Juan 12
Ang Dating Biblia (1905)
12 Anim na araw nga bago magpaskua ay naparoon si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.
2 Kaya't iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa't si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya.
3 Si Maria nga'y kumuha ng isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento.
4 Datapuwa't si Judas Iscariote, na isa sa kaniyang mga alagad, na sa kaniya'y magkakanulo, ay nagsabi,
5 Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?
6 Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay.
7 Sinabi nga ni Jesus, Pabayaan ninyong ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin.
8 Sapagka't ang mga dukha ay laging nasa inyo; nguni't ako'y hindi laging nasa inyo.
9 Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya'y naroroon: at sila'y nagsiparoon, hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro naman, na muling ibinangon niya mula sa mga patay.
10 Datapuwa't nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro;
11 Sapagka't dahil sa kaniya'y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus.
12 Nang kinabukasan ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,
13 Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel.
14 At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat,
15 Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.
16 Ang mga bagay na ito ay hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula: nguni't nang si Jesus ay maluwalhati na, ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya, at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya.
17 Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya'y ibangon sa mga patay, ay siyang nangagpapatotoo.
18 Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya, sapagka't nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito.
19 Ang mga Fariseo nga'y nangagsangusapan, Tingnan ninyo kung paanong kayo'y walang anomang ikapanaig; narito, ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya.
20 Mayroon ngang ilang Griego sa nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba:
21 Ang mga ito nga'y nagsilapit kay Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.
22 Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
23 At sinagot sila ni Jesus, na nagsasabi, Dumating na ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin.
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga ng marami.
25 Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.
26 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.
27 Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito.
28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.
29 Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya.
30 Sumagot si Jesus at sinabi, Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.
31 Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.
32 At ako, kung ako'y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din.
33 Datapuwa't ito'y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya.
34 Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?
35 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang sasagitna ninyo ang ilaw. Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw. Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at siya'y umalis at nagtago sa kanila.
37 Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:
38 Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
39 Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias,
40 Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso At mangagbalik-loob, At sila'y mapagaling ko.
41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
42 Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:
43 Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios.
44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
45 At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
46 Ako'y naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
47 At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.
48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw.
49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.
Juan 12
Ang Biblia, 2001
Pinahiran ng Pabango si Jesus sa Betania(A)
12 Anim na araw bago magpaskuwa ay pumunta si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro, na muling binuhay ni Jesus mula sa mga patay.
2 Siya'y ipinaghanda nila roon ng isang hapunan. Si Marta ay naglilingkod, at si Lazaro ay isa sa nakaupo[a] sa may hapag-kainan na kasalo niya.
3 Si(B) Maria ay kumuha ng isang libra[b] ng mamahaling pabango mula sa purong nardo at pinahiran ang mga paa ni Jesus, at pinunasan ang mga paa nito ng kanyang mga buhok. At ang bahay ay napuno ng amoy ng pabango.
4 Subalit si Judas Iscariote, isa sa kanyang mga alagad na magkakanulo sa kanya, ay nagsabi,
5 “Bakit hindi ipinagbili ang pabangong ito ng tatlong daang denario,[c] at ibinigay sa mga dukha?”
6 Ngunit ito'y sinabi niya, hindi dahil nagmamalasakit siya sa mga dukha, kundi sapagkat siya'y isang magnanakaw. At palibhasa'y nasa kanya ang supot ay kinukuha niya ang inilalagay doon.
7 Kaya't sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyo siya. Inilaan niya ito sa araw ng paglilibing sa akin.
8 Sapagkat(C) ang mga dukha ay laging nasa inyo; ngunit ako'y hindi laging nasa inyo.”
Sabwatan Laban kay Lazaro
9 Nang malaman ng maraming mga Judio na siya'y naroroon, sila'y pumunta hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro, na muling binuhay mula sa mga patay.
10 Kaya't pinanukala ng mga punong pari na kanilang patayin din si Lazaro,
11 sapagkat dahil sa kanya'y marami sa mga Judio ang umaalis at naniniwala kay Jesus.
Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem(D)
12 Kinabukasan, nang mabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na si Jesus ay darating sa Jerusalem,
13 sila'y(E) kumuha ng mga palapa ng puno ng palma, at lumabas upang sumalubong sa kanya, na sumisigaw, “Hosana! Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel.”
14 Nakakita si Jesus ng isang batang asno, at sumakay siya roon, gaya ng nasusulat,
15 “Huwag(F) kang matakot, anak na babae ng Zion, tingnan mo, ang iyong Hari ay dumarating, na nakasakay sa isang anak ng asno.”
16 Sa simula ang mga bagay na ito ay hindi naunawaan ng kanyang mga alagad. Ngunit nang si Jesus ay niluwalhati na, saka nila naalala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kanya, at nangyari ang mga bagay na ito sa kanya.
17 Kaya't ang maraming tao na kasama niya, nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya'y buhayin mula sa mga patay, ay siyang nagpapatunay.
18 Ang dahilan kung bakit ang maraming tao ay sumalubong sa kanya ay sapagkat nabalitaan nila na ginawa niya ang tandang ito.
19 Sinabi ng mga Fariseo sa isa't isa, “Tingnan ninyo, wala kayong magagawa. Ang sanlibutan ay sumusunod sa kanya.”
Hinanap ng Ilang Griyego si Jesus
20 Kabilang sa mga umahon upang sumamba sa kapistahan ay ilang mga Griyego.
21 Ang mga ito'y lumapit kay Felipe, na taga-Bethsaida ng Galilea, at sinabi sa kanya, “Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.”
22 Umalis si Felipe at sinabi kay Andres. Sumama si Andres kay Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
23 Sinagot sila ni Jesus, “Dumating na ang oras upang ang Anak ng Tao ay luwalhatiin.
24 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban na ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ito ay mananatiling nag-iisa. Ngunit kung ito'y mamatay, ay nagbubunga ng marami.
25 Ang(G) umiibig sa kanyang buhay ay mawawalan nito, at ang napopoot sa kanyang buhay sa sanlibutang ito ay maiingatan ito para sa buhay na walang hanggan.
26 Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at kung saan ako naroroon, ay naroroon din ang lingkod ko. Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin, siya'y pararangalan ng Ama.
Nagsalita si Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan
27 “Ngayon ay nababagabag ang aking kaluluwa. At ano ang aking sasabihin? ‘Ama, iligtas mo ako sa oras na ito?’ Ngunit dahil dito ay dumating ako sa oras na ito.
28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” At dumating ang isang tinig mula sa langit, “Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.”
29 Narinig ito ng maraming taong nakatayo roon at sinabi nilang kumulog. Sinabi naman ng iba na, “Isang anghel ang nakipag-usap sa kanya.”
30 Sumagot si Jesus, “Ang tinig na ito'y dumating para sa inyo, hindi para sa akin.
31 Ngayon ang paghatol sa sanlibutang ito. Ngayon ang pinuno ng sanlibutang ito ay palalayasin.
32 At ako, kapag ako'y itinaas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay papalapitin ko sa aking sarili.”
33 Ito'y sinabi niya, upang ipahiwatig kung sa anong uri ng kamatayan ang ikamamatay niya.
34 Sinagot(H) siya ng mga tao, “Aming narinig mula sa kautusan na ang Cristo ay nananatili magpakailanman. Paano mong nasabi na ang Anak ng Tao ay kailangang itaas? Sino itong Anak ng Tao?”
35 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang ilaw ay kasama ninyo ng kaunti pang panahon. Kayo'y lumakad habang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng dilim. Ang lumalakad sa dilim ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, sumampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.” Nang masabi ni Jesus ang mga bagay na ito siya'y umalis at nagtago sa kanila.
37 Bagama't gumawa siya sa harapan nila ng maraming mga tanda, sila ay hindi naniwala sa kanya;
38 upang(I) matupad ang sinabi ni propeta Isaias:
“Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?”
39 Kaya't hindi sila makapaniwala, sapagkat sinabi rin ni Isaias,
40 “Binulag(J) niya ang kanilang mga mata,
at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
upang sila'y huwag makakita sa pamamagitan ng kanilang mga mata,
at makaunawa sa pamamagitan ng kanilang puso, at magbalik-loob,
at sila'y pagalingin ko.”
41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, sapagkat nakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at nagsalita tungkol sa kanya.
42 Gayunman, maging sa mga pinuno ay maraming sumampalataya sa kanya; subalit dahil sa takot sa mga Fariseo ay hindi nila ito ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga,
43 sapagkat inibig nila ang papuri ng mga tao kaysa papuri ng Diyos.
Paghatol sa Pamamagitan ng mga Salita ni Jesus
44 Si Jesus ay sumigaw at nagsabi, “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
45 At ang nakakita sa akin ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
46 Ako'y naparito na isang ilaw sa sanlibutan, upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
47 Kung ang sinuman ay nakikinig sa aking mga salita, at hindi tumutupad ng mga iyon ay hindi ko siya hinahatulan, sapagkat hindi ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan.
48 Ang nagtatakuwil sa akin at hindi tumatanggap sa aking mga salita ay mayroong isang humahatol sa kanya. Ang salitang aking sinabi ang siyang hahatol sa kanya sa huling araw.
49 Sapagkat ako'y hindi nagsasalita mula sa aking sarili kundi ang Ama na nagsugo sa akin ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong bigkasin.
50 Nalalaman ko na ang kanyang utos ay buhay na walang hanggan. Kaya't ang mga bagay na sinasabi ko ay aking sinasabi ayon sa sinabi ng Ama.”
Juan 12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Binuhusan ng pabango si Jesus
12 Anim na araw bago ang Paskuwa nang magpunta si Jesus sa Betania, sa bahay ni Lazaro na binuhay niya mula sa mga patay. 2 Naghanda sila ng pagkain para kay Jesus. Nagsisilbi si Marta sa hapag kainan habang si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Jesus. 3 (A)Kumuha si Maria ng halos kalahating litro ng mamahaling pabango na gawa sa purong nardo. Ibinuhos niya ito sa mga paa ni Jesus at pinunasan ng kanyang buhok. Napuno ng halimuyak ng pabango ang buong bahay. 4 Subalit isa sa kanyang mga alagad, si Judas Iscariote, na siyang magkakanulo sa kanya ay nagsabi, 5 “Bakit hindi na lang ibinenta ang pabangong ito sa halagang tatlong daang denaryo at ibinigay sa mahihirap?” 6 Sinabi niya ito hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha, kundi dahil siya ay magnanakaw. Siya ang nag-iingat ng supot ng salapi at kinukupitan niya ito. 7 Sinabi ni Jesus, “Hayaan mo siya. Pinaghahandaan lamang niya ang araw ng aking libing. 8 (B)Lagi ninyong kasama ang mga dukha, ngunit ako’y hindi ninyo laging makakasama.”
9 Nang malaman ng napakaraming Judio na naroon si Jesus, pumunta sila roon hindi lamang dahil kay Jesus, kundi upang makita rin nila si Lazaro na muli niyang binuhay. 10 Nagplano rin ang mga punong pari na patayin si Lazaro, 11 sapagkat siya ang dahilan kung bakit marami sa mga Judio ang lumalayo sa kanila at sumasampalataya kay Jesus.
Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem
12 Kinabukasan, nabalitaan ng napakaraming taong naroon sa pista na si Jesus ay pupunta sa Jerusalem. 13 (C)Kaya kumuha sila ng mga sanga ng puno ng palma at lumabas sila upang salubungin siya. Nagsigawan sila,
“Hosanna!
Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon,
ang Hari ng Israel!”
14 Nakita ni Jesus ang isang asno at sumakay siya rito. Gaya ng nasusulat,
15 (D)“Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion.
Narito ang iyong hari,
dumarating na nakasakay sa batang asno!”
16 Noong una, hindi naunawaan ng mga alagad ni Jesus ang mga bagay na ito. Subalit nang siya ay luwalhatiin na, naalala nila na ang mga ito ay nakasulat tungkol sa kanya at ginawa nga sa kanya. 17 Kaya patuloy na nagpatotoo ang mga taong kasama niya noong tawagin niya si Lazaro mula sa libingan at muli itong binuhay. 18 Nabalitaan din nila na gumawa si Jesus ng ganitong himala, kaya't nagpunta sila para salubungin siya. 19 Dahil dito sinabi ng mga Fariseo sa isa't isa, “Wala tayong magagawa. Tingnan ninyo at sumusunod na sa kanya ang buong mundo.”
20 May mga Griyego ang kabilang doon sa mga nagpunta sa pista upang sumamba. 21 Lumapit sila kay Felipe na taga-Bethsaida ng Galilea at nakiusap sa kanya, “Ginoo, gusto sana naming makita si Jesus.” 22 Pinuntahan ni Felipe si Andres at sinabi ang tungkol dito. Pagkatapos, magkasama silang pumunta at sinabi ito kay Jesus. 23 Sumagot si Jesus, “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao. 24 Tandaan ninyo ito, malibang mahulog sa lupa at mamatay ang isang butil ng trigo, ito ay mananatiling butil; subalit kung ito'y mamatay, mamumunga ito nang sagana. 25 (E)Ang nagmamahal sa kanyang buhay ay mawawalan nito at ang mga napopoot sa kanyang buhay sa sanlibutang ito ay mag-iingat nito tungo sa buhay na walang hanggan. 26 Ang sinumang naglilingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at kung nasaan ako ay naroon din ang aking lingkod. Ang sinumang naglilingkod sa akin ay pararangalan ng Ama.
Ang Pagpapahiwatig ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan
27 “Ngayon, ang kaluluwa ko'y nababagabag. At ano'ng sasabihin ko? ‘Ama, iligtas mo ako sa oras na ito’? Ngunit ang oras na ito ang dahilan kung bakit naparito ako. 28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Niluwalhati ko na ito, at muli kong luluwalhatiin.” 29 Narinig ito ng mga taong nakatayo roon at sinabi nilang kumulog. Ang iba naman ay nagsabing, “May anghel na kumausap sa kanya.” 30 Sumagot si Jesus, “Ang tinig na ito'y dumating para sa inyo, at hindi para sa akin. 31 Ngayon na ang paghuhukom ng sanlibutang ito. Ngayon, ang pinuno ng sanlibutang ito ay palalayasin. 32 At ako, kapag naitaas na mula sa lupa, ilalapit ko ang mga tao sa akin.” 33 Sinabi niya ito upang ilarawan kung paano siya mamamatay. 34 (F)Sumagot ang mga tao, “Narinig namin mula sa kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailanman. Bakit mo sinasabing ang Anak ng Tao ay itataas? Sino ba itong Anak ng Tao?” 35 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Makakasama pa ninyo ang ilaw nang ilang sandali. Lumakad kayo habang kasama pa ninyo ang ilaw, upang sa gayo'y hindi kayo madaig ng kadiliman. Hindi nalalaman ng lumalakad sa dilim ang kanyang pupuntahan. 36 Habang kasama pa ninyo ang ilaw, sumampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.” Pagkasabi nito, umalis si Jesus at nagtago sa kanila.
Ang Kawalan ng Pananampalataya ng mga Tao
37 Kahit na gumawa si Jesus ng maraming himala sa harap ng mga tao, hindi pa rin sila sumampalataya sa kanya. 38 (G)Ito ay katuparan ng sinabi ni propeta Isaias:
“Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita,
at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?”
39 Hindi sila makapaniwala sapagkat sinabi rin ni Isaias,
40 (H)“Binulag niya ang kanilang mga mata
at pinatigas ang kanilang mga puso,
upang hindi makakita ang kanilang mga mata
at hindi makaunawa ang kanilang puso, o makapanumbalik,
upang pagalingin ko.”
41 Ang mga ito'y sinabi ni Isaias dahil nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at siya'y nagsalita tungkol sa kanya. 42 Gayunman, marami ang sumampalataya sa kanya, maging ang ilan sa mga pinuno. Subalit dahil sa mga Fariseo, hindi nila ito ipinaalam sa iba sa takot na palayasin sila sa sinagoga; 43 sapagkat mas ibig nila ang papuri mula sa tao kaysa papuring mula sa Diyos.
44 At pagkatapos, sumigaw si Jesus, “Ang sinumang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya kundi sa kanya na nagsugo sa akin. 45 At ang nakakikita sa akin ay nakakakita sa kanya na nagsugo sa akin. 46 Ako ang ilaw na dumating sa sanlibutan, upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman. 47 Hindi ako ang humahatol sa sinumang nakikinig sa aking mga salita ngunit hindi sinusunod ang mga ito. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. 48 May hukom na hahatol sa sinumang nagbabale-wala sa akin at hindi tumanggap ng aking salita; ang salitang sinabi ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. 49 Sapagkat hindi galing sa akin ang sinasabi ko. Ang Ama na nagsugo sa akin ang nagbigay sa akin ng utos kung ano ang aking sasabihin at bibigkasin. 50 At alam kong ang kanyang utos ay buhay na walang hanggan. Kaya, ang sinasabi ko ay sinabi sa akin ng Ama.”
John 12
New International Version
Jesus Anointed at Bethany(A)
12 Six days before the Passover,(B) Jesus came to Bethany,(C) where Lazarus lived, whom Jesus had raised from the dead. 2 Here a dinner was given in Jesus’ honor. Martha served,(D) while Lazarus was among those reclining at the table with him. 3 Then Mary took about a pint[a] of pure nard, an expensive perfume;(E) she poured it on Jesus’ feet and wiped his feet with her hair.(F) And the house was filled with the fragrance of the perfume.
4 But one of his disciples, Judas Iscariot, who was later to betray him,(G) objected, 5 “Why wasn’t this perfume sold and the money given to the poor? It was worth a year’s wages.[b]” 6 He did not say this because he cared about the poor but because he was a thief; as keeper of the money bag,(H) he used to help himself to what was put into it.
7 “Leave her alone,” Jesus replied. “It was intended that she should save this perfume for the day of my burial.(I) 8 You will always have the poor among you,[c](J) but you will not always have me.”
9 Meanwhile a large crowd of Jews found out that Jesus was there and came, not only because of him but also to see Lazarus, whom he had raised from the dead.(K) 10 So the chief priests made plans to kill Lazarus as well, 11 for on account of him(L) many of the Jews were going over to Jesus and believing in him.(M)
Jesus Comes to Jerusalem as King(N)
12 The next day the great crowd that had come for the festival heard that Jesus was on his way to Jerusalem. 13 They took palm branches(O) and went out to meet him, shouting,
“Hosanna![d]”
“Blessed is the king of Israel!”(Q)
14 Jesus found a young donkey and sat on it, as it is written:
16 At first his disciples did not understand all this.(S) Only after Jesus was glorified(T) did they realize that these things had been written about him and that these things had been done to him.
17 Now the crowd that was with him(U) when he called Lazarus from the tomb and raised him from the dead continued to spread the word. 18 Many people, because they had heard that he had performed this sign,(V) went out to meet him. 19 So the Pharisees said to one another, “See, this is getting us nowhere. Look how the whole world has gone after him!”(W)
Jesus Predicts His Death
20 Now there were some Greeks(X) among those who went up to worship at the festival. 21 They came to Philip, who was from Bethsaida(Y) in Galilee, with a request. “Sir,” they said, “we would like to see Jesus.” 22 Philip went to tell Andrew; Andrew and Philip in turn told Jesus.
23 Jesus replied, “The hour(Z) has come for the Son of Man to be glorified.(AA) 24 Very truly I tell you, unless a kernel of wheat falls to the ground and dies,(AB) it remains only a single seed. But if it dies, it produces many seeds. 25 Anyone who loves their life will lose it, while anyone who hates their life in this world will keep it(AC) for eternal life.(AD) 26 Whoever serves me must follow me; and where I am, my servant also will be.(AE) My Father will honor the one who serves me.
27 “Now my soul is troubled,(AF) and what shall I say? ‘Father,(AG) save me from this hour’?(AH) No, it was for this very reason I came to this hour. 28 Father, glorify your name!”
Then a voice came from heaven,(AI) “I have glorified it, and will glorify it again.” 29 The crowd that was there and heard it said it had thundered; others said an angel had spoken to him.
30 Jesus said, “This voice was for your benefit,(AJ) not mine. 31 Now is the time for judgment on this world;(AK) now the prince of this world(AL) will be driven out. 32 And I, when I am lifted up[g] from the earth,(AM) will draw all people to myself.”(AN) 33 He said this to show the kind of death he was going to die.(AO)
34 The crowd spoke up, “We have heard from the Law(AP) that the Messiah will remain forever,(AQ) so how can you say, ‘The Son of Man(AR) must be lifted up’?(AS) Who is this ‘Son of Man’?”
35 Then Jesus told them, “You are going to have the light(AT) just a little while longer. Walk while you have the light,(AU) before darkness overtakes you.(AV) Whoever walks in the dark does not know where they are going. 36 Believe in the light while you have the light, so that you may become children of light.”(AW) When he had finished speaking, Jesus left and hid himself from them.(AX)
Belief and Unbelief Among the Jews
37 Even after Jesus had performed so many signs(AY) in their presence, they still would not believe in him. 38 This was to fulfill the word of Isaiah the prophet:
39 For this reason they could not believe, because, as Isaiah says elsewhere:
40 “He has blinded their eyes
and hardened their hearts,
so they can neither see with their eyes,
nor understand with their hearts,
nor turn—and I would heal them.”[i](BA)
41 Isaiah said this because he saw Jesus’ glory(BB) and spoke about him.(BC)
42 Yet at the same time many even among the leaders believed in him.(BD) But because of the Pharisees(BE) they would not openly acknowledge their faith for fear they would be put out of the synagogue;(BF) 43 for they loved human praise(BG) more than praise from God.(BH)
44 Then Jesus cried out, “Whoever believes in me does not believe in me only, but in the one who sent me.(BI) 45 The one who looks at me is seeing the one who sent me.(BJ) 46 I have come into the world as a light,(BK) so that no one who believes in me should stay in darkness.
47 “If anyone hears my words but does not keep them, I do not judge that person. For I did not come to judge the world, but to save the world.(BL) 48 There is a judge for the one who rejects me and does not accept my words; the very words I have spoken will condemn them(BM) at the last day. 49 For I did not speak on my own, but the Father who sent me commanded me(BN) to say all that I have spoken. 50 I know that his command leads to eternal life.(BO) So whatever I say is just what the Father has told me to say.”(BP)
Footnotes
- John 12:3 Or about 0.5 liter
- John 12:5 Greek three hundred denarii
- John 12:8 See Deut. 15:11.
- John 12:13 A Hebrew expression meaning “Save!” which became an exclamation of praise
- John 12:13 Psalm 118:25,26
- John 12:15 Zech. 9:9
- John 12:32 The Greek for lifted up also means exalted.
- John 12:38 Isaiah 53:1
- John 12:40 Isaiah 6:10
John 12
Contemporary English Version
At Bethany
(Matthew 26.6-13; Mark 14.3-9)
12 Six days before Passover Jesus went back to Bethany, where he had raised Lazarus from death. 2 A meal had been prepared for Jesus. Martha was doing the serving, and Lazarus himself was there.
3 (A) Mary took a very expensive bottle of perfume[a] and poured it on Jesus' feet. She wiped them with her hair, and the sweet smell of the perfume filled the house.
4 A disciple named Judas Iscariot[b] was there. He was the one who was going to betray Jesus, and he asked, 5 “Why wasn't this perfume sold for 300 silver coins and the money given to the poor?” 6 Judas did not really care about the poor. He asked this because he carried the moneybag and sometimes would steal from it.
7 Jesus replied, “Leave her alone! She has kept this perfume for the day of my burial. 8 (B) You will always have the poor with you, but you won't always have me.”
A Plot To Kill Lazarus
9 A lot of people came when they heard that Jesus was there. They also wanted to see Lazarus, because Jesus had raised him from death. 10 So the chief priests made plans to kill Lazarus. 11 He was the reason that many of the people were turning from them and putting their faith in Jesus.
Jesus Enters Jerusalem
(Matthew 21.1-11; Mark 11.1-11; Luke 19.28-40)
12 The next day a large crowd was in Jerusalem for Passover. When they heard that Jesus was coming for the festival, 13 (C) they took palm branches and went out to greet him.[c] They shouted,
“Hooray![d]
God bless the one who comes
in the name of the Lord!
God bless the King
of Israel!”
14 Jesus found a donkey and rode on it, just as the Scriptures say,
15 (D) “People of Jerusalem,
don't be afraid!
Your King is now coming,
and he is riding
on a donkey.”
16 At first, Jesus' disciples did not understand. But after he had been given his glory,[e] they remembered all this. Everything had happened exactly as the Scriptures said it would.
17-18 A crowd had come to meet Jesus because they had seen him call Lazarus out of the tomb. They kept talking about him and this miracle.[f] 19 But the Pharisees said to each other, “There is nothing we can do! Everyone in the world is following Jesus.”
Some Greeks Want To Meet Jesus
20 Some Greeks[g] had gone to Jerusalem to worship during Passover. 21 Philip from Bethsaida in Galilee was there too. So they went to him and said, “Sir, we would like to meet Jesus.” 22 Philip told Andrew. Then the two of them went to Jesus and told him.
The Son of Man Must Be Lifted Up
23 Jesus said:
The time has come for the Son of Man to be given his glory.[h] 24 I tell you for certain that a grain of wheat that falls on the ground will never be more than one grain unless it dies. But if it dies, it will produce lots of wheat. 25 (E) If you love your life, you will lose it. If you give it up in this world, you will be given eternal life. 26 If you serve me, you must go with me. My servants will be with me wherever I am. If you serve me, my Father will honor you.
27 Now I am deeply troubled, and I don't know what to say. But I must not ask my Father to keep me from this time of suffering. In fact, I came into the world to suffer. 28 So Father, bring glory to yourself.
A voice from heaven then said, “I have already brought glory to myself, and I will do it again!” 29 When the crowd heard the voice, some of them thought it was thunder. Others thought an angel had spoken to Jesus.
30 Then Jesus told the crowd, “That voice spoke to help you, not me. 31 This world's people are now being judged, and the ruler of this world[i] is already being thrown out! 32 If I am lifted up above the earth, I will make everyone want to come to me.” 33 Jesus was talking about the way he would be put to death.
34 (F) The crowd said to Jesus, “The Scriptures teach that the Messiah will live forever. How can you say that the Son of Man must be lifted up? Who is this Son of Man?”
35 Jesus answered, “The light will be with you for only a little longer. Walk in the light while you can. Then you won't be caught walking blindly in the dark. 36 Have faith in the light while it is with you, and you will be children of the light.”
The People Refuse To Have Faith in Jesus
After Jesus had said these things, he left and went into hiding. 37 He had worked a lot of miracles[j] among the people, but they were still not willing to have faith in him. 38 (G) This happened so that what the prophet Isaiah had said would come true,
“Lord, who has believed
our message?
And who has seen
your mighty strength?”
39 The people could not have faith in Jesus, because Isaiah had also said,
40 (H) “The Lord has blinded
the eyes of the people,
and he has made
the people stubborn.
He did this so that they
could not see
or understand,
and so that they
would not turn to the Lord
and be healed.”
41 Isaiah said this, because he saw the glory of Jesus and spoke about him.[k] 42 Even then, many of the leaders put their faith in Jesus, but they did not tell anyone about it. The Pharisees had already given orders for the people not to have anything to do with anyone who had faith in Jesus. 43 And besides, the leaders liked praise from others more than they liked praise from God.
Jesus Came To Save the World
44 In a loud voice Jesus said:
Everyone who has faith in me also has faith in the one who sent me. 45 And everyone who has seen me has seen the one who sent me. 46 I am the light that has come into the world. No one who has faith in me will stay in the dark.
47 I am not the one who will judge those who refuse to obey my teachings. I came to save the people of this world, not to be their judge. 48 But everyone who rejects me and my teachings will be judged on the last day[l] by what I have said. 49 I don't speak on my own. I say only what the Father who sent me has told me to say. 50 I know that his commands will bring eternal life. This is why I tell you exactly what the Father has told me.
Footnotes
- 12.3 very expensive bottle of perfume: The Greek text has “expensive perfume made of pure spikenard,” a plant used to make perfume.
- 12.4 Iscariot: See the note at 6.71.
- 12.13 took palm branches and went out to greet him: This was one way the people welcomed a famous person.
- 12.13 Hooray: This translates a word that can mean “please save us.” But it is most often used as a shout of praise to God.
- 12.16 had been given his glory: See the note at 7.39.
- 12.17,18 miracle: See the note at 2.11.
- 12.20 Greeks: Perhaps Gentiles who worshiped with the Jews. See the note at 7.35.
- 12.23 be given his glory: See the note at 7.39.
- 12.31 world: In the Gospel of John “world” sometimes refers to the people who live in this world and to the evil forces that control their lives.
- 12.37 miracles: See the note at 2.11.
- 12.41 he saw the glory of Jesus and spoke about him: Or “he saw the glory of God and spoke about Jesus.”
- 12.48 the last day: See the note at 6.39.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
Copyright © 1995 by American Bible Society For more information about CEV, visit www.bibles.com and www.cev.bible.


