Juan 12:40-42
Ang Biblia (1978)
40 Binulag niya ang kanilang mga mata, (A)at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso
At mangagbalik-loob,
At sila'y mapagaling ko.
41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, (B)sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
42 Gayon man (C)maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't (D)dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:
Read full chapter
Juan 12:40-42
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
40 (A)“Binulag niya ang kanilang mga mata
at pinatigas ang kanilang mga puso,
upang hindi makakita ang kanilang mga mata
at hindi makaunawa ang kanilang puso, o makapanumbalik,
upang pagalingin ko.”
41 Ang mga ito'y sinabi ni Isaias dahil nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at siya'y nagsalita tungkol sa kanya. 42 Gayunman, marami ang sumampalataya sa kanya, maging ang ilan sa mga pinuno. Subalit dahil sa mga Fariseo, hindi nila ito ipinaalam sa iba sa takot na palayasin sila sa sinagoga;
Read full chapter
Juan 12:40-42
Ang Dating Biblia (1905)
40 Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso At mangagbalik-loob, At sila'y mapagaling ko.
41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
42 Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:
Read full chapter
Juan 12:40-42
Ang Salita ng Diyos
40 Binulag niya ang kanilang mga mata at pinatigas ang kanilang puso. Ito ay upang hindi sila makakita sa pamamagitan ng kanilang mga mata, ni makaunawa sa pamamagitan ng kanilang puso, at manumbalik. Kung hindi gayon sila ay pagagalingin ko.
41 Ang bagay na ito ay sinabi ni Isaias nang makita niya ang kaluwalhatian ng Panginoon at nagsalita patungkol sa kaniya.
42 Gayunman, marami sa mga mataas na pinuno ang sumampalataya kay Jesus. Ngunit dahil sa mga Fariseo hindi nila siya ipinahayag baka sila palayasin sa sinagoga.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by Bibles International
