Add parallel Print Page Options

17 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; (A)at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; (B)luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:

Gaya ng ibinigay mo (C)sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan (D)ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.

At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang (E)Dios na tunay, (F)at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

Niluwalhati (G)kita sa lupa, (H)pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.

At ngayon, Ama, (I)luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang (J)aking tinamo sa iyo (K)bago ang sanglibutan ay naging gayon.

Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao (L)na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at (M)tinupad nila ang iyong salita.

Ngayon ay (N)nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo:

Sapagka't ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.

(O)Idinadalangin ko sila: (P)hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; (Q)sapagka't sila'y iyo:

10 At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.

11 At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, (R)upang sila'y maging isa, (S)na gaya naman natin.

12 Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at (T)isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi (U)ang anak ng kapahamakan; (V)upang matupad ang kasulatan.

13 Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng (W)aking kagalakang ganap sa kanila rin.

14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: (X)at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.

15 Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila (Y)mula sa masama.

16 Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.

17 (Z)Pakabanalin mo sila (AA)sa katotohanan: (AB)ang salita mo'y katotohanan.

18 Kung paanong (AC)ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.

19 At dahil sa kanila'y (AD)pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.

20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;

21 Upang silang lahat ay maging (AE)isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, (AF)na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.

22 At (AG)ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo (AH)ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;

23 Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, (AI)upang sila'y malubos sa pagkakaisa; (AJ)upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.

24 Ama, (AK)yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig kong kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, (AL)upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig (AM)bago natatag ang sanglibutan.

25 Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;

26 At ipinakilala ko sa kanila ang (AN)iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig (AO)na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.

Jesu översteprästerliga förbön

17 (A) När Jesus hade sagt detta, lyfte han blicken mot himlen och bad: "Far, stunden har kommit. Förhärliga din Son, så att Sonen kan förhärliga dig. (B) Du har gett honom makt över alla människor, för att han ska ge evigt liv åt alla dem som du har gett honom. (C) Och detta är det eviga livet: att de känner dig, den ende sanne Guden, och den som du har sänt, Jesus Kristus. (D) Jag har förhärligat dig på jorden genom att fullborda det verk som du gav mig att utföra. (E) Far, förhärliga nu mig med den härlighet som jag hade hos dig innan världen var till.

(F) Jag har uppenbarat ditt namn för de människor som du tog ut ur världen och gav till mig. De var dina och du gav dem till mig, och de har hållit fast vid ditt ord. Nu har de förstått att allt som du gett mig kommer från dig, (G) för jag har gett dem de ord som du gav till mig. De har tagit emot dem och verkligen förstått att jag har utgått från dig, och de tror att du har sänt mig.

Jag ber för dem. Jag ber inte för världen utan för dem som du har gett mig, för de är dina. 10 (H) Allt mitt är ditt och allt ditt är mitt, och jag är förhärligad i dem. 11 (I) Jag är inte längre kvar i världen, men de är kvar i världen när jag går till dig. Helige Far, bevara dem i ditt namn som du har gett mig, så att de är ett liksom vi är ett. 12 (J) Så länge jag var hos dem, bevarade jag dem i ditt namn som du gett mig. Jag vakade över dem och ingen av dem gick förlorad, ingen utom fördärvets man för att Skriften skulle uppfyllas.

13 (K) Nu kommer jag till dig. Men jag säger det här medan jag är kvar i världen, för att deras hjärtan ska vara fyllda av min glädje. 14 (L) Jag har gett dem ditt ord och världen har hatat dem, för de tillhör inte världen liksom inte heller jag tillhör världen. 15 (M) Jag ber inte att du ska ta dem ut ur världen, utan att du ska bevara dem från det onda[a]. 16 De tillhör inte världen, liksom inte heller jag tillhör världen. 17 Helga dem i sanningen: ditt ord är sanning. 18 (N) Så som du har sänt mig till världen, så har jag sänt dem till världen. 19 (O) Och jag helgar mig för dem, för att också de ska vara helgade i sanningen.

20 (P) Men jag ber inte bara för dem, utan också för dem som kommer att tro på mig genom deras ord[b]. 21 (Q) Jag ber att de alla ska vara ett, och att de ska vara i oss liksom du, Far, är i mig och jag i dig. Då ska världen tro att du har sänt mig. 22 Och den härlighet som du gett mig har jag gett till dem, för att de ska vara ett liksom vi är ett: 23 (R) jag i dem och du i mig, så att de är fullkomligt förenade till ett. Då ska världen förstå att du har sänt mig, och att du har älskat dem så som du har älskat mig.

24 (S) Far, jag vill att där jag är, där ska också de som du har gett mig vara med mig. Låt dem få se min härlighet som du har gett mig, för du har älskat mig före världens skapelse. 25 (T) Rättfärdige Far, världen har inte lärt känna dig. Men jag känner dig, och de vet att du har sänt mig. 26 (U) Jag har gjort ditt namn känt för dem. Och jag ska göra det känt, för att kärleken som du älskat mig med ska vara i dem och jag i dem."

Footnotes

  1. 17:15 det onda   Annan översättning: "den onde".
  2. 17:20 tro på mig genom deras ord   Apostlarnas ord (NT) skulle vid sidan av GT ligga till grund för den kristna församlingens tro (jfr Matt 10:40, Luk 10:16).

Panalangin ni Jesus para sa mga Alagad

17 Matapos sabihin ni Jesus ang mga ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras, luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang luwalhatiin ka ng Anak, kung paanong binigyan mo siya ng kapangyarihan sa lahat ng tao, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kanya. (A)At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Jesu-Cristo na iyong isinugo. Niluwalhati kita sa lupa sa pagtupad ko sa gawaing ibinigay mo sa akin. Kaya ngayon, Ama, sa iyong harapan ay luwalhatiin mo ako ng kaluwalhatiang taglay ko noong ako'y kasama mo bago pa man nagkaroon ng sanlibutan. Inihayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila ay sa iyo, at ibinigay mo sila sa akin, at sinunod nila ang iyong salita. Ngayon, alam na nilang ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay galing sa iyo; sapagkat ang mga salitang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila, at tinanggap nila ang mga ito. Nalaman nilang totoo nga na ako'y mula sa iyo, at naniwala silang ako'y isinugo mo. Nakikiusap ako para sa kanila. Hindi ako nakikiusap para sa sanlibutan, kundi para sa mga ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. 10 Lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang sa iyo ay sa akin; at ako ay naluluwalhati sa pamamagitan nila. 11 Wala na ako sa sanlibutan, ngunit sila ay nasa sanlibutan, at ako ay papunta na sa iyo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa pamamagitan ng iyong pangalan na ibinigay mo sa akin, upang sila ay maging isa, kung paanong tayo ay iisa. 12 (B)Habang ako ay kasama pa nila, iningatan ko sila sa pamamagitan ng iyong pangalan na ibinigay mo sa akin. Binantayan ko sila, at wala akong naiwala ni isa man sa kanila maliban sa isa na anak ng kapahamakan, upang ang Kasulatan ay matupad. 13 Ngayon, pupunta na ako sa iyo, at sinasabi ko ang mga ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang makamtan nila ang aking lubos na kagalakan. 14 Ibinigay ko pa sa kanila ang iyong salita, at kinapootan sila ng sanlibutan sapagkat sila ay hindi tagasanlibutan, tulad ko na hindi tagasanlibutan. 15 Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila mula sa Masama. 16 Hindi sila tagasanlibutan, tulad ko na hindi tagasanlibutan. 17 Pakabanalin mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan. 18 Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, isinugo ko rin sila sa sanlibutan. 19 At alang-alang sa kanila ay inilalaan ko ang aking sarili sa iyo upang sila'y mailaan din sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.

20 “Nakikiusap ako hindi lamang para sa mga taong ito, kundi para rin sa mga sumasampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita, 21 upang silang lahat ay maging isa, tulad mo, Ama, na nasa akin at ako'y nasa iyo, na sila rin ay mapasaatin, upang ang sanlibutan ay maniwala na ako'y isinugo mo. 22 Ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila, upang sila ay maging isa, kung paanong tayo ay iisa. 23 Ako ay nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa, at malaman ng sanlibutan na isinugo mo ako at minahal mo sila kung paanong minahal mo ako.

24 “Ama, hinahangad kong ang mga ibinigay mo sa akin ay makasama ko kung saan ako naroroon, upang mapagmasdan nila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, sapagkat minahal mo na ako bago pa man maitatag ang sanlibutan. 25 Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at alam ng mga taong ito na isinugo mo ako. 26 Ipinakilala ko ang pangalan mo sa kanila, at ipapakilala ko pa, upang ang pagmamahal na iniukol mo sa akin ay mapasakanila, at ako rin ay mapasakanila.”