Add parallel Print Page Options

Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman,[a] at hindi ito nadaig ng kadiliman.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:5 kadiliman: Ang ibig sabihin, kasamaan.
  2. 1:5 hindi ito nadaig ng kadiliman: o, hindi ito naunawaan ng mga nasa kadiliman.

16 “Sinasabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito para hindi manghina ang inyong pananampalataya pagdating ng pag-uusig. Hindi na kayo tatanggapin ng mga kapwa nʼyo Judio sa mga sambahan nila. Sa katunayan, darating ang panahon na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Dios. Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila kilala ang Ama o ako. Pero sinasabi ko sa inyo ang mga ito para pagdating ng pag-uusig, maaalala nʼyong sinabi ko na ito sa inyo.

Ang Gawain ng Banal na Espiritu

“Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito noong una, dahil kasama nʼyo pa ako. Pero ngayon ay babalik na ako sa nagsugo sa akin, at wala ni isa man sa inyo ang nagtatanong kung saan ako pupunta. At ngayong sinabi ko na sa inyo, nalulungkot kayo. Pero ang totoo, para sa ikabubuti nʼyo ang pag-alis ko, dahil hindi paparito sa inyo ang Tagatulong kung hindi ako aalis. Pero kapag umalis na ako, ipapadala ko siya sa inyo. Pagdating niya, ipapakita niya sa mga taong makamundo na makasalanan sila at ako namaʼy matuwid. At ipapakita rin niya na hahatulan sila ng Dios. Ipapakita niya sa mga tao na makasalanan sila dahil hindi sila sumampalataya sa akin. 10 Ipapakita niya na ako ay matuwid dahil pupunta ako sa Ama at hindi nʼyo na makikita. 11 Ipapakita rin niya sa kanila na hahatulan sila ng Dios dahil hinatulan na si Satanas na siyang naghahari sa mga taong makamundo.

Read full chapter

33 Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin.[a] Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo,[b] pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:33 sa akin: o, sa pakikipag-isa sa akin; o, sa pagsampalataya sa akin.
  2. 16:33 sa mundo: o, sa kamay ng mga taong makamundo.