Levitico 4:26-28
Magandang Balita Biblia
26 Dadalhin niya sa altar ang lahat ng taba at susunugin gaya ng taba na handog pangkapayapaan. Ito ang gagawin ng pari para matubos ang kasalanan ng pinuno at siya'y patatawarin.
27 “Kung(A) ang nagkasala nang di sinasadya ay isang karaniwang tao dahil lumabag siya sa utos ko 28 at malaman niya ito pagkatapos, maghahandog siya ng isang babaing kambing na walang kapintasan.
Read full chapter
Levitico 4:26-28
Ang Biblia (1978)
26 At ang lahat ng taba niyaon ay susunugin niya sa dambana, (A)na gaya ng taba ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: (B)at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan, at siya'y patatawarin.
Ang batas ng handog para sa kasalanan ng mga pangkaraniwang tao.
27 (C)At kung ang sinomang karaniwang tao sa bayan ay magkasala ng hindi sinasadya, sa paggawa sa alinman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at maging makasalanan;
28 Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang pinagkasalahan, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang babaing kambing na walang kapintasan, na dahil sa kaniyang kasalanang pinagkasalahan niya.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978