Add parallel Print Page Options

30 Kaya, pagkatanggap niya ng tinapay, agad siyang lumabas. Gabi na noon.

Ang Bagong Kautusan

31 Pagkalabas ni Judas, sinabi ni Jesus, “Ngayon, ang Anak ng Tao ay naluwalhati na, at ang Diyos ay naluwalhati sa pamamagitan niya. 32 Kung ang Diyos ay naluwalhati sa pamamagitan niya, luluwalhatiin din siya ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang sarili at luluwalhatiin siya agad.

Read full chapter