Leviticus 4:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Handog sa Paglilinis
4 1-2 Nag-utos din ang Panginoon kay Moises na sabihin sa mga taga-Israel na ang sinumang makalabag sa kanyang utos nang hindi sinasadya ay kinakailangang gawin ito:
3 Kung ang punong pari ang nagkasala ng hindi sinasadya at dahil dito ay nadamay ang mga tao, maghahandog siya sa Panginoon ng isang batang toro na walang kapintasan bilang handog sa paglilinis. 4 Dadalhin niya ang toro sa presensya ng Panginoon doon sa pintuan ng Toldang Tipanan. At ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng toro at saka niya ito papatayin.
Read full chapter
Levitico 4:2-4
Ang Dating Biblia (1905)
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang sinoman ay magkakasala ng hindi sinasadya sa alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at gagawin ng sinoman sa kanila;
3 Kung ang pinahirang saserdote ang magkasala ng gayon na magdala ng sala sa bayan, ay maghahandog nga siya sa Panginoon dahil sa kaniyang kasalanan na ipinagkasala, ng isang guyang toro, na walang kapintasan, na pinakahandog dahil sa kasalanan.
4 At dadalhin niya ang toro sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng Panginoon: at ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng toro, at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.
Read full chapter
Leviticus 4:2-4
New International Version
2 “Say to the Israelites: ‘When anyone sins unintentionally(A) and does what is forbidden in any of the Lord’s commands(B)—
3 “‘If the anointed priest(C) sins,(D) bringing guilt on the people, he must bring to the Lord a young bull(E) without defect(F) as a sin offering[a](G) for the sin he has committed.(H) 4 He is to present the bull at the entrance to the tent of meeting before the Lord.(I) He is to lay his hand on its head and slaughter it there before the Lord.
Footnotes
- Leviticus 4:3 Or purification offering; here and throughout this chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.