Juan 18
Ang Salita ng Diyos
Dinakip Nila si Jesus
18 Pagkasabi ni Jesus ng mga salitang ito ay umalis siya kasama ang kaniyang mga alagad. Sila ay nagtungo sa kabila ng batis ng Kedron na kung saan ay may isang halamanan. Siya at ang kaniyang mga alagad ay pumasok doon.
2 Si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang pook na iyon sapagkat si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay madalas na magtipon doon. 3 At dumating si Judas kasama ang batalyon ng mga kawal at mga opisyales mula sa mga pinunong-saserdote at mga Fariseo. Dumating sila roon na may dalang mga sulo, mga ilawan at mga sandata.
4 Kaya nga, si Jesus na nalalaman ang lahat ng mga bagay na magaganap sa kaniya, ay sumalubong sa kanila. Sinabi niya sa kanila: Sino ang hinahanap ninyo?
5 Sumagot sila sa kaniya: Si Jesus na taga-Nazaret.
Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako nga iyon. Si Judas na nagkanulo sa kaniya ay nakatayo ring kasama nila.
6 Kaya nga, nang sabihin niya sa kanila: Ako nga iyon, napaurong sila at natumba sa lupa.
7 Muli nga niya silang tinanong: Sino ang hinahanap ninyo?
Sinabi nila: Si Jesus na taga-Nazaret.
8 Sumagot si Jesus: Sinabi ko na sa inyo: Ako nga iyon. Kung ako nga ang inyong hinahanap, pabayaan ninyong umalis ang mga ito. 9 Ito ay upang matupad ang pananalitang kaniyang sinabi: Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ako nawalan ni isa man.
10 Si Simon Pedro nga ay may tabak at binunot niya ito. Tinaga niya ang alipin ng pinakapunong-saserdote at natanggal ang kanang tainga. Ang pangalan ng alipin ay Malcu.
11 Sinabi nga ni Jesus kay Pedro: Isalong mo ang iyong tabak. Hindi ba iinumin ko ang sarong ibinigay sa akin ng Ama?
Dinala Nila si Jesus kay Anas
12 Hinuli nga si Jesus ng pangkat ng mga kawal, ng kapitan at ng opisyales ng mga Judio at siya ay kanilang ginapos.
13 Dinala muna nila siya kay Anas sapagkat siya ang biyenang lalaki ni Caifas na pinakapunong-saserdote ng taon ding iyon. 14 Si Caifas ang nagbigay ng payo sa mga Judio na makakabuting may isang mamatay para sa mga tao.
Ipinagkaila ni Pedro si Jesus sa Unang Pagkakataon
15 Si Simon Pedro at ang isa pang alagad ay sumunod kay Jesus. Ang alagad na iyon ay kilala ng pinakapunong-saserdote. Siya ay pumasok na kasama ni Jesus sa bulwagan ng pinakapunong-saserdote.
16 Si Pedro ay nakatayo sa labas ng pintuan. Ang alagad na kilala ng pinakapunong-saserdote ay lumabas. Kinausap niya ang babaeng nagbabantay sa may pintuan at pinapasok si Pedro.
17 Ang utusang babae na nagbabantay ng pintuan ay nagsabi nga kay Pedro: Hindi ba ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito?
Sinabi niya: Hindi.
18 Ang mga alipin at mga tanod ng templo ay nakatayo roon. Sila ay nagpabaga ng uling sapagkat malamig doon at nagpapainit ng kanilang mga sarili. Si Pedro ay nakatayong kasama nila at nagpapainit ng kaniyang sarili.
Tinanong si Jesus ng Pinakapunong-saserdote
19 Ang pinakapunong-saserdote ay nagtanong kay Jesus patungkol sa kaniyang mga alagad at sa kaniyang turo.
20 Sumagot si Jesus sa kaniya: Ako ay hayagang nagsalita sa sangkatauhan. Ako ay laging nagtuturo sa sinagoga at sa templo na pinagtitipunan ng mga Judio. Wala akong sinabing anuman sa lihim. 21 Bakit mo ako tinatanong? Tanungin mo ang mga nakarinig sa akin kung ano ang sinabi ko sa kanila. Tingnan mo, alam nila ang sinabi ko.
22 Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, isa sa opisyales ng templo na nakatayo sa tabi, ang sumampal kay Jesus. Sinabi niya: Sumasagot ka ba nang ganyan sa pinakapunong-saserdote?
23 Sumagot sa kaniya si Jesus: Kung ako ay nagsalita ng masama, magbigay saksi ka patungkol sa masama. Kung mabuti ang aking sinasabi, bakit mo ako hinampas? 24 Si Jesus ay nakagapos na ipinadala ni Anas kay Caifas na pinakapunong-saserdote.
Si Jesus ay Ipinagkaila ni Pedro sa Ikalawa at Ikatlong Pagkakataon
25 Si Simon Pedro ay nakatayo at siya ay nagpapainit ng kaniyang sarili. Sinabi nga nila sa kaniya: Hindi ba isa ka rin sa kaniyang mga alagad?
Siya ay nagkaila at sinabi: Hindi.
26 Ang isa sa mga alipin ng pinakapunong-saserdote ay kamag-anak ng tinanggalan ni Pedro ng tainga. Siya ay nagsabi: Hindi ba nakita kitang kasama niya sa halamanan? 27 Muling nagkaila si Pedro at kaagad ay tumilaok ang isang tandang.
Si Jesus sa Harap ni Pilato
28 Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa hukuman. Maaga pa noon. At sila ay hindi pumasok sa hukuman upang hindi sila madungisan at upang sila ay makakain sa Paglagpas.
29 Kaya nga, lumabas si Pilato at sinabi sa kanila: Anong paratang ang dala ninyo laban sa taong ito?
30 Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya: Kung hindi siya gumagawa ng masama, hindi namin siya ibibigay sa iyo.
31 Sinabi nga ni Pilato sa kanila: Kunin ninyo siya at hatulan ninyo siya ayon sa inyong kautusan.
Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Wala kaming karapatang pumatay ng sinumang tao.
32 Ito ay nangyari upang matupad ang sinabi ni Jesus. Ang salita na kaniyang sinabi ay nagpapahayag ng uri nang kamatayan na kaniyang ikamamatay.
33 Pumasok ngang muli si Pilato sa hukuman at tinawag si Jesus. Sinabi niya sa kaniya: Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?
34 Sumagot sa kaniya si Jesus: Ito ba ay sinasabi mo mula sa iyong sarili? O may ibang nagsabi sa iyo patungkol sa akin?
35 Sumagot si Pilato: Ako ba ay isang Judio? Ibinigay ka sa akin ng iyong sariling bansa at ng mga pinunong-saserdote. Ano ba ang nagawa mo?
36 Sumagot si Jesus: Ang aking paghahari ay hindi sa sanlibutang ito. Kung ang aking paghahari ay sa sanlibutang ito, makikipaglaban ang aking mga lingkod upang hindi ako maibigay sa mga Judio. Ngunit sa ngayon ang aking paghahari ay hindi mula rito.
37 Kaya nga, sinabi ni Pilato sa kaniya: Kung gayon, ikaw ba ay isang hari?
Sumagot si Jesus: Tama ang iyong sinabi sapagkat ako ay isang hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak. At sa kadahilanang ito ako ay naparito sa sanlibutan: Upang magpatotoo ako sa katotohanan. Ang bawat isa na nasa katotohanan ay dumirinig ng aking tinig.
38 Sinabi ni Pilato sa kaniya: Ano ang katotohanan? Pagkasabi niya nito ay muli siyang pumunta sa mga Judio. Sinabi niya sa kanila: Wala akong makitang kasalanan sa kaniya. 39 Ngunit kayo ay may isang kaugalian na palayain ko sa inyo ang isa sa araw ng Paglagpas. Ibig nga ba ninyo na palayain ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?
40 Lahat nga sila ay muling sumigaw na sinasabi: Hindi ang taong ito kundi si Barabas. Subalit si Barabas ay isang tulisan.
Juan 18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pagkakanulo at Pagdakip kay Jesus
18 Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, lumabas siya kasama ang kanyang mga alagad patawid sa Libis ng Kidron sa lugar na may halamanan. Pumasok siya roon at ang kanyang mga alagad. 2 Alam ni Judas, na nagkanulo sa kanya, ang lugar sapagkat madalas makipagkita roon si Jesus sa kanyang mga alagad. 3 Kaya nagsama si Judas ng isang pangkat ng mga kawal at ng mga lingkod mula sa mga punong pari at mula sa mga Fariseo. Dumating sila roon na may dalang mga ilawan, mga sulo at mga sandata. 4 Alam ni Jesus ang lahat ng mangyayari sa kanya kaya lumabas siya at nagtanong sa kanila, “Sino ang hinahanap ninyo?” 5 “Si Jesus ng Nazareth,” sagot nila. Sinabi ni Jesus, “Ako iyon.” Si Judas, na nagkanulo sa kanya ay nakatayong kasama nila. 6 Nang sabihin ni Jesus sa kanila na siya iyon, napaatras sila at bumagsak sa lupa. 7 Muli siyang nagtanong, “Sino ang hinahanap ninyo?” “Si Jesus ng Nazareth,” sagot muli nila. 8 Tumugon si Jesus, “Sinabi ko na sa inyong ako si Jesus. Kaya kung ako ang hinahanap ninyo, hayaan ninyong makaalis ang mga taong ito.” 9 Naganap ito upang matupad ang salita na kanyang sinabi: “Wala akong naiwala ni isa man sa mga ibinigay mo sa akin.” 10 Binunot ni Simon Pedro ang kanyang tabak at tinaga ang alipin ng Kataas-taasang Pari, at natagpas ang kanang tainga nito. Malco ang pangalan ng alipin. 11 (A)Sinabi ni Jesus kay Pedro, “Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito. Hindi ba't kailangan kong uminom sa kopa na ibinigay ng Ama sa akin?”
Ang Pagharap ni Jesus sa Kataas-taasang Pari
12 Kaya't dinakip at iginapos si Jesus ng mga kawal at ng kanilang pinuno at ng pinuno ng mga Judio. 13 Dinala muna nila si Jesus kay Anas, na biyenan ni Caifas na Kataas-taasang Pari nang taong iyon. 14 (B)Si Caifas ang nagmungkahi sa mga Judio na mas makabubuting mamatay ang isang tao para sa bayan.
Ang Pagkakaila ni Pedro kay Jesus(C)
15 Sinundan ni Pedro at ng isa pang alagad si Jesus. Kilala ng Kataas-taasang Pari ang alagad na ito kaya pumasok siyang kasama ni Jesus sa bakuran ng Kataas-taasang Pari. 16 Subalit si Pedro ay nakatayo sa labas ng pintuan ng bakuran. Kaya ang alagad na kilala ng Kataas-taasang Pari ay lumabas at kinausap ang babaing bantay-pinto, at pinapasok nito si Pedro. 17 Sinabi ng babae kay Pedro, “Hindi ba isa ka rin sa mga alagad ng taong iyon?” “Hindi,” sagot ni Pedro. 18 Dahil sa maginaw, nagpaningas ng apoy ang mga alipin at mga kawal, at tumayo sila sa paligid nito upang magpainit. Nakatayo rin doon si Pedro, kasama nilang nagpapainit.
Ang Pagtatanong ng Kataas-taasang Pari kay Jesus(D)
19 Tinanong ng Kataas-taasang Pari si Jesus tungkol sa kanyang mga alagad at tungkol sa kanyang turo. 20 Sumagot si Jesus, “Nagsalita ako nang hayagan sa mundo. Madalas akong nagtuturo sa mga sinagoga at sa templo na pinagtitipunan ang lahat ng Judio. Wala akong inilihim. 21 Bakit ako ang tinatanong mo? Tanungin mo ang mga nakarinig sa aking mga sinabi. Sila ang nakaaalam kung ano ang mga sinabi ko.” 22 Pagkasabi niya nito, sinampal siya ng kawal na nakatayong malapit sa kanya. Sinabi nito, “Ganyan ka ba sumagot sa Kataas-taasang Pari?” 23 Sumagot si Jesus. “Kung may nasabi akong masama, patunayan mo. Ngunit kung totoo ang sinabi ko, bakit mo ako sinampal?” 24 Pagkatapos, nakagapos siyang ipinadala ni Anas kay Caifas na Kataas-taasang Pari.
Ang Muling Pagkakaila ni Pedro kay Jesus(E)
25 Habang nakatayo si Pedro at nagpapainit, siya'y kanilang tinanong, “Hindi ba isa ka rin sa mga alagad ng taong iyon?” Ikinaila niya ito. “Hindi!” sagot ni Pedro. 26 Naroon ang isang lingkod ng Kataas-taasang Pari. Kamag-anak iyon ng lalaking natagpasan ni Pedro ng tainga. Nagtanong iyon, “Hindi ba nakita kitang kasama mo siya sa hardin?”. 27 Muling nagkaila si Pedro. At nang oras ding iyon, tumilaok ang isang tandang.
Si Jesus sa Harap ni Pilato(F)
28 Mula kay Caifas, dinala si Jesus sa punong-himpilan ni Pilato. Madaling araw noon at hindi sila pumasok sa punong-himpilan upang maiwasang maging marumi ayon sa kautusan at hindi maituring na di karapat-dapat kumain ng kordero ng Paskuwa. 29 Lumabas si Pilato at sinabi sa kanila, “Ano'ng paratang ninyo laban sa taong ito?” 30 Sumagot sila, “Kung walang ginagawang masama ang taong ito, hindi na sana namin siya dinala sa inyo.” 31 Sinabi ni Pilato sa kanila, “Kunin ninyo siya at kayo ang humatol sa kanya ayon sa inyong batas.” Sumagot ang mga Judio, “Hindi kami pinapayagan ng batas na hatulan ng kamatayan ang sinuman.” 32 (G)(Ito ay upang matupad ang sinabi ni Jesus nang ipahiwatig niya kung paano siya mamamatay.) 33 Kaya pumasok muli si Pilato sa punong-himpilan. Ipinatawag niya si Jesus at tinanong, “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?” 34 Sumagot si Jesus, “Sa iyo ba galing ang tanong na iyan, o may nagsabi lamang sa iyo tungkol sa akin?” 35 Sumagot si Pilato, “Judio ba ako? Ang mga kababayan mo mismo at mga punong pari ang nagdala sa iyo rito. Ano ba ang ginawa mo?” 36 Sumagot si Jesus, “Ang kaharian ko ay hindi mula sa sanlibutang ito. Kung mula sa sanlibutang ito ang kaharian ko, ipaglalaban ako ng mga alagad ko upang hindi ako mapasakamay ng mga pinuno ng mga Judio. Ngunit ang kaharian ko ay hindi mula rito.” 37 Tinanong siya ni Pilato, “Isa kang hari kung gayon?” Sumagot si Jesus, “Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. Ito nga ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at pumarito sa sanlibutan, upang magpatotoo sa katotohanan. Ang sinumang nasa panig ng katotohanan ay nakikinig sa tinig ko.” 38 Tinanong siya ni Pilato, “Ano ang katotohanan?”
Hatol na Kamatayan kay Jesus
Matapos niyang sabihin ito, muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga Judio, “Wala akong makitang anumang dahilan laban sa kanya. 39 Ngunit mayroon kayong kaugalian na magpalaya ako ng isang tao kapag araw ng Paskuwa. Nais ba ninyong palayain ko para sa inyo ang Hari ng mga Judio?” 40 Muli silang sumigaw, “Huwag siya kundi si Barabas!” Si Barabas ay isang tulisan.
John 18
Amplified Bible, Classic Edition
18 Having said these things, Jesus went out with His disciples beyond (across) the winter torrent of the Kidron [in the ravine]. There was a garden there, which He and His disciples entered.
2 And Judas, who was betraying Him and delivering Him up, also knew the place, because Jesus had often retired there with His disciples.
3 So Judas, obtaining and taking charge of the band of soldiers and some guards (attendants) of the high priests and Pharisees, came there with lanterns and torches and weapons.
4 Then Jesus, knowing all that was about to befall Him, went out to them and said, Whom are you seeking? [Whom do you want?]
5 They answered Him, Jesus the Nazarene. Jesus said to them, I am He. Judas, who was betraying Him, was also standing with them.
6 When Jesus said to them, I am He, they went backwards (drew back, lurched backward) and fell to the ground.
7 Then again He asked them, Whom are you seeking? And they said, Jesus the Nazarene.
8 Jesus answered, I told you that I am He. So, if you want Me [if it is only I for Whom you are looking], let these men go their way.
9 Thus what He had said was fulfilled and verified, Of those whom You have given Me, I have not lost even one.(A)
10 Then Simon Peter, who had a sword, drew it and struck the high priest’s servant and cut off his right ear. The servant’s name was Malchus.
11 Therefore, Jesus said to Peter, Put the sword [back] into the sheath! The cup which My Father has given Me, shall I not drink it?
12 So the troops and their captain and the guards (attendants) of the Jews seized Jesus and bound Him,
13 And they brought Him first to Annas, for he was the father-in-law of Caiaphas, who was the high priest that year.
14 It was Caiaphas who had counseled the Jews that it was expedient and for their welfare that one man should die for (instead of, in behalf of) the people.(B)
15 Now Simon Peter and another disciple were following Jesus. And that disciple was known to the high priest, and so he entered along with Jesus into the court of the palace of the high priest;
16 But Peter was standing outside at the door. So the other disciple, who was known to the high priest, went out and spoke to the maid who kept the door and brought Peter inside.
17 Then the maid who was in charge at the door said to Peter, You are not also one of the disciples of this [a]Man, are you? He said, I am not!
18 Now the servants and the guards (the attendants) had made a fire of coals, for it was cold, and they were standing and warming themselves. And Peter was with them, standing and warming himself.
19 Then the high priest questioned Jesus about His disciples and about His teaching.
20 Jesus answered him, I have spoken openly to the world. I have always taught in a synagogue and in the temple [area], where the Jews [habitually] congregate (assemble); and I have spoken nothing secretly.
21 Why do you ask Me? Ask those who have heard [Me] what I said to them. See! They know what I said.
22 But when He said this, one of the attendants who stood by struck Jesus, saying, Is that how [b]You answer the high priest?
23 Jesus replied, If I have said anything wrong [if I have spoken abusively, if there was evil in what I said] tell what was wrong with it. But if I spoke rightly and properly, why do you strike Me?
24 Then Annas sent Him bound to Caiaphas the high priest.
25 But Simon Peter [still] was standing and was warming himself. They said to him, You are not also one of His disciples, are you? He denied it and said, I am not!
26 One of the high priest’s servants, a relative of the man whose ear Peter cut off, said, Did I not see you in the garden with Him?
27 And again Peter denied it. And immediately a rooster crowed.
28 Then they brought Jesus from Caiaphas into the Praetorium (judgment hall, governor’s palace). And it was early. They themselves did not enter the Praetorium, that they might not be defiled (become ceremonially unclean), but might be fit to eat the Passover [supper].
29 So Pilate went out to them and said, What accusation do you bring against this [c]Man?
30 They retorted, If He were not an evildoer (criminal), we would not have handed Him over to you.
31 Pilate said to them, Take Him yourselves and judge and sentence and punish Him according to your [own] law. The Jews answered, It is not lawful for us to put anyone to death.
32 This was to fulfill the word which Jesus had spoken to show (indicate, predict) by what manner of death He was to die.(C)
33 So Pilate went back again into the judgment hall and called Jesus and asked Him, Are You the King of the Jews?
34 Jesus replied, Are you saying this of yourself [on your own initiative], or have others told you about Me?
35 Pilate answered, Am I a Jew? Your [own] people and nation and their chief priests have delivered You to me. What have You done?
36 Jesus answered, My kingdom (kingship, royal power) belongs not to this world. If My kingdom were of this world, My followers would have been fighting to keep Me from being handed over to the Jews. But as it is, My kingdom is not from here (this world); [it has no such origin or source].
37 Pilate said to Him, Then You are a King? Jesus answered, You say it! [You speak correctly!] For I am a King. [Certainly I am a King!] This is why I was born, and for this I have come into the world, to bear witness to the Truth. Everyone who is of the Truth [who is a friend of the Truth, who belongs to the Truth] hears and listens to My voice.
38 Pilate said to Him, What is Truth? On saying this he went out to the Jews again and told them, I find no fault in Him.
39 But it is your custom that I release one [prisoner] for you at the Passover. So shall I release for you the King of the Jews?
40 Then they all shouted back again, Not Him [not this Man], but Barabbas! Now Barabbas was a robber.
Footnotes
- John 18:17 Capitalized because of what He is, the spotless Son of God, not what the speaker may have thought He was.
- John 18:22 Capitalized because of what He is, the spotless Son of God, not what the speaker may have thought He was.
- John 18:29 Capitalized because of what He is, the spotless Son of God, not what the speaker may have thought He was.
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1954, 1958, 1962, 1964, 1965, 1987 by The Lockman Foundation

