Add parallel Print Page Options

Kahit (A) alam na ninyo ang lahat ng ito, nais ko pa ring ipaalala na matapos iligtas ng Panginoon ang isang bayan mula sa lupain ng Ehipto, pinuksa niya ang mga hindi sumampalataya. Alalahanin din ninyo ang mga anghel na hindi nag-ingat sa kanilang makapangyarihang katungkulan at sa halip ay iniwan nila ang kanilang tahanan. Kaya't ginapos sila ng di-mapapatid na tanikala at ikinulong sa malalim na kadiliman. Mananatili sila doon hanggang hatulan sila sa dakilang Araw ng Panginoon. Ganoon din (B) ang sinapit ng Sodoma at Gomorra at ng mga karatig-lungsod. Nalulong din sila sa imoralidad at nahumaling sa kakaibang uri ng pakikipagtalik. Sila'y naging halimbawa nang sila'y parusahan sa apoy na walang hanggan.

Read full chapter