Add parallel Print Page Options

Dumalo si Jesus sa Kapistahan sa Araw ng mga Kubol

Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay naglibot sa Galilea. Ayaw niyang maglibot sa Judea dahil ang mga Judio ay naghahanap ng pagkakataon upang siya ay patayin.

Ang Kapistahan ng mga Kubol ng mga Judio ay malapit na. Kaya nga, sinabi sa kaniya ng mga kapatid niyang lalaki: Umalis ka rito. Pumunta ka sa Judea nang makita rin ng iyong mga alagad ang mga gawang ginagawa mo.

Read full chapter