Add parallel Print Page Options

11 Tungkol sa paghatol, (A)sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.

12 Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, (B)nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.

13 Gayon ma'y kung siya, ang (C)Espiritu ng katotohanan ay dumating, (D)ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.

Read full chapter

11 tungkol sa paghatol, dahil ang pinuno ng sanlibutang ito ay hinatulan na.

12 “Marami pa akong sasabihin sa inyo, subalit hindi pa ninyo kayang tanggapin ngayon. 13 Kapag dumating siya, ang Espiritu ng katotohanan, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan; sapagkat hindi mula sa sarili ang kanyang sasabihin, kundi kung ano ang naririnig niya at ipapahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.

Read full chapter