Add parallel Print Page Options

Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus

20 Umaga ng unang araw ng sanlinggo, habang madilim pa, nagpunta si Maria Magdalena sa libingan at nakita niyang naalis na ang batong pantakip sa libingan. Kaya't siya'y tumakbo at pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na minamahal ni Jesus at sinabi sa kanila, “Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan at hindi namin alam kung saan siya inilagay.” Kaya't umalis si Pedro at ang alagad na iyon at nagpunta sila sa libingan.

Read full chapter