Levitico 1
Ang Biblia (1978)
Ang batas ng handog na susunugin.
1 At (A)tinawag ng Panginoon si Moises (B)at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, (C)Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan.
3 Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na (D)walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon.
4 (E)At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; (F)at tatanggapin sa ikagagaling niya, (G)upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya.
5 (H)At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon: (I)at ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay siyang mangaghaharap ng dugo (J)at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
6 At lalaplapin ang handog na susunugin, at kakatayin.
7 At ang mga anak ni Aaron na saserdote ay magsisipaglagay ng apoy sa ibabaw ng dambana, at magsisipagayos ng kahoy sa apoy;
8 At aayusin ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang mga pinagputolputol, ang ulo, at ang (K)taba, sa kahoy na nakapatong sa apoy na nasa ibabaw ng dambana:
9 Datapuwa't ang mga (L)lamang loob at ang mga paa, ay huhugasan niya ng tubig. At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin, isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na (M)amoy sa Panginoon.
10 At kung ang kaniyang alay ay kinuha sa kawan, sa mga tupa, o sa mga kambing, na pinakahandog na susunugin; ang kaniyang ihahandog ay isang lalaking walang kapintasan.
11 At kaniyang papatayin sa dakong hilagaan ng dambana, sa harap ng Panginoon: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.
12 At kaniyang kakatayin pati ang ulo, at ang taba; at mga iaayos ng saserdote sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy sa ibabaw ng dambana;
13 Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa ay huhugasan ng tubig. At ihahandog ng saserdote ang kabuoan, at susunugin sa dambana: isa ngang handog na susunugin na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
14 At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon, ang ihahandog nga niyang alay ay mga (N)batobato o mga inakay ng kalapati.
15 At dadalhin ng saserdote sa dambana, at pupugutan ng ulo yaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana; at ang dugo'y pipigain sa tabi ng dambana:
16 At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo, (O)at ihahagis sa tabi ng dambana, sa dakong silanganan, sa kinalalagyan ng mga abo:
17 At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, (P)datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
Levitico 1
Ang Dating Biblia (1905)
1 At tinawag ng Panginoon si Moises at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan.
3 Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon.
4 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; at tatanggapin sa ikagagaling niya, upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya.
5 At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon: at ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay siyang mangaghaharap ng dugo at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
6 At lalaplapin ang handog na susunugin, at kakatayin.
7 At ang mga anak ni Aaron na saserdote ay magsisipaglagay ng apoy sa ibabaw ng dambana, at magsisipagayos ng kahoy sa apoy;
8 At aayusin ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang mga pinagputolputol, ang ulo, at ang taba, sa kahoy na nakapatong sa apoy na nasa ibabaw ng dambana:
9 Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa, ay huhugasan niya ng tubig. At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin, isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
10 At kung ang kaniyang alay ay kinuha sa kawan, sa mga tupa, o sa mga kambing, na pinakahandog na susunugin; ang kaniyang ihahandog ay isang lalaking walang kapintasan.
11 At kaniyang papatayin sa dakong hilagaan ng dambana, sa harap ng Panginoon: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.
12 At kaniyang kakatayin pati ang ulo, at ang taba; at mga iaayos ng saserdote sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy sa ibabaw ng dambana;
13 Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa ay huhugasan ng tubig. At ihahandog ng saserdote ang kabuoan, at susunugin sa dambana: isa ngang handog na susunugin na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
14 At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon, ang ihahandog nga niyang alay ay mga batobato o mga inakay ng kalapati.
15 At dadalhin ng saserdote sa dambana, at pupugutan ng ulo yaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana; at ang dugo'y pipigain sa tabi ng dambana:
16 At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo, at ihahagis sa tabi ng dambana, sa dakong silanganan, sa kinalalagyan ng mga abo:
17 At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
Leviticus 1
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Handog na Sinusunog
1 1-2 Tinawag ng Panginoon si Moises at kinausap doon sa Toldang Tipanan.[a] Inutusan niya si Moises na sabihin sa mga taga-Israel:
Kapag may naghahandog sa inyo ng hayop sa Panginoon, maghandog siya ng baka, tupa, o kambing. 3 Kung baka ang kanyang iaalay bilang handog na sinusunog, kinakailangan ay lalaking baka at walang kapintasan. Ihahandog niya ito malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan, para sa pamamagitan ng handog na ito ay tanggapin siya ng Panginoon. 4 Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng bakang inihahandog niya, at itoʼy tatanggapin ng Panginoon para matubos siya sa kanyang mga kasalanan.[b] 5 Pagkatapos, kakatayin niya ang bakang iyon sa presensya ng Panginoon. At ang dugo nitoʼy iwiwisik sa paligid ng altar, sa bandang pintuan ng Toldang Tipanan ng mga pari na mula sa angkan ni Aaron. 6 Pagkatapos mabalatan at hiwa-hiwain ng naghahandog ang baka, 7 ang mga paring mula sa angkan ni Aaron ay magpapaningas ng apoy sa altar at lalagyan ng panggatong na inayos ng mabuti. 8 At ilalagay nila nang maayos sa apoy ang mga hiniwang karne, pati ang ulo at taba. 9 Pero huhugasan muna ng naghahandog ang mga lamang-loob, ang mga hita at pagkatapos, susunugin ng pari ang mga ito roon sa altar bilang handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy[c] ay makalulugod sa Panginoon.
10 Kapag tupa o kambing ang iaalay ng tao bilang handog na sinusunog, kailangan ding lalaki at walang kapintasan. 11 Kakatayin niya ito sa presensya ng Panginoon doon sa gawing hilaga ng altar. At ang dugo nitoʼy iwiwisik sa paligid ng altar ng mga paring mula sa angkan ni Aaron. 12 At pagkatapos na hiwa-hiwain ito ng naghahandog, ilalagay ito nang maayos ng pari sa apoy pati na ang ulo at taba. 13 Pagkatapos, huhugasan ng naghahandog ang mga lamang-loob at mga paa, at saka ibibigay sa pari para sunugin sa altar bilang handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.
14 Kapag ibon ang iaalay ng isang tao bilang handog na sinusunog para sa Panginoon, kinakailangang kalapati o batu-bato.[d] 15 Itoʼy dadalhin ng pari sa altar, pipilipitin niya ang leeg hanggang sa maputol at patutuluin ang dugo sa paligid ng altar. Ang ulo nito ay susunugin doon sa altar. 16 Pagkatapos, aalisin niya ang butsi at bituka[e] nito, at ihahagis sa gawing silangan ng altar sa pinaglalagyan ng abo. 17 At pagkatapos, bibiyakin niya ang ibon sa pamamagitan ng paghila ng mga pakpak nito, pero hindi niya paghihiwalayin, at saka niya susunugin ang ibon doon sa altar bilang handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.
Footnotes
- 1:1-2 Toldang Tipanan: na tinatawag din na Toldang Sambahan. Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
- 1:4 matubos … kasalanan: o, ang kanyang kasalanan ay mawala.
- 1:9 handog … apoy: Hindi malinaw ang ibig sabihin ng salitang Hebreo nito. Pero ayon sa gamit nito sa Lumang Tipan, itoʼy tawag sa ibaʼt ibang klase ng mga handog. Tinatawag din itong “pagkain ng Dios” sa Lev. 21:6, 21; Bil. 28:2.
- 1:14 batu-bato: sa Ingles, “wild pigeon.”
- 1:16 butsi at bituka: o, balahibo; o, pakpak.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
