Juan 1
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nagkatawang tao ang Salita
1 Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Kasama na niya ang Diyos noong simula pa. 3 Nilikha ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha. Ang lahat ng nilikha 4 ay nagkaroon ng buhay sa pamamagitan niya, at ang buhay na ito ay ilaw ng sangkatauhan. 5 Ang ilaw ay nagliliwanag sa kadiliman at ang kadiliman ay hindi nanaig sa ilaw. 6 (A)Isinugo ng Diyos ang isang taong nagngangalang Juan. 7 Dumating siya bilang isang saksi at upang magpatotoo tungkol sa ilaw, nang sa gayon ay maniwala ang lahat sa pamamagitan niya. 8 Hindi siya ang ilaw, kundi isang magpapatotoo lamang tungkol sa ilaw. 9 Dumarating sa sanlibutan ang tunay na ilaw upang magliwanag sa bawat tao. 10 Siya ay nasa sanlibutan, at nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya subalit hindi siya naunawaan nito. 11 Dumating siya sa sarili niyang bayan subalit hindi siya tinanggap ng bayan niyang ito. 12 Subalit sa lahat ng tumanggap sa kanya, sa mga sumampalataya sa pangalan niya, sila'y binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos; 13 na hindi ipinanganak ayon sa dugo, ni ayon sa laman o kalooban ng tao, kundi ayon sa Diyos. 14 Naging tao ang Salita, at nanirahan sa piling natin na puspos ng kagandahang-loob at katotohanan; nasaksihan namin ang kanyang kaluwalhatian, isang kaluwalhatian na tulad ng sa kaisa-isang anak na nagmula sa Ama. 15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at sumigaw na sinasabi, “Siya ang tinukoy ko nang sabihin kong, ‘Siya na dumarating kasunod ko ay higit kaysa akin, sapagkat siya'y nauna sa akin.’ ” 16 At tumanggap tayong lahat mula sa kanyang kapuspusan; kagandahang-loob na sinundan pa ng kagandahang-loob. 17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises; ang kagandahang-loob at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y walang nakakita sa Diyos; ang natatanging Diyos[a] na nasa kandungan ng Ama ang nagpakilala sa kanya.
Ang Pagpapatotoo ni Juan
19 At ito ang patotoo ni Juan nang nagpadala ang mga Judio ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem upang tanungin siya, “Sino ka ba?” 20 Nagpahayag siya at hindi nagkaila, kundi sinabi niya, “Hindi ako ang Cristo.” 21 (B)At tinanong nila si Juan, “Kung gayon, ikaw ba si Elias?” Sinabi niya, “Hindi ako.” “Ikaw ba ang propeta?” At sumagot siya, “Hindi.” 22 Kaya't sinabi nila sa kanya, “Sino ka? Bigyan mo kami ng kasagutang maaari naming ibigay sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa sarili mo?” 23 (C)Sinabi niya,
“Ako ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
‘Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon,’
tulad ng sinabi ni propetang Isaias.” 24 Ang mga ito ay sugo mula sa mga Fariseo. 25 Muli silang nagtanong sa kanya, “Kung gayon bakit ka nagbabautismo, kung hindi ikaw ang Cristo, hindi rin ikaw si Elias, ni ang propeta?” 26 Sinagot sila ni Juan, “Nagbabautismo ako sa tubig, ngunit may nakatayong kasama ninyo na hindi ninyo kilala; 27 siya ang dumarating na kasunod ko; hindi ako karapat-dapat na magkalag man lamang ng kanyang sandalyas.” 28 Nangyari ito sa Betania sa kabilang ibayo ng Jordan kung saan nagbabautismo si Juan.
Ang Kordero ng Diyos
29 Nang sumunod na araw, nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kanya, at sinabi niya, “Narito ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan! 30 Siya ang binanggit ko sa inyo, ‘Kasunod ko ang lalaking mas una kaysa sa akin sapagkat siya'y nauna sa akin.’ 31 Hindi ko siya nakilala; ngunit ako'y dumating at nagbabautismo sa tubig, upang siya'y maihayag sa Israel.” 32 Pagkatapos nito'y nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumaba gaya ng isang kalapati mula sa langit at nanatili ito sa kanya. 33 Hindi ko siya nakilala; ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ay nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makikitang bababa at mananatili ang Espiritu ay siyang magbabautismo sa inyo sa Banal na Espiritu.’ 34 Nakita ko't napatunayan na ito ang Anak ng Diyos.”
Ang Mga Naunang Alagad ni Jesus
35 Nang sumunod na araw, naroon muli't nakatayo si Juan kasama ng dalawa sa mga tagasunod niya. 36 Minasdan niya si Jesus habang naglalakad ito at sinabing, “Narito, ang kordero ng Diyos!” 37 Narinig ng dalawang tagasunod niya nang sabihin niya ito kaya sumunod sila kay Jesus. 38 Paglingon ni Jesus, nakita niya silang sumusunod kaya sinabi niya sa kanila, “Ano ang hinahanap ninyo?” At sinabi nila, “Rabbi, saan po kayo nakatira?” (Ang kahulugan ng “Rabbi” ay guro.) 39 Sinabi niya sa kanila, “Halikayo nang makita ninyo.” Sumama nga sila at nakita kung saan siya nakatira; at nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, at mag-iikaapat na ng hapon noon. 40 Isa sa dalawang nakarinig sa sinabi ni Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41 Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi niya sa kanya, “Natagpuan na namin ang Mesiyas” (na ang katumbas ay Cristo). 42 Siya'y dinala niya kay Jesus. Tumingin si Jesus sa kanya at sinabi, “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Ang itatawag na sa iyo ay Cefas[b] ”(na ang katumbas ay Pedro).
Si Felipe at Nathanael
43 Kinabukasan, nagpasya si Jesus na magpunta sa Galilea. Doon ay natagpuan niya si Felipe at sinabi rito, “Sumunod ka sa akin.” 44 Si Felipe ay taga-Bethsaida, lungsod nina Andres at Pedro. 45 Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa rito, “Natagpuan na namin siya na tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta, si Jesus na taga-Nazareth, ang anak ni Jose.” 46 Sinabi ni Nathanael sa kanya, “May mabuting bagay ba na maaring manggaling sa Nazareth?” Sinabi ni Felipe sa kanya, “Halika at tingnan mo.” 47 Nakita ni Jesus si Nathanael na lumalapit kung kaya't siya'y nagsalita ng tungkol sa kanya, “Narito ang isang tunay na Israelita na sa kanya'y walang pandaraya.” 48 Sinabi ni Nathanael sa kanya, “Paano po ninyo ako nakilala?” Sinagot siya ni Jesus, “Bago ka tawagin ni Felipe, nakita kita habang nasa ilalim ng puno ng igos.” 49 Sinagot siya ni Nathanael at sinabi, “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang hari ng Israel!” 50 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Naniniwala ka ba dahil sinabi ko sa'yo na nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Mga dakilang bagay na higit pa sa mga ito ang makikita mo.” 51 (D)At sinabi pa niya sa kanya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong bukas ang langit at ang mga anghel ng Diyos na umaakyat at bumababa sa Anak ng Tao.”
John 1
New International Version
The Word Became Flesh
1 In the beginning was the Word,(A) and the Word was with God,(B) and the Word was God.(C) 2 He was with God in the beginning.(D) 3 Through him all things were made; without him nothing was made that has been made.(E) 4 In him was life,(F) and that life was the light(G) of all mankind. 5 The light shines in the darkness,(H) and the darkness has not overcome[a] it.(I)
6 There was a man sent from God whose name was John.(J) 7 He came as a witness to testify(K) concerning that light, so that through him all might believe.(L) 8 He himself was not the light; he came only as a witness to the light.
9 The true light(M) that gives light to everyone(N) was coming into the world. 10 He was in the world, and though the world was made through him,(O) the world did not recognize him. 11 He came to that which was his own, but his own did not receive him.(P) 12 Yet to all who did receive him, to those who believed(Q) in his name,(R) he gave the right to become children of God(S)— 13 children born not of natural descent, nor of human decision or a husband’s will, but born of God.(T)
14 The Word became flesh(U) and made his dwelling among us. We have seen his glory,(V) the glory of the one and only Son, who came from the Father, full of grace(W) and truth.(X)
15 (John testified(Y) concerning him. He cried out, saying, “This is the one I spoke about when I said, ‘He who comes after me has surpassed me because he was before me.’”)(Z) 16 Out of his fullness(AA) we have all received grace(AB) in place of grace already given. 17 For the law was given through Moses;(AC) grace and truth came through Jesus Christ.(AD) 18 No one has ever seen God,(AE) but the one and only Son, who is himself God and[b](AF) is in closest relationship with the Father, has made him known.
John the Baptist Denies Being the Messiah
19 Now this was John’s(AG) testimony when the Jewish leaders[c](AH) in Jerusalem sent priests and Levites to ask him who he was. 20 He did not fail to confess, but confessed freely, “I am not the Messiah.”(AI)
21 They asked him, “Then who are you? Are you Elijah?”(AJ)
He said, “I am not.”
“Are you the Prophet?”(AK)
He answered, “No.”
22 Finally they said, “Who are you? Give us an answer to take back to those who sent us. What do you say about yourself?”
23 John replied in the words of Isaiah the prophet, “I am the voice of one calling in the wilderness,(AL) ‘Make straight the way for the Lord.’”[d](AM)
24 Now the Pharisees who had been sent 25 questioned him, “Why then do you baptize if you are not the Messiah, nor Elijah, nor the Prophet?”
26 “I baptize with[e] water,”(AN) John replied, “but among you stands one you do not know. 27 He is the one who comes after me,(AO) the straps of whose sandals I am not worthy to untie.”(AP)
28 This all happened at Bethany on the other side of the Jordan,(AQ) where John was baptizing.
John Testifies About Jesus
29 The next day John saw Jesus coming toward him and said, “Look, the Lamb of God,(AR) who takes away the sin of the world!(AS) 30 This is the one I meant when I said, ‘A man who comes after me has surpassed me because he was before me.’(AT) 31 I myself did not know him, but the reason I came baptizing with water was that he might be revealed to Israel.”
32 Then John gave this testimony: “I saw the Spirit come down from heaven as a dove and remain on him.(AU) 33 And I myself did not know him, but the one who sent me to baptize with water(AV) told me, ‘The man on whom you see the Spirit come down and remain is the one who will baptize with the Holy Spirit.’(AW) 34 I have seen and I testify that this is God’s Chosen One.”[f](AX)
John’s Disciples Follow Jesus(AY)
35 The next day John(AZ) was there again with two of his disciples. 36 When he saw Jesus passing by, he said, “Look, the Lamb of God!”(BA)
37 When the two disciples heard him say this, they followed Jesus. 38 Turning around, Jesus saw them following and asked, “What do you want?”
They said, “Rabbi”(BB) (which means “Teacher”), “where are you staying?”
39 “Come,” he replied, “and you will see.”
So they went and saw where he was staying, and they spent that day with him. It was about four in the afternoon.
40 Andrew, Simon Peter’s brother, was one of the two who heard what John had said and who had followed Jesus. 41 The first thing Andrew did was to find his brother Simon and tell him, “We have found the Messiah” (that is, the Christ).(BC) 42 And he brought him to Jesus.
Jesus looked at him and said, “You are Simon son of John. You will be called(BD) Cephas” (which, when translated, is Peter[g]).(BE)
Jesus Calls Philip and Nathanael
43 The next day Jesus decided to leave for Galilee. Finding Philip,(BF) he said to him, “Follow me.”(BG)
44 Philip, like Andrew and Peter, was from the town of Bethsaida.(BH) 45 Philip found Nathanael(BI) and told him, “We have found the one Moses wrote about in the Law,(BJ) and about whom the prophets also wrote(BK)—Jesus of Nazareth,(BL) the son of Joseph.”(BM)
46 “Nazareth! Can anything good come from there?”(BN) Nathanael asked.
“Come and see,” said Philip.
47 When Jesus saw Nathanael approaching, he said of him, “Here truly is an Israelite(BO) in whom there is no deceit.”(BP)
48 “How do you know me?” Nathanael asked.
Jesus answered, “I saw you while you were still under the fig tree before Philip called you.”
49 Then Nathanael declared, “Rabbi,(BQ) you are the Son of God;(BR) you are the king of Israel.”(BS)
50 Jesus said, “You believe[h] because I told you I saw you under the fig tree. You will see greater things than that.” 51 He then added, “Very truly I tell you,[i] you[j] will see ‘heaven open,(BT) and the angels of God ascending and descending(BU) on’[k] the Son of Man.”(BV)
Footnotes
- John 1:5 Or understood
- John 1:18 Some manuscripts but the only Son, who
- John 1:19 The Greek term traditionally translated the Jews (hoi Ioudaioi) refers here and elsewhere in John’s Gospel to those Jewish leaders who opposed Jesus; also in 5:10, 15, 16; 7:1, 11, 13; 9:22; 18:14, 28, 36; 19:7, 12, 31, 38; 20:19.
- John 1:23 Isaiah 40:3
- John 1:26 Or in; also in verses 31 and 33 (twice)
- John 1:34 See Isaiah 42:1; many manuscripts is the Son of God.
- John 1:42 Cephas (Aramaic) and Peter (Greek) both mean rock.
- John 1:50 Or Do you believe … ?
- John 1:51 The Greek is plural.
- John 1:51 The Greek is plural.
- John 1:51 Gen. 28:12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.