible © 1924 belongs to British and Foreign Bible Society. Copyright © 2010, 2014 of the revised edition in Romanian language belongs to the Interconfessional Bible Society of Romania, with the approval of the British and Foreign Bible Society.

