Add parallel Print Page Options

12 Napakalaking kahihiyan at kasiraang-puri ang sila'y makasama ninyo sa mga salu-salong pangmagkakapatid. Wala silang iniintindi kundi ang kanilang sarili. Para silang mga ulap na tinatangay ng hangin ngunit hindi nagdadala ng ulan; mga punongkahoy na binunot na pati ugat at talagang patay na dahil hindi namumunga kahit sa kapanahunan. 13 Sila'y mga alon sa dagat na ang bula ay ang kanilang mga gawang kahiya-hiya; mga ligaw na bituin na nakalaan sa kadiliman magpakailanman.

14 Tungkol(A) din sa kanila ang pahayag ni Enoc, na kabilang sa ikapitong salinlahi mula kay Adan. Sinabi niya, “Tingnan ninyo! Dumarating ang Panginoon kasama ang kanyang libu-libong mga banal na anghel

Read full chapter

12 Ang mga taong ito'y kasiraan sa inyong mga piging ng pagmamahalan. Hindi sila nahihiyang nakikisalo sa inyo at sarili lamang ang pinakakain. Tulad sila ng mga ulap na walang dalang tubig at tinatangay lamang ng hangin. Kagaya sila ng mga punongkahoy sa pagtatapos ng taglagas, hindi na aasahang magbunga dahil binunot na at patay na. 13 Tulad nila'y mga alon sa dagat, itinataas nilang gaya ng bula ang kanilang nakahihiyang mga gawa; tulad nila'y mga talang ligaw na nakalaan na sa malalim na kadiliman magpakailanman.

14 Tungkol (A) din sa mga taong ito ang ipinahayag ni Enoc, ang ikapitong salinlahi mula kay Adan. Sabi niya, “Tingnan ninyo! Dumarating ang Panginoon kasama ang kanyang libu-libong mga anghel,

Read full chapter