Add parallel Print Page Options

13 Tulad nila'y mga alon sa dagat, itinataas nilang gaya ng bula ang kanilang nakahihiyang mga gawa; tulad nila'y mga talang ligaw na nakalaan na sa malalim na kadiliman magpakailanman.

14 Tungkol (A) din sa mga taong ito ang ipinahayag ni Enoc, ang ikapitong salinlahi mula kay Adan. Sabi niya, “Tingnan ninyo! Dumarating ang Panginoon kasama ang kanyang libu-libong mga anghel, 15 upang hatulan ang lahat, at parusahan ang lahat ng hindi maka-Diyos dahil sa kanilang masasamang gawa, at sa lahat ng paglapastangan sa kanya ng mga makasalanan.”

Read full chapter