Add parallel Print Page Options

Kapistahan ng Pag-aani(A)

14 Huwag kayong kakain ng tinapay at trigong sinangag, ni uhay na bago, hanggang sa araw na ito, hanggang sa inyong madala ang handog sa inyong Diyos. Ito ay tuntunin magpakailanman sa buong panahon ng inyong salinlahi, sa lahat ng inyong mga tirahan.

15 “Mula(B) sa kinabukasan, pagkalipas ng Sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na iwinawagayway, ay bibilang kayo ng pitong buong linggo.

16 Hanggang sa kinabukasan pagkalipas ng ikapitong Sabbath, bibilang kayo ng limampung araw; pagkatapos ay mag-aalay kayo ng handog na bagong butil sa Panginoon.

Read full chapter