Add parallel Print Page Options

Magkakasama sina Simon Pedro at Tomas na tinatawag na Kambal at si Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pang mga alagad. Sinabi ni Simon Pedro sa kanila: Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya: Sasama rin kami sa iyo. Lumabas sila mula roon at agad-agad na sumakay sa bangka. Wala silang nahuli nang gabing iyon.

Nang magbubukang-liwayway na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat. Gayunman, hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.

Read full chapter

Naroon sina Simon Pedro, Tomas na tinatawag na Kambal, Nathanael ng Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kanyang mga alagad. (A)Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Mangingisda ako.” “Sasamahan ka namin,” sabi nila. Umalis sila at sumakay ng bangka. Subalit nang gabing iyon, wala silang nahuli.

Pagsapit ng bukang-liwayway, tumayo si Jesus sa tabing lawa; ngunit hindi alam ng mga alagad na siya ay si Jesus.

Read full chapter

Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at (A)si Natanael na taga (B)Cana ng Galilea, at (C)ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.

Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya, Kami man ay magsisisama sa iyo. Sila'y nagsiyaon, at nagsilulan sa daong; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman.

Nguni't nang nagbubukang liwayway na, si Jesus ay tumayo sa baybayin: gayon ma'y (D)hindi napagalaman ng mga alagad na yaon ay si Jesus.

Read full chapter