Font Size
Juan 13:32-34
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Juan 13:32-34
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
32 Kung ang Diyos ay naluwalhati sa pamamagitan niya, luluwalhatiin din siya ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang sarili at luluwalhatiin siya agad. 33 (A)Mga anak, sandali na lamang ninyo akong makakapiling. Hahanapin ninyo ako, at ang sinabi ko noon sa mga pinuno ng mga Judio ay sinasabi ko na sa inyo ngayon, ‘Hindi kayo makararating sa pupuntahan ko.’ 34 (B)Isang bagong utos ang ibinibigay ko: ibigin ninyo ang isa't isa. Tulad ng pag-ibig ko sa inyo, dapat din kayong umibig sa isa't isa.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.